Chapter 1 [2 years]

3.5K 112 2
                                    

[Nadine's POV]

2 years na pala ang nakakalipas..

2 years narin akong andito sa New York kasama ang pamilya ni Ms. Mei.

2 years narin kaming magkahiwalay ng landas ni James.

2 years ko na siyang namimiss dahil...

1 year na kaming walang communication sa isa't isa. Pati sina Andre at Yassi miss ko na, ni hindi ko narin alam kung namimiss rin ba nila ako .. 1 year ko narin kasing hindi binubuksan ang email, fb at instagram account ko dahil sa nangyari-----na ayaw ko nang maalala.

"Nadine, wala ka bang pasok ngayun?" tanong sa akin ni Ms. Mei

"Ah wala po, rest day po namin para makapaghanda sa event bukas"

"Mabuti at kung ganun, pwede mo ba akong ibili sa market ng uulamin natin ngayung gabi??"

"Bakit po? may occasion ba na paghahandaan natin para mamaya?" excited kong tanong kay Ms. Mei

"Oo, kasi nga dadating yung mga anak ko ngayun" napatalon ako sa kama ko at napatakbo pababa ng hagdan sabay yugyog kay Ms. Mei.

"Talaga po? No Joke???"

"Oo nga, dito na sila titira sa New York ulit" Nagpunta kasi ng London ang mga anak ni Ms.Mei or para di kayo malito, tita na ang tawag ko sa kaniya.

Uwwwwaaahhh!!! Im so excited!!

Habang sumasakay ako ng train papunta sa market iniisip ko na gagawan ko si Jehar ng kaniyang ultimate favorite na dessert, ang Mango Float. Kumusta na kayo ang batang yun? chick boy parin kaya yun? hahahaha XD

Eh si Liza, anak na babae ni tita.. may love life na kaya yun? Kasi napaka nerd ng batang yun eh. Di nga halos lumalabas sa kwarto dahil nakakatutok sa libro :3 naalala ko tuloy ang high school times ko sa kaniya. Ni hindi rin niya sinuot ang bigay ko sa kaniyang dress nung isang pasko.

Eh si Zest kaya kumusta na? Nagka Girl Friend na kaya yung lalakeng yun? eh halos pakasalan na niya ang computer dahil sa kaniyang mga online games.

Nakarating na ako ng market at binili ko na ang kailangan kong bilhin.

"How Much?"

"$14"

"Here, thank you" sabay abot ng bayad ko.

Nang matapos na akong mamili, nagmadali na akong umuwi upang maluto na ni Tita ang kaniyang mga putahi. Tinulungan ko siyang maglinis ng mga kwarto na gagamitin nila pansamatala sa bahay.

*ding dong* parang nanalo ako sa lotto dahil sa halong tuwa at excited.

Binuksan ko ang pinto pero nadisappointed ako sa nakita ko.

"Your Order Maam" sabay abot ng nagdeliver ng pizza.

"Tita andito na ang order mo na pizza" nakita ko sa mukha ng nagdeliver na di nya kami maintindihan. Kahit nasa New York na kami ni Tita eh ginagamit parin namin ang salitang tagalog, kahit ang mga anak ni Tita Mei eh pinapagamit niya ng tagalog pagkami ang nagkakasama at nage-english lang pag may bisita o papasok sa school o lalabas ng bahay.

Umalis na ang delivery boy nang mabayaran na siya.

At kung tinatanong niyo, kung bakit Ms. si tita at hindi Mrs. kahit may anak na siya?

Simple, wala na siyang asawa, kung tinatanong naman namin siya kung nasaan ang asawa niya eh iniiba niya ang topic.

Pupunta na sana ako sa itaas ng biglang ...

*ding dong* may nagdoor bell ulit.

Dali2x kong binuksan ang pinto sa pagaakalang sila na yun pero nadismaya ulit ako dahil si Mrs. Tormon lang pala

"Hija, pwede bang ibibigay ko muna sayo ang susi ng bahay? umalis kasi ang asawa ko at baka pag-uwi niya wala siyang susi dahil papasok na ako sa trabaho"

Yun si Mrs. Tormon isa ring Pilipina katulad ko, kapit bahay namin sya dito sa New York.

"Ah cge po"

"Salamat ah"

"Walang anuman"

At umalis na siya sabay sirado ko ng pinto.

