Chapter 8

28 6 0
                                    

Alison Rome POV

Iniisip ko parin kung bakit ba ako nag pahalik sa player na tulad niya.

Bakit ko nga ba iniisip yon eh nangyari na -__-

"Mukang malalim nanaman ang iniisip mo ah.?" Napataas ang kilay ko sa babaeng nag salita sa harap ko. Humigop lang ako ng Kape sabay ngisi sakaniya.

"Dumating na nga pala si Apphia." Ani lyneth na tulad ng dati binabasa nanaman ang nasa isip ko.

"Pumunta siya kahapon sainiyo? Kaso busy ka daw..!" Sabay ngisi nito.

Hindi lang ako nag salita. Pero nakangiti lang sakaniya.

"So close na pala kayo ni Mr. Player ah?" Napakagat lang ako sa labi habang lumalawak ang ngiti niya.

"Ano masarap ba siyang kalaro?" Dugtong pa nito.

"Oo masarap. Hmm Masarap siyang humalik." Napatawa kaming dalawa. Kahit kailan mag kaibigan talaga kami nito.

"Paano si Red? I dodonate mo na kay Apphia?" Pag tatanong nitong muli.

"Hindi ko alam." Humigop muli ako ng kape.

"Speaking of the Player Again." Napatingin ako sa direksyon kung saan nakatingin si Lyneth. Isang lalaki ang papasok ngayon sa C.F.

"Hi Alison" Papalapit siya saakin. Pero dedma lang at ngayon humigop ako ng kape.

"Kamusta?" Siya habang papaupo sa tabi ko.

Bakit ba ang init init ng ulo ko pag lumalapit siya pag ako si Alison. Pero pag ako si black gamer hindi naman.

"Ngayon lang kita ulit nakita dito ah. Alison?" dagdag pa nito.

Bigla naman siyang napatahimik sa sinabi ni Lyneth.

"As I know ngayon ka lang din napadpad dito Allen." Ani lyneth.

Napakamot naman ng ulo si allen, at napayuko.

"Oops sorry! Nabuking ka ba!" Nag peace sign naman si lyneth at napatawa.

"By the way iwan ko muna kayo may work pa ako." Tumayo naman ito at nag wink saamin. Kami nanaman ang naiwan dito -__-

"Kamusta ka na" Pag uulit nitong muli.

"Tulad parin ng dati ayaw parin ng Pla.. Hmm ng mahangin na tulad mo?" Sarkastiko kong sabi dito. Muntik na ako doon ah.

"Ooh sakit naman non. Tagos!" Biro nito saakin.

At dahil hindi ako natuwa sakaniya. Sinapak ko siya. (Djk lang). Umalis ako at tulad ng dati iniwan siyang mag isa doon.

"Teka nga! Bakit ba lagi mo nalang ako iniiwan ah?" habol nito saakin.

"Wala" Maikli kong sagot dito. Ngayon mag kasabay na kaming dalawa.

Nagulat ako ng may isang  black Lamborghini na huminto sa aming harapan.

Sabay kaming napaatras ni Allen.

Tatlong babae ang bumaba mula dito.

"Anong kailangan niyo?" Pag tatanong ko.

"Pinadala kami dito ni Agen MacMillan para imbestigahan ang kasong pag patay sa magulang mo." Matapang na sabi ng isa sa mga ito.

"Agent?" May pag tataka sa  isip ko.

"Ako si Aubrey at ito naman si Faye at Ella, Like what I said inatasan kaming mag imbestiga sa.__"

"SO? Anong gagawin ko!" Mataray kong saad sa mga ito.

"Hindi ko gusto ang pag uugali mo Ms.Sedille." Sabi nong Ella.

"Sumama ka samin yun ang gagawin mo Ms. Sedille." dagdag naman nung Faye.

"Teka nga!?. Sino bang may sabing pakialaman niyo yung kaso ng mga magulang ko. Matagal ko nang pinasara ang kaso iyon. Kaya please lang patahimikin niyo na ako pati ang magulang ko."

Aalis na sana ako ng humarang sila.

"Ang gusto lang namin makatulong Ms. Sedille." Ani Aubrey.

Hindi ko sila pinansin bagkus binanga ko sila upang makaalis doon.

Samantalang yung lalaking kanina pa ako sinusundan. Ngayon nakatulala lang.

Pero ganun nalang ang gulat ko ng hawakan nila ang mag kabilang braso ko. Todo palag ako ng hitakin nila ako papasok ng kotse.

At ang nakatulalang si Allen kanina. Ngayon sinugod na sila. Gusto ko mang lumaban pero hindi ako si Black Gamer ngayon.

Sinubukang suntukin ni Allen si Aubrey pero nakailag agad ito. Agad naman niyang hinawakan si Allen sa kamay at sinuntok sa tiyan. Parang kilala ko ang mga kilos nayon. Kilala ko ba sila?

Nakatayo agad si allen at ngayon tatlo na silang kalaban nito. Kung pwede lang kitang tulungan sabi ko sa isip ko.

Hinawakan nang Faye at Ella ang mag kabilang balikat ni Allen sabay sipa sa mga hita nito.

Napasigaw siya sa sobrang sakit. Hindi ko na kaya ito.

Susugudin ko na sana sila ng makaramdam ako ng tusok sa likod ko. At ang huli ko nalang nakita ang pag sakay nila sa akin sa kotse at si Allen na nakahiga sa daan.

At tuluyan na akong nawalan ng Malay..

***

Nagising nalang ako na nakaupo sa isang silya na natatamaan ng malakas na ilaw sa gitna ng kadiliman kung saan man.

"Gising ka na pala Alison." Isang tinig na mediyo pamilyar. Ngunit sumigaw din ako.

"Sino ka ba huh? Anong kailangan mo sakin."

Yun nalamang ang gulat ko ng lumabas siya sa dilim.

"Ikaw?"

Itutuloy...

A Game, Behind the Mask. (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon