Chapter 11 [With Him]

1.7K 67 28
                                    

Eto na nga po nagso-sorry na sa mga naloko ko nung april 1 hehe at sa hindi pagtupad ng pangako na maguupdate nung april 2 .. naging busy kasi ako sa family activities pagbigyan niyo na haha dont worry totoo na talaga ito kaya enjoy :*

******** Game Played*******

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa nakatulog ako sa byahe at huminto ang sasakyan ni Zest. Bumaba siya at pinagbuksan ako. Pagkababa ko, naramdaman ko naman ang mga buhangin .. nasa isang beach kami?

"Nasa ***** beach resort tayo, sabi kasi nila napakarelaxing sa lugar na ito" di ko siya sinagot dahil manghang-mangha parin ako sa view nang lugar kahit gabi na.
"Tara! Magcheck in muna tayo" hindi naman ako tumutol kasi gusto kong makalimutan ang lahat ng sakit. At hindi parin ako nadala dahil gusto ko paring umasa na mawawala agad ang sakit sa puso ko after makapagrelax sa resort na ito.

"Ah dalawang bed room ms." Pagkikipagusap ni Zest sa receptionist
"No! One room and 2 beds" pagtutul ko feeling ko naman nabigla si Zest kaya binigyan ko nalang siya ng 'I wil explain later look'
"Here's the key ma'am, sir, enjoy your stay" nginitian ko lang yung babae.

Sumakay kami sa elevator at doon na ako tinadtad ng tanong ni Zest

"Bakit 1 room lang? Ok lang naman sa akin yung 2 rooms eh.. afford ko naman. Hindi ka takot sa akin? Mmhh nirerespeto naman kita kaya ok lang pero hindi ka ba takot sa iisipin ng iba? Lalo na ni Tita? Hindi pa tayo kasal.. pwera nalang kung sasagutin mo na ako.. oi ayaw kong maging rebound" Praning na pagkasabi niya .. tss parang bading

"Tapos ka na? una sa lahat ayaw mo ako makasama sa iisang kwarto?"

"Gusto pero kasi---"

"Pwes wag ka nalang umarte!"

*ting* nagbukas na ang elevator kaya lumabas na ako at pumunta na sa room namin.

Naupo ako agad sa sofa habang nanoud ng tv habang si Zest naman ay nagaayos ng kama niya.

I feel something inside me, parang gusto ko siya yakapin, and I did it.. I give him a back hug, ramdam ko naman na nagulat siya

"Zest I trust you...."

Silence, naghihintay ako ng sagot pero tahimik lang sya kaya nagsalita muli ako

"...kaya pumayag ako na sa iisang kwarto lang tayo"

"Nadz, hindi ko hahayaang mabasag ang tiwala mo sa akin"

"Thank you"

"You're always welcome"

Pagkasabi nya nun nagsimula nang bumuhos ang mga luha ko .. bakit ganun sya? Akala ko ba arrogant siya eh bakit ang bait niya? Bakit niya ako tinutulungan? Bakit niya ako niligtas kanina? Dahil ba he likes me? Pero bakit niya ako nagustuhan? Too many question but I rather keep quite.

"Salamat sa lahat, sa pagsalba kanina, sa pagsama sa akin ngayun, sa----" di ko natuloy ang sasabihin ko dahil pinigilan niya ako
"Ssssshhhhhh no need to say thank you just stop crying please?" Pinunasan ko naman yung pisngi ko dahil ang basa na dahil sa mga lintik na luha ko

"Kain na muna tayo gutom lang yan haha" napatawa naman ako sa sinabi niya. Mabuti nalang at andito siya ..

Nagpadala siya ng meal sa kwarto dahil daw baka pagod na ako lumabas .. kaya ko pa naman pero dahil nagpumilit siya kaya nagpadala nalang kami ng foods sa room.

Matapos kumain naglakad-lakad muna kami sa beach ni Zest ... walang nagsasalita ng biglang sumigaw siya

"Wala kang silbi James! Bading ka!"
Sigaw niya sabay natatawa pa
"Huy! Ano ba yang pinag-gagawa mo" natatawa narin ako sa mga trip nitong isang to
"Sabi nila pagsumigaw ka raw sa dalampasigan mawawala ng kunti yung bigat na nararamdaman mo"

Game Played ~DOB: Distance or Barrier~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon