kinaumagahan nagising ako sa kwarto ko.
"Oh god ang sakit" pagrereklamo ko habang hawak ang ulo ko. Hangover nga naman, mabuti nga at sabado ngayun kung hindi, hindi ako makakapasok sa school.
"Ok ka na?" bungad ni Zest sa pinto na slightly open
"Mmmhh ok lang naman"
"Asus ok? tapos halata mong maysakit sa ulo" lumapit siya sa akin na may dalang baso ng tubig at gamot "Inomin mo ito oh para hindi masyadong masakit yang HANGOVER mo hahaha" pagtawanan ba naman ako
"Sir yes sir" sabay inom sa gamot na binigay niya at nahiga ulit. Matutulog na sana ulit ako ng may natandaan akong itanong sa kaniya
"Ah Zest, sino naghatid sa akin kagabi?"
"I dont know his name, basta sabi niya lang he's your night and shining armor"
at guni2x ko lang ba ito dahil nakita ko siyang nagsmile
"Bakit ka nakasmile?"
"Smile? hindi ah" sabay naging poker yung face niya, parang may tinatago ang isang to :3
"Zest! sabihin mo kasi! sige ka magtatampo ako" sabay bigay ng pout ko na alam kong hindi niya matatanggihan
"wala, masaya lang ako bukod sa akin may lalaki pa palang rerespeto sayo hahahahaha" biro niya ba yun o nagsasabi ng totoo??
Dahil sa sakit ng ulo ko ay nakatulog ulit ako. Pero nagising naman ulit ng gisingin ako ng kinikilig na si Liza??
"Ate Nadz!!! Ate Nadz!!! may nagpapadala sayo ng flowers na chocolate?"
"Liza! wag mo akong pinagluluko, mayganun ba?"
"Hindi naman kasi kita niloloko ate eh!"
"Wala naman kasi flowers na chocolate shonga!"
"wag ka na nga satsat ng satsat diyan ate! halika nalang!" kinaladkad niya pa talago ako, parang siya kasi yung binigyan dahil sa sobrang pagkakilig niya
"Here you go miss, just sign here" sabi ng nagdeliver, kaha pinirmahan ko na
"Ate sino nagbigay?" sabay may kasamang yugyog na pagiintriga ni Liza sa akin
Kinuha ko yung card na nakalagay at binasa
Hangover?
Don't worry, you will be ok soon Ms. Beautiful!
Smile :)
~Night & Shining Armor
Napangiti ako sa nabasa ko ang sweet niya kasi, wanna see kung ano binigay niya? tignan niyo nalang sa taas hehehehe.. isa kasi siyang bouquet of chocolates <3
-
School
Napuno ako ng tukso ng mga kaibigan ko dahil daw sa nangyari kagabi sa bar, ang nakakapagtaka kasi.. kinikilig sila sa lalaki kahit hindi nila ito kilala.. diba dapat magtaka sila at manggamba? ang palusot naman nila..