Naalala ko noong nasa sampung taong gulang ako naisipan kung maglayas, napagalitan kasi ako ni Papa dahil sa pagiging tamad ko. Hindi naman ako matatakuting bata, bandang alas onse y medya na yun, sa kubo bandang likod ng bahay namin doon ko naisipang magpalipas ng gabi at sama ng loob.
Habang nakahiga sa papag nagulat ako ng may aninong dumaan, anino ng lalaki, malaking tao may dalang palakol. Kinilabutan ako hindi ko mawari kung ako'y pinaglalaruan lamang ng aking imahinasyon o totoo iyon. Kumaripas ako ng takbo pauwi, hindi ko malilimutan kung papano lumingon yung aninong yun na para bang alam niya na nandoon ako sa kubo.
Pagkaraan ng ilang linggo habang nakatambay ako sa tindahan nila Lola ehh naisipan kung magtanong sakanya tungkol sa mga ganoong bagay, naikwento ko din yung nangyari sa akin ilang linggo palang ang nakalilipas.
'Hahahaha natural na yun iha, lalo na may banda diyan sa inyo daanan kasi yan ng mga naka tira doon sa malaking puno sa likod bahay ninyo at doon sa may dagat, hindi mo na kasi yun oras baka nakagambala kana pala sakanila.'
Grabe ang kilabot na dala nito sakin dahil ng gabing pauwi ako ay nakita ko muli ang anino, sa harap ko mismo may pulang mata at nakangiti na animoy kilala niya kung sino ako.
BINABASA MO ANG
Manila Encounters |A one shot stories|
RandomThis worked of book contains on shore of some manila Encounters, some of you may be familiar with others and some are not. Credits to the owner of some such of stories,my friend of mine told me about this creepy stories.