5 ~ SPONSOR

34.3K 2.1K 206
                                    

CHAPTER FIVE

"TOTOO ba 'yang sinasabi mo, apo ko? Pumayag si Rafa na magpa-albularyo?"

Pinagdudahan pa si Charlotta ng lola Salma nang sabihin na pumayag na ngang talaga ang mommy ni Chantria na magpagamot dito. Matagal ng tao sa La Carlota ang lola niya kaya kilala nito halos ang mga nakatira roon.

Isa pa, at dahil nga nag-iisa lang ang mga Alcander na nagmamay-ari ng isang real state company sa buong lugar, kaya sikat ang pamilya.

"Opo, la. Kausap ko mismo si Chantria. Bukas din ay dapat na malaman niya kung kailan tayo pupunta sa kanila."

"Kung gano'n, itaon natin ng Biyernes ang panggagamot."

Maagang natulog si Charlotta para maaga rin magising. Wala rin namang gagawin sa sitio dahil walang kuryente. The next day, she met Chantria on the same spot.

"Sa Biyernes kami pupunta sa inyo. Iyon ang napiling araw ni lola."

Medyo tulala si Chantria sa umagang 'yon. Mukha rin puyat dahil halata sa mga mata.

"Okay. Ipapasundo na lang namin kayo sa gate ng sitio. Alam naman ng driver namin kung saan 'yon."

Dumaan ang katahimikan. Masyado pang maaga para dumating ang mga estudyante. Mga guro pa lang ang nakikita nilang pumapasok.

"Ayos ka lang ba?" hindi niya mapigilan ang magtanong.

Chantria smiled sadly. "Lumalala ang lagay ni mommy. Natatakot ako na bigla niya akong iwan."

Alam niyang mahirap mawalan ng ina. Naranasan niya 'yon. Pasalamat siya at may lola Salma na ginagabayan siya palagi.

Paano naman si Chantria? May daddy pa ito pero kalat sa buong La Carlota na may ibang babae. Tapos may malubhang sakit pa ang mommy nito. Nakakalungkot 'yon.

"Sana mapagaling ng lola mo ang mommy ko. Albularyo na lang ang pag asa ko."

Charlotta held Chantria's soft hand. They are not friends, but she wants her to know that she is just there. Kung gusto nito ng kausap, handa siyang makinig.

"Magtiwala lang tayo. Magdadasal din ako para mapabuti ang kalagayan ng mommy mo."

Chantria closed her eyes tightly. Maybe she's holding back her tears or the pain.

Nagulat siya nang bigla itong tumayo at nabitawan niya ang kamay nito.

Napayuko siya. Masyado na naman niyang inilapit ang sarili sa tao. Dapat ay hindi niya hinawakan ang kamay nito. Baka magalit sa kanya.

"Salamat. Aalis na ako," she said and ran holding her bag.

Tumunog ang bell, hudyat na kailangan na ng mga estudyante na pumasok sa kani-kanilang classroom.

"Excited ako! May gown na nga ako e!" bida ni Luella sa mga kaklase.

"Patingin kami!"

Luella pulled out her cellphone from her bag and showed the screen to their classmates. Gusto niya rin makisilip pero sigruradong pagbabawalan siya ng mga ito.

"Ano naman ang talent mo?" tanong ni Jayda.

"Drama. Inaayos na ng ate ang script ko."

Siya kaya? Ano ang talent niya? Siguradong hindi pagkanta. Maganda lang siya pero ayaw sa kanya ng kanta. Sayaw na lang siguro? 'Yung may partner dapat para hindi masyado nakakakaba.

Kinalabit niya si Gavin para sabihin dito na kung sakaling sasali siya, gusto niya itong ka-partner sa sayaw.

"Bakit? Sasali ka na?" ngumisi ito sa kanya.

La Carlota 1: Reaching the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon