CHAPTER THREE
ILANG araw niya rin iniwasan si Grego. Kung hindi niya lang iniisip na kailangan niyang mag trabaho sa azucarera sa darating na Sabado at Linggo, siguro ay patuloy niyang gagawin ang dapat.
Nadagdagan ang galit sa kanya ng mga estudyante dahil sa napalapit siya sa isa sa hinahangaang lalaki hindi lang sa escuelahan nila, kundi pati na rin sa buong La Carlota. Ang pagkakaibigan nila ni Gavin ay muntik pang nasira dahil lang do'n.
She needs to think of ways on how she will please the people around her so they won't be too hard on her. Sinasabi niyang sanay na siya sa mga pang iinsulto, panghuhusga at pangmamaliit, pero may mga araw na napapagod din siya sa pag intindi sa mga ito.
Charlotta also stopped eating lunch at the back of the Gymnasium just to avoid Grego. Sumasabay siya kay Gavin tuwing lunch. Kapag kasama niya ito ay may tagapagtanggol siya kaagad. Malaking tulong na nakahanap siya ng mabait na kaibigan.
"Bukas ha? Ala una ay naroon na ko sa gate ng sitio," paalala sa kanya ng ka grupo na si Jester.
"Oo. Maghihintay ako do'n."
"Magmomotor lang ako. Ayos lang ba sa 'yo?"
Nakasakay na siya sa motor ni Grego kaya marunong na siya. Yayakap lang siya kay Jester.
"Kaya ko nang umangkas sa motor. Walang problema, Jester."
Uwian na nila at katulad kahapon, nagsabay sila ni Gavin. Kahit salungat ang daan ay hinatid siya ng kaibigan sakay ang tricycle. Tapos ay babalik ulit sa kung saan ang daan papunta sa bahay ng mga ito.
"Sa bahay! Ala una! Okay?"
Masaya siyang tumango at kumaway kay Gavin.
Pagbaling ni Charlotta sa kahoy na gate na halos matumba na, napaatras siya sa matinding kaba nang makita na nakasandal si Grego sa gilid ng puno ng acacia, nakapamulsa.
Sinundan nito ng tanaw ang tricycle kung saan lulan si Gavin. Tapos ay ibinalik sa kanya ang mga matang nananantiya at medyo naiirita rin.
"A-Anong ginagawa mo rito?" she asked while her heart was beating harshly. Halos kapain niya 'yon para lang kumalma.
Sa lahat, ang makita si Grego sa gate ng Sitio Verde ang pinaka hindi niya inaasahan sa araw na 'yon. Naka iwas nga siya rito sa escuelahan, pero mukhang mahihirapan siya sa mga sandaling 'yon.
"You're avoiding me," he took a step forward, closing their distance, that made her heart pounded more.
Napaatras ulit si Charlotta. Sa lakas ng kalabog ng dibdib niya, nakakamangha na nakakaya niya pa rin tumayo nang tuwid at hindi bumibigay ang mga tuhod.
"Do we have a problem, Terra Charlotta?"
She swallowed hard. The way her name slipped on his lips could make her knees tremble. She didn't realize how beautiful was her name not until she heard him saying those.
"Wala naman," hindi siya makatingin ng deretso. Ang mga mata niya ay kung saan saan dumadapo.
"Wala?" he mocked. "Bakit ka umiiwas kung gano'n?"
Ngumuso siya. Halata naman talaga ang pag iwas niya. At dumayo pa talaga ito do'n para lang malaman ang rason niya?
"B-Busy lang ako sa mga activity namin."
"Pero hindi mo kailangan tumakbo palayo sa akin."
Humigpit ang kapit niya sa sling ng lumang bag.
Paano ba siya magpapaliwanag? Sasabihin niya ba rito ang tunay na rason ng kanyang pag iwas? O ililihim niya na lang? Wala rin naman sigurong silbi kung ipapaalam niya pa.
BINABASA MO ANG
La Carlota 1: Reaching the Sun
General FictionLiving at the top of the hill where everything seems away like the blazing sun in La Carlota, Terra Charlotta Ciervo aim to have a better future. It's not only for her but also for the kids on their sitio. The hatred from other people outside her re...