2 ~ TROUBLE

39.7K 2.3K 254
                                    

CHAPTER TWO

CHARLOTTA couldn't focus with their last subject. Lumilipad ang isip niya kay Grego na naghihintay sa bench sa likod ng Gymnasium.

Is he really waiting though? Baka naman kasama ang girlfriend?

Ano naman sa kanya? Ihahatid lang naman siya ni Grego sa patag para malaman kung saan ang eksaktong lugar na pagkukuhanan sa kanya sa Sabado. Walang ibang dahilan. Dapat ay tigilan niya na ang munting pag a-assume.

"Kayo na ang maghanap ng ka grupo ninyo para sa activity," bilin ng teacher nila. "Sa susunod na Biyernes ang pasahan. Sabay sabay."

Hindi pa tapos magsalita si Mrs. Lafuente ay nagkagulo na ang mga kaklase niya para makahanap ng ka-grupo. Kaya niya naman gumawa ng essay pero dapat ay may ka-grupo raw para mas madaling maipaliwanag kapag nag report na sila.

Like the usual, no one on her classmates are interested to her to be part of the group. Madalas mababa ang grado niya kapag may activities dahil hindi siya napapasama sa mga grupo. O kaya ay nagpa plano ang mga kaklase pero hindi siya sinasabihan.

"Kulang pa kami ng isa!" si Jayda, sabay sulyap kay Gavin.

"Tayo na lang dalawa, Charlotta. Hayaan mo na 'yang mga 'yan." Aya sa kanya ni Gavin.

"Sige!"

She smiled at her favorite classmate. Si Gavin lang talaga ang mabait sa kanya.

"Kulang kami ng dalawa," ang isa pang kaklase na naghahanap ng ka grupo.

Apatan lang naman dapat. Hindi lang din magkasundo ang iba kaya watak watak.

"Sa amin na lang kayo Gavin," aya nung naghahanap.

"Gusto mo ba sumali sa grupo nila Jester?" Gavin asked her.

Tumango agad si Charlotta. She won't waste the opportunity to be with her other classmates. Kahit man lang sa simpleng activity na kasama ang mga ito ay magiging masaya na siya. Kahit hindi na makipag kaibigan sa kanya. A simple bonding with them is more than enough for her.

Lumapit sila ni Gavin sa grupo nila. Buo na silang apat. Tatlong lalaki at siya lang ang babae. Ayos lang sa kanya. Mas mabait sa kanya ang mga kaklaseng lalaki.

"Sa bahay na lang tayo gumawa ng activity. Ayos lang ba sa inyo?" Gavin offered.

"Tapos punta tayo sa Playa Azure pagkatapos, pre." Aya ni Jester.

Nagtawanan ang tatlo. Nakitawa rin siya. Natutuwa na may plano kaagad ang mga ito kahit wala pa nga silang nauumpisahan.

"Gusto mong sumama, Charlotta?"

The boys in front of her are hoping for her to say Yes. Ito na yata ang pagkakataon na magkaroon siya ng mga kaibigan. Hindi man babae pero ayos na rin. At least, mayroon.

"Magpapaalam pa ako sa lola ko kung papayag."

"Magpaalam ka na mamaya para malaman namin ang sagot bukas."

"Okay."

Natapos ang klase ilan pang sandali. Na-late siya ng sampung minuto dahil nag plano agad sila. Kaya naman nang natapos, kaagad niyang kinuha ang bag at tinakbo ang Gymnasium. Nakakahiya at napaghintay niya pa yata si Grego.

Hinihingal, bumagal ang lakad niya nang makita nga si Grego sa na nakaupo sa bench. When he noticed her presence, he shifted on his seat.

"Hi, pasensya na, na-late kami ng tapos."

"Okay lang. Kadarating ko lang din dito."

Itatanong niya sana kung saan ito galing pero umakto na itong aalis do'n. Nagsi-uwian na ang halos lahat ng estudyante pero may iilang natira pa at palakad lakad pa.

La Carlota 1: Reaching the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon