Kabanata 5

369 56 0
                                    

Third's Person Point Of View

Hindi mapakali ang tatlong Crown Monkey habang nakatingin sa walang Malay na binata.

Ito ikatlong araw na pag sasanay hindi parin kaya ng binata mag tagal kontrolin ang elemento niya. Kung sa skills ay kulang sa enerhiya ang pinakawalan nito.

Nag paalam ang dalawang Crown Monkey para pumunta sa teritoryo ng Temple Monkey. Naiwan ang babae na Crown Monkey.

Umupo siya sa malapad na bato. Kahit madulas ito ay nanatili pa rin siyang naka upo.

Dahan-dahan pinikit ang mga mata habang inisip kung anong sunod na ituro sa binata na madaling niyang matutuhan.

Dahan-dahan niyang hinawakan ang ulo niya kasabay sa pag sakit ng ulo nito. Sinubukan niyang pasukin ang panaginip ng binata ngunit nabigo lamang siya.

“May humaharang saʼkin elemento. Masyadong malakas ang ginamit na harang sa kanyang buong pag katao. Ang kaluluwa niya ay may kadenang nakapalibot.”

Sa pag mulat ng kanyang mga mata. Sunod-sunod na pag-ubo na parang may humigop sa kanyang enerhiya.

Labis siyang nanhina. Muntik ng madulas sa malapad na bato.

Samantala sa teritoryo ng Temple Monkey ay nasa labas ang dalawang Crown Monkey ng Malaking pinto.

Sinubukan nilang buksan ngunit sa subrang tibay  ng panangga ay nabigo lamang sila.

Napabungton hininga ang dalawa habang nakatingala sa tuktok ng Templo.

Nag laho ang dalawa at lumitaw sa harap ni Emo na may inis sa kanilang mga mukha.

“O angyari sa lakad niyo?” takang tanong ni Emo.

"Walang nangyari hindi kami makapasok sa templo dahil sa matibay na pangga nakapalibot. Kainis ang Temple Monkey na yun hindi man lang naramdaman ang aming pag dating." galit na saad ng may itim na mga mata.

“Masanay na kayo sa isang 'yun. Maiba tayo ng usapan,pag masdan niyo maigi ang binatang walang malay.”

Agad naman tumingin ang dalawa. “Anong meron? Wala naman kami napansin na kakaiba sa binata.”

Lumapit si Emo sa binata at tinapat ang dalawang palad niya sa mukha ng binata kasabay nag liwanag ito.

Lumitaw ang mga marka sa noo ng binata na kulay pula ngunit agad din ito nag laho.

“Ang nakita natin na marka sa noo niya at patunay na may silyado ang kanyang lakas na elemento. Sa bawat subok niya sa pag kontrol ng matagal kadalasan napansin natin ay nahihirapan siya dahil mabigat ang kanyang pag kilos at limetado.”

...

Ika-apat na araw sa pagsasanay na tagumpayan ng binata ma perpekto sa pag kontrol ng isang taktika na hindi niya akalain na kaya pala niyang kontrolin maliban sa lupa.

Tumaas ang kanyang antas mula sa Wood 2st Star patungo sa antas na Wood 5st Star. Hindi siya makapaniwala na umangat ang kanyang antas sa maikling panahon.

Napag pasyahan ni Emo na ilaban ang binata ulit sa Land Monkey na may antas na Wood Sixth Stage.

“Sumunod ka sa'kin pupunta tayo sa tiritoryo ng mga wild beast. Wag kang mag alala sa mga Wild beast na malalakas ay hindi ka nila aatakehin dahil takot sila sa'kin.”

Matahimik na sumunod ang binata Kay Emo habang pa linga-linga sa paligid nag baka sakaling may makita na mga prutas ngunit wala naman kaya napakamot na lamang siya sa ulo.

Tumigil sila sa harap ng kapatagan na maraming balat ng saging ang nag kalat at kapansin-pansin ang ingay na mula sa gitna.

“Ano ang ingay na 'yun kagalang-galang na Emo?”

Humarap si Emo sa binata na may ngiti sa labi. “Ang ingay na 'yun ay pustahan at nananood ng labanan ng mga Wild Beast kadalasan ang natatalo ay may parusa na matanggap na galing sa kampeon,habang ang nanalo ay may matanggap na gantimpala na galing sa malakas na Wild Beast. Hindi mo siguro akalain na may ganyan ang mga Wild Beast ang alam mo lang ay hindi sila nag-iisip basta lamang umatake sila na walang dahilan.” Hindi nagsalita ang binata nakinig lamang siya sa paliwanag ng Crown Monkey habang nakatitig sa nakapalibot na mga Wild Beast sa gitna.

Malapit na sila sa kinaroonan nganap na labana ngunit may humarang na isang Silver Wolf na may antas na gold first Stage.

“O bakit naparito ang  isang kagalang-galang na Crown Monkey? May kasama ka pang karaniwang tao.” sabay sa pag yuko nito na pinapakita na pag bigay galang sa Crown Monkey.

“Naparito ako Silver Gill upang isali ang binata sa labanan dito sa maliit na arenya (arena), ang binatang ito ay aking estudyante.”

"Maari na ba kami mag patuloy?"

Lumingon muna ito sa arenya ng saglit bago sumagot. “Tloy kayo at samahan ko pa kayo patungo roon nang sa ganong makilala ko rin yan estudyante mo at makita ko kung pa'no siya lumaban.” tahimik lamang ang binata nakatingin sa Silver Wolf.

Lumakad sila patungo room pagkarating bumangad sa binata ang mga upuan na hindi na kita pero dahil sa talsik ng tubing na galing sa naglaban ay saglit mong makikita na may mga upuan pala.

Pag patapak nila sa bilog na usok kasabay natapos ang labanan. Napalingon ang lahat ng magsalita ang Silver Wolf at halos lahat nakatingin sa binata na may pagtataka.

"Maganda umaga sa inyong lahat. Alam ko nagtataka kayo bakit may tao? Ang taong ito ay estudyante ng kagalang-galang na Crown Monkey. Ibig iparating  ng kagalang-galang na Crown Monkey na gusto niya sumali sa labanan ang kanyang estudyante.” Nagsitinginan ang lahat sa Crown Monkey na seryoso at nagulat sila na estudyante pala ang binata.

Nagsimula ng umingay ang boung arenya. "Mag si tahimik kayo!” natahimik ang lahat na may pagtataka.

“Ang maaring lumaban sa binata ay nasa Wood Stage dahil hindi siya malakas.kung gusto niyo makalaban siya ay kailangan muna hamonin para maiwasan ang gulo dito.”

Nakaramdam ang binata ng matinding kaba at takot na baka matalo lamang siya ngunit naisip niya na kailangan manalo para maiwasan na mapahiya siya.

May tumayo mula sa pag ka upo walang iba ang Land Monkey na tinukoy ni Emo kanina.

Nagmadali lumapit ito sa gitna at tumigil sabay turo sa binata. “Hinahamon kita gamit ang skill sa
Patutuos natin.” Napataas kilay ang Land Monkey ng saglit.

Bumababa ang binata mula sa bilog na usok. “Tinatanggap ko ang hamon mo.” Sa pag harap nila yumuko muna bago nagsimula ang labanan.

Nagsimula lumikha ang Land Monkey ng rock tornado. Pinakawalan niya sa direkyon ng binata kasabay lumaki ang maliit na ipo-ipo.

Samantala ang binata sumayaw na ipinagtaka ng mga manonood. kung anong balak nito?

Kunti na lang matatamaan na ang binata ngunit bigla itong umiwas sa binata.

Napasigaw ang ilang sa mga manonood dahil sa gulat at hindi nila akalain na kusang umiwas ang ipo-ipo.

Sa pag hampas ng binata sa sahig kasabay unti-unting naglaho ang ipo-ipo.

The Power Within: Ziwin's Stellar Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon