2. HE'S MINE TO START WITH

3 0 0
                                    

Jowa ko yung Boy Wattpader na shiniship niyo sa Famous Spazzer

Sa mundong puno ng pagkukunwari, natagpuan ko ang totoong pag-ibig. Tila isang kwento sa Wattpad ang istorya ng aming pag-iibigan. Mahigit dalawang taon na kami ngayon ng boyfriend ko. Nakilala ko si Aaron bilang isang boy wattpader. Nagsimula ang love story namin nang nagcomment ako ng "sana all" sa profile picture niyang kasama niya ang kanyang mga libro. He replied. And then, dun na nga nagsimulang maging friends kami. Lagi kaming nagchachat until after a month he confessed. He courted for me for about 7 months and then sinagot ko siya mung birthday niya. Long distance relationship kami. Nagkikita naman kami once a month. Lagi niya nga akong binibigyan ng mga books, bouquet of flowers and my favorite sweets. Nagtratravel din kami together. Narating na namin ang Japan at Paris. Madami na rin kaming napuntahan dito sa Pilipinas. After two years, naging famous nalang siya. We'll I'm so proud of him. Gwapo din kasi siya, mayaman pa at matalino. Pareho kami. Masasabi kong siya ang boy version ko. Naging admin na din siya sa iba't ibang page na may kaugnayan sa Wattpad. Until one day, shinip nalang siya sa nagkakagusto sa kanyang famous spazzer. Naging famous love team sila sa mundo ng mga wattpaders at wattpadians. Nang dahil dun, napadalas ang pag-aaway namin.

"I already told you! Hindi ko nga gusto yun! Bakit ba pinagseselosan mo pa yun eh ship lang naman! As if namang jojowain ko yun!" he said on a phone call.

"Malamang magseselos ako! Ako yung girlfriend mo! Pero mas public pa kayo nung spazzer na yun! You even told them you're single even you're not!" I yelled.

"Okay baby I'm sorry okay? Sorry kung napagtaasan kita ng boses. Hindi kita ipagpapalit sa kanya. I love you. See you again, soon." tugon niya.

"I love you too." I said and then he ended up the call.

Nag-aaway man kami nagkakabati rin. Pero madalas talaga naming pag awayan yun. Our conversation even get cold. Nanlamig nalang siya bigla.

:Babyyyyyyy
:Bukas hah ingat ka sa biyahe papunta dito samin.
:Lapit na matapos sale sa NBSbili tayo bukas hah?
:Babyyyy nagwattpad ka po?
:Sige baby goodnight.
:See you tomorrow.
:I love you always.

Ilang linggo din siyang naging malamig sakin. Until one time, umuwi siya nang biglaan. And that was our third anniversary. Pumunta kami nun sa NBS at binilhan niya ako ng puro tragic ng libro.

"Baby bakit naman puro tragic to?" tanong ko.

"I know that's your favorite. Tragic gustong gusto mo diba?" tugon niya.

"Thank you!" I said and hugged him tight. Hindi niya ako niyakap pabalik.

"Tara na gabi na." sabi ko.

"Pinaalam na kita. May pupuntahan tayo." Sabi niya.

"Saan naman?" nagtataka kong tanong.

"Basta." he said and smiled.

So he drived the car. Nagulat ako ng napunta kami sa isang bayan kung saan fiesta at guest ang This Band. Humalo na kami sa maraming tao at dininig ang kantang may mga napakasakit na liriko. Nilingon ko si Aaron at nakitang umiiyak na siya. He's eyes was sincere. Napaiyak na rin ako at niyakap namin ang isa't isa. Alam ko na. Nararamdaman ko na.

"I'm sorry baby. I fell out of love. I fall for someone else." sabi niya habang umiiyak.

"Ssshh. I know." sabi ko naman habang tinatahan siya.

"I'm letting you go. I'm now setting you free." dugtong ko pa.

"I love you. I'm so sorry. Thank you for everything." He said.

Kumalas na siya sa pagkakayakap. Tuluyan na siyang bumitaw. Hinatid niya na ako sa bahay. We both bade our goodbyes. Masakit. Sobra.

After weeks, in a relationship na sila nung spazzer. Yung jowa kong wattpader, jowa na nang famous spazzer.

Manila Encounters |A one shot stories|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon