Chapter 6

98 5 0
                                    

The tour

"Iiwan muna namin kayo saglit para makapag-usap kayo." Tsaka dinala ni Liliane ang kaniyang anak na si Lily papunta sa kusina.

Naiwan siya at si Saint sa sala. Nagtitigan lang ang dalawa. Ni isa sakanila ay walang balak magsalita.

"Little brat."

"Maniac." Sabay nilang tawag sa isa't-isa.

Muli silang napatahimik na dalawa.

"Thank you," wika niya. Iyon lang ang kaya niyang sabihin sa ngayon.

"Marunong ka palang magpasalamat." Nakangising wika ng binata. Palihim na pina-ikot ni March ang mga mata niya.

This man really loves to annoyed her.

"Why?" She asked.

"What?" The man asked her too. Nasapo niya ang kaniyang noo dahil hindi sila nagka intindihan na dalawa.

"Bakit mo ako niligtas?" Tanong niya sa binata. Kasi para sakan'ya, hindi niya alam kung dapat pa ba siyang mabuhay. Yet, she's still thankful. May mga tao pa rin palang marunong magpahalaga ng buhay ng isang tao.

"What do you want me to do when a saw a person dying, let them drown? I am not that heartless." Sagot ng binata sakan'ya. His face seems darkened a bit.

Bigla itong tumayo at pormal na nagpaalam sakanila. Humakbang ito papunta sa pintuan, at nakatitig lang siya dito. Hindi niya mawari kung bakit may gusto siyang malaman sa binata.

He's weird, but more in a maniac. Sambit pa nito sa isip niya. Napailing nalang siya dahil kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip niya.

***

"Ija, wala ka ba talagang naalala sa nakaraan mo?" Biglang kinabahan si March sa tanong ni Liliane. Umiling siya. She tried to compose herself.

"Ang mga lugar sa mundo natin ay nakalimutan mo rin ba?" Tanong nito sakan'ya. She didn't remembered it because from the start she did not know about it.

"Wala po talaga akong naalala eh, tanging pangalan ko lang." Sagot niya.

"Nandito pala si Saint, ipapasyal ka daw niya." Kumunot ang noo ng dalaga sa sinabi ni Liliane. Isang linggo din itong walang paramdam. Himala biglang nagpakita.

She want to refuse but she don't want to look ignorant on this world too.

"Sige po, sasama ako sakan'ya. Baka sakaling may maalala ako tungkol sa nakaraan ko." Pagsisinungaling niya. Wala ba talagang ibang paraan para makauwi siya? Hindi rin ba talaga naghihinala ang mga taong ito na hindi siya tulad nila? Na hindi siya galing sa mundong ito?

"Let's go." Nagulat siya ng biglang hawakan ng binata ang kamay niya. Dalawang segundo na wala siyang nakita at naramdaman niya nalang na bumagsak sila sa tapat ng malalaking pader.

Nasa likurang bahagi sila ng paaralan ng Harvena. Hinila siya ni Saint, at sinikap ng binata na hindi sila mahuling dalawa.

"I can't used my power inside the academy. They can track me, they knew that I am still on a mission." Bulong niya kay March.

"Just pray that the professors or the headmasters won't catch us." Dagdag nito. Naningkit ang mata ni March sa sinabi ni Saint. Talaga bang nilagay niya sarili niya kapahamakan para lang sa isang babaeng tulad ni March na bago niya pa lamang nakilala.

Harvena: AireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon