"KAPE SA LAMAY"
Dati, talagang mahilig ako pumunta sa mga lamay, kahit hindi ko kadugo pinupuntahan ko just for snacks and especially dahil may kape. I was really a fan of coffee before, talagang kahit walang ulam basta may kape ok na ako. One time, may lamay sa kabilang barrio, may namatay daw kase, isang batang nasagasaan matapos tumawid mag-isa sa mahabang kalye. Yes, updated talaga ako pagdating sa mga ganito hehe. 6:35 nang ayain na ako ng pinsan ko na pumunta na sa lamay, mabilis naman akong naligo at nagbihis, nakalimutan ko ng kumain dahil sa sobrang pagka-excite. 7:57 mag-aalas otso na nang makarating kami sa bahay ng pinaglalamayan, napakaraming tao at sakto! Kakatapos lang nila dasalan ang patay kaya nagsisimula na ding magdistribute ng kape, tinapay, chichiria, popcorns, mani, at marami pang iba. Pagkalapit ko sa isang bakanteng mesa ay agad akong kumuha ng kape.
"Ssssrrrppp...Ahhh..." sarap na sarap na humihop ng kape si Andrea.
Napatingin agad sakin ang pinsan kong mapanghusga.
"Grabe! Kakarating nga lang kape agad? Iba Ka talaga eh noh?" Saad nito na natatawa.
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ng epal kong pinsan, ang importante ay makahigop ako ng mainit at masarap na kape.
Nilibang ko ang sarili ko sa paglalaro ng cards at paglamon ng mga chichiria.
3:40 ng madaling araw nang naramdaman ko ang antok, nauna nang umuwi ang pinsan ko, 'di pa kase ako inantok kanina kaya sabi ko mauna na siya. Crazy me! Ayan tuloy! Mag-isa akong maglalakad ng halos isang oras.
Bago ako umalis, dumampot muna ako ng isang baso ng kape sa ikalimang pagkakataon, gusto kong humigop ng kape habang naglalakad, maginaw kase tsaka para narin may libangan ako.
Nakarating ako sa bahay ng 4:39, agad akong pumasok sa kwarto ko at humiga sa malambot kong kama.
Umaga na nong napansin kong umiinit yung daliri ko sa kamay, sobrang init kamo! Agad akong napabalikwas mula sa pagkakahiga at hinawakan ng kabila kong kamay ang kamay na parang napaso. Napatingin ako sa kamay ko, umuusok pa at sobrang pula! Sh*t! Anong nangyari? Napatingin ako sa mini table na katabi ng kama ko, omg nagulat ako! Isang baso ng kape na halatang sobrang init dahil umuusok pa at kumukulo ito ng mag-isa, ang mas ikinatakot ko ay yung basong iyon ay yung basong ginamit sa pagdistribute ng kape don sa lamay na pinuntahan ko kagabi. Napasigaw ako at mabilis na pinulot ang mainit na kape gamit ang kumot ko at saka itinapon sa labas ng aking bintana.
Simula mangyari ang nakakatakot na pangyayaring iyon, ay 'di na ako pumupunta sa mga lamay at Hindi narin ako nagkakape, kahit sa bahay pa. I was traumatized by what happened.
BINABASA MO ANG
Manila Encounters |A one shot stories|
RandomThis worked of book contains on shore of some manila Encounters, some of you may be familiar with others and some are not. Credits to the owner of some such of stories,my friend of mine told me about this creepy stories.