Dahil sa pagkadismaya eh pumunta na talaga ako sa kwarto ko at bubuksan ko na sana ang aking email ng biglang---

*ding dong*

napatakbo ako at nangbubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto eh naisip ko na baka hindi pa sila yun kaya napabalik ako sa kama sabay kuha ng aking laptop.

Pero maglo-log in na sana ako ng email eh naudyot dahil tinawag ako ni Tita.

"Nadine! Andito na sila!" tawag sa akin ni Tita.. at ngayun walang anu-ano eh tumakbo na ako pababa at nang makita ko sila isa-isa ko silang niyakap.

"Jehaaaaaarrr!!!!" salubong ko sa kaniya.

"Ate Ganda!!" at niyakap niya ako ng napakahigpit. Di parin siya nagbabago

"Mmhh ang cute parin ng Baby namin ah!" sabay halik sa pisngi niya

"Hindi na po ako bata! Im already 5 years old and sooner I will be your husband Ms. Beautiful"

"Aba! san mo natutunan yan?"

Napatawa nalang kaming lahat dahil sa sinabi ni Jehar, at sa kadahilanan na hindi parin siya nagbabago, chick boy parin hahahaha XD.

"Aba mukhang maraming mapapaiyak na babae itong bata na eto" nang marinig ko ang tinig na yun, lumingon agad ako sa likuran ko.

"Lizaaaa!" sabay yakap sa kaniya..

"Ate Nadz!" at niyakap niya rin ako.

20 years old na si Liza at ako naman eh 21 kaya mas nakakatanda parin ako sa kaniya. 1 year lang naman pero nakasanayan na niya akong tawaging ate.

"Kumusta ka na?" tumingin ako sa suot niya at ang laki ng pinagbago niya. Nabigla ako dahil suot na niya ang dress na binigay ko.

"Dalaga ka na ah! may boy friend ka na?" sabay kirot ng pisngi niya

"Hehe ate naman eh, natuto lang mag-ayos wala pang boyfriend" sabay nagblush siya... ohoooyyy I smell something na kinikilig siya ... if I know may iniisip siya.

"Abay patay kang bata ka pag magboyfriend ka" salubong ni tita pagkalabas niya ng kitchen dala ang hinanda niyang putahi

"Uwaaahhh!!! favorite ko!!" sabay takbo ni Liza papunta sa mama niya..

"Syempre dadating ka eh!"

"Mhhh kare-kare!! Thanks ma!" sabay yakap niya kay tita.

"Ang ingay niyo naman!" napatingin ako sa may pinto at nakita ko ang mala Adonis na lalake... hulog ba to ng langit? ..

"Liza, ito na ba boyfriend mo?" sigaw ko sa kaniya na may tuno ng pangiintriga na pang-asar .

"Ate! sabing walang boyfriend eh!!!!! He is kuya!!" napatingin ulit ako sa sinasabi niyang si Zest DAW

"Zest? Weh?"

"Dont make that Damn shock face IDIOT! you're not cute" pacool na sabi nya ... at talagang emphasize ang salitang IDIOT dre? d pwede DYOSA nalang? ... sarap patulan!

pero wag na baka kasi mainit ang ulo ng batang ito dahil sa byahe ... ay teka! hindi na sya bata ... His already 23 years old, bata nga lang ang mga pang-asar ko sa kanya kasi isip bata siya ... just like what I've said earlier parang di sya mabuhay pag di sya nakakalaro.

"Hey You! Retard! Wanna eat or not?!" Abay jusmeyo! nagulat naman ang nakatulalang ako! ... nakakadalawa ka na ah Mr. Arrogant!!

Anyare ba kasi sa taong ito?? nasaan na ang totoong Zest? kinuha na kaya ng mga alien?. Jusmeyo!!!! Ibalik niyo po siya! Hindi siya pinanganak ng nanay niya para maging Alien :3 at isa pa hindi namin kailangan ng Alien sa baahaaaayyy!!.

At kung saan2x na napupunta ang usapang ito -____- tsss ang Arroganti kasi eh! napatingin ako sa kaniya at halatang pagsasabihan niya ulit ako kaya 

"Heto na po sir kakain na" at binigyan ng aking pinakatinding snob hmf !!

Game Played ~DOB: Distance or Barrier~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon