Matagal-tagal na rin pala simula noong huli akong umuwi sa aming probinsya sa Samar. Dito ko kasi naisipang mag-aral ng kolehiyo sa Cebu dahil na rin sa maaring opportunity pag nakapag tapos ka galing sa mga kilalang paaralan. Habang pauwi ako lulan ng bus ay kukunti na lamang ang pasahero sapagkat anong oras na din naman yun.
Siguro nasa lima o pitong katao kami nasa gitnang bahagi ako ng bus naka upo katabi ng bintana, habang nagmumuni-muni saktong tumapat kami sa San Juanico Bridge ay huminto ang bus.
'Teka lang mga ineng ahh at may sasakay ata' sabi ng driver. Agad akong kinilabutan kasi sinong sasakay sa gantong oras kaya naisipan kung tumayo.
Nagimbal ako sa nakita ko sapagkat hindi tao ang sumakay sa bus kundi mga multo, nagpalinga-linga ako sa paligid kung asan ang mga kasama kung pasahero sapagkat kahit ang driver at konduktor na kasama ko sa bus ay hindi na tao.
Sumigaw ako at pinilit kung gumising, nararamdaman ko rin na may kamay na pilit akong ginigising. Sa pagmulat ng aking mata unang tumambad sa akin ang mukha ng katabi ko kanina, si Aling Martha.
'Iha mukhang binabangungot ka, kung ano man ang napanaginipan mo sundin mo at wag ka munang tumuloy sa byahe mo ngayon.' Naisipan ko rin na wag muna, sapagkat kinakabahan ako, iba ang kutob ko. Pinilit kung umidlip at antayin ang pang umagang byahe, ng tumunog ang alarm ko ay siya ring bungad ng balitang may nadisgrasyang bus kagabi, yung bus na sana ay sasakyan ko pauwi. Natakot at nagimbal ako kaya naisipan kung magbanyo, habang naghihilamos ay may humawak sa balikat ko hindi ko naisipang lumingon kasi wala akong nakikitang paa sa baba.
'Maswerte ka at natakasan mo ang sanay kamatayan mo.'
BINABASA MO ANG
Manila Encounters |A one shot stories|
RandomThis worked of book contains on shore of some manila Encounters, some of you may be familiar with others and some are not. Credits to the owner of some such of stories,my friend of mine told me about this creepy stories.