Kumain na kaming lahat. Parang multi-tasking nga eh kasi naghaharutan, nagkukumustahan, nagtatawanan kami sa hapag kainan. Malapit narin kaming matapos kumain nang bigla may umeksena..
"Di ba kayo makakain nang tahimik?" walang ni-isa sa amin ang gustong pumatol dahil cold eyes palang nya eh talo ka na.
Natapos kaming kumain nang hindi kami nagsasalita -____- ... pero parang ang hilig nga talaga namin sa pagiingay at naisipan naming magkaraoke... at si Mr. Arrogant? eh nandun sa kwarto nya... hmmff bahala sya!
"Cause Im thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways.. maybe its a touch of our hand........" si Liza ang unang kumanta.. at aba inspired nga, di mapagkakaila
"Ikaw naman Ate Nadz" oh at si ako ay hindi tumangi ...
"Anong Nangyari sa Ating Dalawa...." nang matapos na akong kumanta eh hinamon ko na si Tita.
"Ikaw namam tita!!"
It takes us 123456789 years upang mapapayag sya -___-
"And even if the stars and moon collide, I never want you back into my life .. oh... oh..oh.. I really dont care!!"
*bogsh* nakarinig kami ng isang napakalakas na pagkabang ng pinto na nanggagaling sa kwarto ni Zest..
"I CARE SO SHUT THE F*CK UP! ANG INGAY NYO!"
Parang napause ang mundo namin dahil sa pagsigaw ni Zest
"Nagkakatuwaan lang naman kami anak"
"Shut Up Idiot! You think your voice is nice? Well NOT!!" abay ang lakas ng loob ng lalaking ito na pagsigawan ang mama nya! ... nakakailan ka na ah! pag sa akin ok lang na ganyan ka! pero sa nanay mo? Abay di naman yata tama yan!!!
"Huy! Sino ka sa tingin mo? Papa ng MAMA mo? Anak ka lang! Matapos kang alagaan ng 9 months sa tiyan nya hanggang sa nanganak sya at lumaki ka .. ito lang isusukli mo?"
"Bakit? may bayad ba sya para suklian ko?"
"Abay!--"
*bogsh*
Di na ako nakasagot dahil sinara na niya ang pinto ng napakalakas. Napatingin nalang ako sa umiiyak na si tita. Kawawa naman sya, niyakap namin siya ni Liza ..
"Tita tahan na"
*sigh*
Napatingin ako sa nagbuntong hininga na para bang may nagtutulak sa aking tanungin siya .. dahil alam kong may alam siya.
"Uminom ka muna ma" binigyan ni Liza ng tubig ang mama niya at agad naman itong ininom ni tita.
"Ah Liza, sa aking kwarto ka matutulog dibah?" pagbibigay ko ng topic upang mawala na ang katahimikang bumabalot sa amin.
"Ay! Oo nga pala! di ko pa nalalagay sa taas ang mga gamit ko"
"Tara tulungan kita, Jehar aliwin mo mama mo"
"Aye Aye Ms. Beautiful" napatawa nalang kami sa sinabi ni Jehar. Totoo nga talagang nakapagpapasaya ng araw mo ang mga bata :D
Tinulungan ko na si Liza sa pagbubuhat nya ng gamit papunta sa kwarto at parang may napansin ako sa mga gamit niya. Parang nagiging girly na at may make up kit na siya.
"Kailan ka pa natotong mag-ayos?" napatigil sya sa paglalagay niya ng nga damit sa cabinet at napatingin sa akin sabay bigay ng pacute na smile
"Ah mga isang buwan narin po"
"Ohhh mabuti naman... uhm Liza pwede magtanong?"
"Ano po yun?"
"Bakit naging ganiyan ang kuya mo?"