"Bakit parang wala ka sa mood?" mahinang tanong ni Zest sa akin
"Bakit ang kulit mo?!!!" medyo napabreak ng kunti si Zest sa pagmamaneho niya.. hanggang sa makauwi na kami sa bahay, wala kaming imikan ni Zest
"Ate Nadz, nag away kayo ni Kuya?" tanong ni Liza sa akin pag dating ko dahil pagkadating na pagdating namin ni Zest ay dumeristo siya sa kwarto niya
"Wala" diresto na sabi ko sabay pasok sa aking kwarto, narinig ko naman sina Liza at Tita na nag-uusap tungkol sa aming dalawa ni Zest.
Nag-open ako ng email to check something para sa project pero imbes na yung project ang mahanap ko, email ni Yassi yung nakita ko.
From: Yassi Pressman
Best, wala namang ginawang masama sayo si James pero bakit mo siya iniiwasan?
Sent 1 yr ago..
At dahil sa nabasa ko, nagbalik yung ginawa noon ni James
*Flashback*
Naghintay ako ng tawag mula kay James pero wala nanaman akong natanggap, naghihintay kasi ako ng explanation niya sa nangyari o sa mga nangyayari na sa kaniya dahil parang ang dami ko nang hindi alam sa nangyayari sa Pinas. Pagtinatanong ko naman si Yassi kung ano na ang nangyayari, ang sagot lang niya ay tanungin ko nalang si James.
So sabihin niyo, sino ang hindi magdududa sa ganiyang sagot? para kasing lahat sila may tinatago sa akin.
Ayaw ko namang isipin yun dahil kaibigan ko si Yassi at Andre pati alam kong loyal sila sa akin lalo na si James pero hindi ko naman kasi mapipigilan isipin yun.
"So ano na gagawin mo?" tanung ni Aki sa akin, sa ngayun kasi andito kami sa bahay niya nag fo-food trip.
"Hindi ko rin alam"
"Yan kasi! sabi ko sayo diba? hahanap rin ng iba ang mga lalaki!" sabi naman ni Jack, bitter as usual
"Wag kang ganiyan Jack! hindi pa natin alam yung totoong nangyari" ~Aki
"Aba! anung hindi?, dinner with a girl? ano gusto niyang isipin ko? na Friend lang? tsss tapos silang dalawa lang?" ~Jackie
"hindi naman sinabi na silang dalawa lang talaga ah!"~Aki
"Anung hindi? sinabi nga nung Caryl na dinner nilang dalawa diba?" ~Jack
"Jack tama na, nasasaktan na ako" medyo naiiyak narin ako sa mga sinasabi niya, may point naman kasi siya
"Totoo naman sinasabi ko diba? kaya ka nasasaktan kasi may point ako" Jack is my friend at oo kahit nasasaktan ako sa mga salita niya dahil super straight forward at pranka niya....
pero kaibigan ko siya, alam ko naman kasing nasasabi niya yun dahil sa kapakanan ko. Ganiyan naman yan magreact pagdating na sa lovelife namin ni Aki. Sa aming tatlo kasi, siya lang yung may pinakamaring experience sa love.
"Jack! hindi pa natin alam ang point of view ni James kaya wag muna tayong maghusga" ~Aki
"Wag maghusga? so ano to?" tanong ni Jack sa amin sabay pakita ng tablet niya na nakaopen sa facebook, specifically sa isang picture.
Picture ni James na may kasamang babae.. at worst nakaakbay pa siya dito.
"No, friends lang sila" sabay bigay ng fake smile sa dalawang nasa harap ko
"Nakaakbay? Friends?" ~Jack
"Jack, ganyan siya sa mga kaibigan niya"
"Kaibigan niya na kilala mo like yassi, yung tanong eh kilala mo ba to?" tapos may pinakita pa siyang picture na nakaholding hands si James at yung babae.. Intertwined pa yung mga daliri nila
![](https://img.wattpad.com/cover/24462454-288-k179861.jpg)