01

1.1K 46 21
                                    

Kabanata 1.

Gulong gulo na ako sa buhay ko ngayon, hawak hawak ko ang mga papeles para sa pagpapaenroll na ayaw tanggapin ng mga taga registrar kasi may malaki pa akong balanse sa Accounting.

"Miss, ikaw ba si Tara Keller?" Tanong ng isang lalaking naka corporate attire. Shems, ang gwapo. Ay de joke, dapat pala namoroblema ako hindi gwapo ang dapat atupagin.

" ye-yes po. Bakit po?" Agad akong lumingon sa likod ko para sagutin siya. Kumukutikutitap naman ang aking mga mata.

Ah para sa Scholarship ko pala to, whoo thank you Lord sa mga blessings. Habang taimtim akong nakikinig sa kanya bigla syang huminto. Luh nagagandahan kaba sakin sir at tinititigan mo ako?

"Ms, paki sarado po ng bibig nyo baka may papasok na langaw" patawang sambit nito.

Ay shemas ang redflag mo naman kuya, pwede namang halikan mo na lang ako para masarado yung bibig ko, emsz.

" ay hehe sorry po, ang gwapo mo po kasi" pagpapaliwanag ko. Napatawa naman ako ng bahagya sa kaabnormalang nagawa ko sa buhay ko. Nakakahiya sa Tara!

"Here's the paper miss. After you fill this up pumunta ka sa blue building. They will give you a letter to Mr. Mark Chhoa"

panghuling salita ng lalaki bago sya umalis.  Tiningnan pa ako nito pabalik and ningitian ako. Omayghad ang gwapo talaga.

Masaya akong naglalakad papuntang blue building. Sana naman may swerteng mangyayari sakin sa buhay ko. Sana naman sana, makatapos ako ng kolehiyo ko kasi isang taon na lang naman, sayang kung hihinto ako.

Nang nakarating na ako sa room ng blue building, kinatok ko ng tatlong beses ang pintuan bago ako binuksan. Shesh bingi ba ang mga tao dito? Ay charizz dapat pala mabait ako.

" Good morning po maam, sir. I am  Atara Keller po. I was refered by the groundfloor." Mahinhing pagpapakilala ko sakanila.

Nakakaloka ang mga tao dito parang hinusgahan ang buong pagkatao ko, well libre naman ang paghusga nila sakin. Kahusga husga naman talaga ako.

" maupo ka muna jan ms. Paparating na ang mag interview sayo" pagtataray na pagmando sakin ng isang babae na kala mo naman sobrang ganda e sing mukha naman ni ano.Ningitian ko na lang si ate bilang sagot. Siyempre dapat mabait tayo.

Mahigit kalahating oras na akong naghihintay ng interviewer ko dito. Pambihira naman,  para akong hangin dito sakanila, ni isa walang nagsasabi sakin o nagtatanong kung bakit ako nakatunganga lang dito.

" miss, prepare yourself Mr. Chhoa is on his way already and please lang ayusin mo ang sarili mo"

Ang attitude naman nitong tanda na to kala mo naman sinong diyosa. Tinuro nya sakin ang silid papunta CR nila. Shems, ang ganda lakas makayaman parang bahay lang namin noon.

Habang ako ay nabibighani sa kagandahan ng silid ay hindi ko maiwasan magisip na kung ano kaya ang buhay ko kung hindi ako tinapon sa basurahan o sa kung ano man ang buhay ko nung hindi namatay sila mom. Masaya at payapa kaya ako at hindi naloloka sa paghahanap ng scholarship para lang makatapos ng pag aaral?

Nabalik na lang ako sa sarili ko nung may kumatok sa cr. " miss atara, mr. Chhoa and his wife is already in his room. He is waiting for you already" Makalmang pagsabi ng babae. Infairness si ate ha ang ganda mo.

" sige po, salamat" ngiting sabi ko sakanya. Siyempre mabait si ate kaya kabaitan din ang sukli ko noh.

Dali dali ko namang  inayusan ang sarili ko. Nagpulbo lang ako at linagyan ng pampapula na binili ko sa palengke ng tag 50 pesos. " kaya mo ito atara" kabadong sambit ko sa sarili ko habang nasa harap ng salamin. Para aking gago nitong kinausap ang sarili.

Mahina kong kinatok at binuksan ang pintuan ni mr chua. Tinignan ko muna ito kung matanda ba o hindi. Baka kasi majowa ko pa emsz sabi pala ng sekretarya nya may asawa na to.

Sinilip ko ang isa kong mata para makita sya. Napalunok na lang ako sa sarili kong laway ng nakita ako ang senador ng bansa na kapatid ng presidente.

"Ang ganda nya. Magpapapic ako nito mamaya" tinapik tapik ko muna ang aking mainit na kamay sa pisngi ko. Goshh, ang lamig ko pero keri to.

Dahan dahan kong binuksan ang ang pintuan at nginitian sila ng mga matamis kong ngiti.

"Come and take a sit here, hija" kalmadong tawag sakin ni Mr. Chhoa. Nginitian naman akong ng Senadora.

Nakaupo ako ngayon sa harap ng senadora habang ang lamesa ni Mr. Chhoa ay nasa gilid ko. Jusko Lord papasahin mo lang ako sa Scholarship na to at iaalay ko na talaga ang buhay ko sayo.

"Dear, Calm down hindi kami nangangain ng bata" patawang banggit ng senadora. Hinawakan pa nya ang kamay ko na kay lamig. Pambihira hindi ko pa to hinugasan ng alcohol kanina.

"I have read your papers and wow, I'm impressed flat one since your 1st year college and i have also read na you came from switzerland. How come that you came here, Applying for scholarship?" Mangunot na tanong ni Mr. Chhoa.

Ayan na, Tara huwag kang iiyak nakakahiya sa tao. Huminga ka muna ng malalim marecake para walang notang lalabas habang nag eexplain ka sa mag-asawa.

"Yes po sir, as what you are reading in my papers i was raised at Switzerland, and is also swiss citizen. However, i became an orphan at the age of 6. My foster parents got breaking news nationally where they died in Baguio due to a car accident while riding to a drunk cab driver"

Habang sinaysay ko ang lahat ng iyon, bumalik sakin ang lahat. Lahat ng karumaldumal na nangyari sa mga magulang ko. Kinagat ko ang labi ko hanggang naramdaman ko ang hapdi nito.

Tumingin naman si mr. Chhoa sakin at binigyan ako ng mapait na ngiti. " oh i believe you were their daughter. I'm sorry i didnt mean to ask that question that diverted to you parents death"

"Dad wait lang. You've said earlier that foster? So they arent your real parents? If given a chance, do you want to meet your biological parents?" Pagtanong ng senadora sa ngayon tinititigan nya ang mata kong singkit. Senator, want mo ba ang mata ko?

" ay, yes po. I was found at the garbage of switzerland and regarding to you question senator, i dont have any plans in meeting my biological parents. They threw me out in switzerland, leaving me a message that i was just made out of accident. Well, mahirap po yan. I am cursing her til the day i die"  Marahang pagtawa ko sakanila.

"What is your name nga again, dear?" Pagtanong ulit ni Senator. Jusko Senator di ka po ba nauubosan ng tanong chour.

"Amelia Atara Katherine Keller po. My given names are the name given already by my biological parents" diretsohang sagot ko kay Senator na kinagulat niya. Nahabaan ba sya sa pangalan ko o talagang nagandahan lang to sakin?

. . . . . . . . .

Vote and Comment

Safe HavensWhere stories live. Discover now