9 ~ HOT

40.6K 2.4K 504
                                    

CHAPTER NINE

MADALING araw palang ay gising na silang mag lola. Nauna lang ito sa kanya ng ilang minuto. Naabutan niyang nagtitimpla na ng kape at may nilagang kamoteng baging na nakasalang sa umaapoy na mga kahoy.

Mahimbing ang naging tulog ni Charlotta dahil na rin siguro sa pagod at sa saya sa puso niya. Hindi parin siya makapaniwala na ibinigay sa kanya ni Grego ang football jersey nito. Sa sobrang galak niya na magamit 'yon sa araw ng patimpalak sa escuelahan, halos manginig ang kalamnan niya at habulin ang bilis ng pintig ng kanyang puso.

To have friends is already enough for her to keep studying and living while outside Sitio Verde. But to have Grego Almendarez by her side was really like a dream that became a reality.

Noon, sapat na sa kanya na pagmasdan ito sa malayo. Hindi na siya naghangad pa ng higit pa roon. Kaya naman napakalaking karangalan para sa kanya na mapalapit kay Grego kahit pa marami ang alam niyang tutol sa pagkakaibigan nila.

When he told his mother that she's his friend, Charlotta already felt happy. Kung sinoman ang nag iisip na nililigawan siya ni Grego, dapat ay tumigil na ang mga ito. Dahil pagkakaibigan lang naman talaga ang mayroon sa kanilang dalawa.

Naligo muna si Charlotta at nagbihis bago bumalik sa kusina para mag almusal. Nakahain na ang nilagang kamote. Pati ang lunch box niya ay handa na rin. Umuusok pa ang kanin do'n dahil kakaluto lang. Ang ulam niya naman ay ginisang corned beef na na may patatas.

"Ano ang gusto mong ulam bukas? Pagkatapos kong maihatid ang mga kamote sa Almendarez, dederetso ako sa palengke, apo."

Sumimsim muna siya sa kape at maingat na ibinalik ang tasa sa lamesa. Inilibot niya ang tingin at napadpad sa isang sako na malapit sa pinto na puno ng mga kamote. Iyon ang dadalhin sa mommy ni Grego.

"Gusto ko po ng pritong manok, la. Kung kaya po ng budget natin."

Tumango-tango naman ito. Nakapusod ng maayos ang mahabang buhok. Ang blusa ay may malalaking bulaklak na desenyo at ang mahabang palda ay madilim na abo. Madalas na suot ng lola niya kapag nagsisimba sila sa sentro.

"Kaya 'yan. Ikaw ang dahilan kaya bibili sa atin ng kamote si Madam Fauna. Iyon lang ba ang gusto mo? Baka may iba ka pang ulam na naiisip."

Binalatan niya ang mainit na kamote at inihip-ihipan para makain habang nag iisip ng pwedeng i-ulam tuwing lunch sa escuelahan.

"Chicken adobo din po at pwedeng gulay din, la."

"Sige. Ang mga 'yon ang bibilhin ko mamaya."

Wala naman silang gastusin sa tubig at kuryente, kaya pagkain talaga sa araw-araw ang mas pinagtutuunan nila ng pansin.

Naisip niya na bilhan ng bitamina ang lola niya para mas lumakas ito lalo. Pero bago 'yon, kailangan muna nilang kumunsulta sa doktor para mabigyan sila ng reseta para sa tamang vitamins ng lola Salma niya. Gagawin niya 'yon kapag tama na ang naipon niya sa pagtatrabaho sa azucarera.

Ang araw ay halos pababa na nang makarating sila sa patag. Isang kulay itim na pick up ang nag aabang sa gilid. Pagod na pagod si Charlotta dahil siya ang mas humihila ng mabigat na sako. Ayaw niyang mapagod ang lola niya.

When she saw Grego leaning against the while his phone is on his ear, Charlotta stopped for a moment to fix her messy hair.

Hindi naman nakatingin sa gawi nila si Grego, nasa kanan na kalsada ang atensyon nito habang may kausap sa kabilang linya.

"Pagod ka na? Ako naman, Terra."

"Hindi po. Ako na, la."

Muling kinuha niya ang dulo ng sako. Ang lola Salma niya naman ang may hawak ng shoulder bag niya.

La Carlota 1: Reaching the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon