CHAPTER ELEVEN
"MAUPO ka muna, hijo."
Grego sat at the chair made from bamboo wood.
Maliit lang ang bahay nila at tama lang sa kanilang mag lola. Ang sala at kusina ay magkaharap lang. Makikita ang kanilang dirty kitchen. Ang nag-iisang kwarto ay sa kanan na bahagi. Kurtina naman ang nagsisilbing pinto no'n. Ang banyo ay matatagpuan sa likod ng bahay nila. The way to go their is the exit door of the kitchen.
Watching Grego Almendarez roaming around his eyes around their house, made her a bit awkward. Kahit pa nakaupo ito ng kaswal doon, mahahalata parin kung gaano kalayo ang agwat nito sa pamumuhay nila sa Sitio Verde.
"Tamang-tama at katatapos ko lang magluto ng tinolang manok. Maghahain lang ako at para makapananghalian na tayo."
Hindi na pinigilan ni Charlotta ang lola niya. Hindi parin naman sila kumakain. Saglit lang ang pananatili nila sa Playa Azure dahil nag desisyon na magpupunta sa sitio.
"Pasensya na, maliit lang ang bahay namin."
Ibinalik ni Grego ang tingin galing sa litrato niyang naka frame na nakalagay sa ibabaw ng lamesa. That was taken when they were at the church. Nilapitan siya ng isang babaeng may dalang camera noon at kinuhanan siya ng litrato dahil nagagandahan daw sa kanya. Pumayag naman siya at kalaunan ay binigyan siya ng hard copy.
"Walang dapat ipagpahingi ng paumanhin, Charlotta. Maaliwalas at malinis ang bahay ninyo kahit na maliit lang."
Sumulyap siya sa bintana kung saan tanaw ang mga puno sa labas kung saan sila kanina nakatayo.
"Who took that photo of you?" he looked at the framed photo again.
Naglakad si Charlotta papunta ro'n at kinuha ang kanina pa tinitignan ni Grego. She was wearing a white floral dress and her hair was in a half ponytail.
Masasabi niyang propesyunal ang kumuha ng larawan dahil na rin sa perpektong anggulo at halatang mamahalin na camera na gamit noon.
"Hindi ko kilala. Lumapit siya sa amin ni lola no'ng nasa simbahan kami at nagtanong kung ayos lang daw ba na picture-an niya ako. Pumayag ako dahil wala pa akong litrato. Pina-frame ko dahil ang ganda nang kuha niya."
She handed the frame to him. Kinuha nito 'yon at muling pinagmasdan.
"Parang hindi taga La Carlota ang babaeng photographer. Siguro ay taga ibang lugar."
"Well, she seemed like a professional photographer," he noticed.
"Sa palagay ko ay tama ka. Dahil maganda ang camera na gamit niya."
Ibinalik sa kanya ni Grego ang picture frame pagkatapos ng ilang sandaling pagtingin do'n.
"Sandali lang ha? Tutulong lang ako kay lola."
Tumayo ito at tumingin sa hapag. Hindi niya na kailangan pang magtanong dahil sa galaw ni Grego, alam niyang tutulong din.
Gano'n nga ang nangyari. They helped her grandmother to finish preparing the table. Mabuti na lang din at tatlo ang upuan doon at ang lamesa ay tama lang sa apat na tao.
"Bakit nga pala maaga ang uwi mo, apo?"
"Wala na po kaming klase. Abala na po kasi ang mga estudyante at teacher dahil malapit na ang intrams."
Tumingin naman ang lola niya kay Grego. Alam niya na agad ang susunod na itatanong nito kung bakit kasama niya.
"Siya nga po pala, la. Pwede ba akong mag overnight sa Playa Azure?"
Nasamid ang lola niya sa pag higop ng sabaw. Mabilis na inabot niya rito ang tubig na agad nitong ininom.
"Bakit? Sino ang mga kasama mo?"
BINABASA MO ANG
La Carlota 1: Reaching the Sun
General FictionLiving at the top of the hill where everything seems away like the blazing sun in La Carlota, Terra Charlotta Ciervo aim to have a better future. It's not only for her but also for the kids on their sitio. The hatred from other people outside her re...