3. ON VACATION

4 0 0
                                    

Nasa bakasyon kami sa isang probinsya sa Cebu, yung bahay na narentahan namin is yung mga lumang bahay na ang sabi ng nangangalaga ay pag mamay-ari ng isang gobernador heneral. Itong bahay daw na ito dito niya dinadala ang mga dalagitang kanyang natitipohan mula sa mga liblib na lugar.

'Sige Iha, pag may kailangan kayo wag kayong mahiyang pumunta sa bahay nasa gilid lang nitong Ancestral House.' Kaagad na umalis ang matanda. Kami nalang ng aking pamilya ang naiwan.

'Ohh siya mag-ayos na kayo ng gamit niyo, total malaki naman tong bahay at mayroong maraming silid mamili na lamang kayo. Bumaba kayo pagkatapos para mag hapunan.' sabi ni Papa sa amin.

Habang nag-aayos ako ng aking mga gamit sa napili kung silid ay naramdaman kung parang may naka masid sakin, sinusundan ang bawat galaw na aking ginagawa. Alam ko kung nasaan ito dahil sa katunayan ay bukas ang aking ika-tatlong mata. Hindi siya nag-iisa, lima sila puro babae. Magaganda, matangkad, may mahahabang buhok, mahabang kasoutan na nasisigurado kung hindi sa panahong ito nahahanay. Binilisan ko na lamang ang aking kilos at kaagad akoy bumaba.

Naka salubong ko si Tita Mira papasok sa isang kwarto, kumunot ang aking noo sapagkat kanina lang ay hindi ito ang kanyang napiling kwarto. Isinawalang bahala ko na muna ito sapagkat akoy gutom na at nagpatuloy sa pagbaba.

Habang pababa ay nagulat ako kung bakit tahimik ang boung kabahayan na para bang walang tao maliban sakin, eksaktong alas sais na iyon ng gabi.

Dumiretso ako sa kusina sa pagbabakasakaling nandoon na ang boung pamilya, ngunit wala akong nadatnan maski anino. May kumalabit sa akin, kaagad akong lumingon bumungad sakin yung babae doon sa silid.

'Umalis kana dito, kayo ng bou mong pamilya ngayon na, hindi niya kayo sasantuhin'

'Sino ang tinutukoy mo, tsaka nasaan ang pamilya ko?'

'Nandito na siya, bakit niyo pa ginambala ang bahay nato. Matagal natong abandunado yung matanda kanina matagal ng patay yun. At alam mo yun, alam mo pero nagpatuloy ka pa din. Ngayon wala na ikaw nalang ang natira, patay na sila at kasunod kana pag dikapa umalis.'

Kaagad ay kumaripas ako ng takbo sa itaas imbes na lumabas dahil may naririnig akong mga yabag at halakhak na para bang galing sa ilalim ng lupa. Habang tumatakbo ramdam ko na sinusundan ako nito, kaagad akong pumasok doon sa silid na nakita kung pinasokan ni Tita Mira, yung kaluluwa niya.

'Labas kana Cynthia, alam ko nandito ka lang'
Pinigilan kung mapasinghap habang nagtatago sa ilalim ng kama. Nakikita ko ang paa niya, binuksan niya ang kabinet, 'Bulaga! Ahh wala pala lipat tayo.'

Napahinga ako ng malalim dahil narinig ko ang yabag niya palabas.

'Boooooooo!' Kasabay nito ang pagbulaga ng kanyang mukha at ang aking pagtili. Hinila niya ako palabas ng kwarto, habang unti-unting binabalatan ng buhay.

Manila Encounters |A one shot stories|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon