CHAPTER FIFTEEN
AFTER a long day, Charlotta found herself inside Grego's car. They are going to Sitio Verde.
Ang mga kaibigan nila at ibang kaklase ay nasa Playa Azure para sa celebration kasama sila Chantria at Yusef. Samantalang siya, kailangan niya pa munang magpaalam sa lola Salma niya.
Paano kung hindi siya payagan? Ibig sabihin, babalik sa patag si Grego nang mag isa? Madilim na no'n! At hindi pa nito kabisado ang daan. Ihahatid niya nalang siguro? Kahit pa pagod na rin siya. Ayaw niyang bumalik ito sa patag ng mag isa. Delikado.
Nahinto lang ang mga iniisip ni Charlotta nang muli nitong hawakan ang kamay niya at dalhin sa labi para sa isang masuyong halik.
Uminit ang pisngi niya ng husto. That was the first time he kissed her hand! Ang puso niya ay hindi man lang mapagod sa bawat malakas na tibok.
"Sobrang ganda mo kanina..." sumulyap ito sa kanya. "At hanggang ngayon..."
Lumunok siya para alisin ang tila bara sa lalamunan. Parang hindi niya na yata kayang magsalita.
She's wearing his jersey and that denim shorts. Iyon ang una niyang nakita sa bag niya kanina no'ng nagbibihis siya kaya 'yon na rin ang ginamit niya.
Ang buhok niya naman ay nanatili na nakatali sa medyo magulong paraan parin. Inalis niya na rin ang eyeshadow at blush on. Wala na rin ang lipgloss dahil kumain at uminom siya ng tubig habang nasa byahe sila. Pero maganda parin siya sa paningin ni Grego.
"Ang gwapo mo rin..." halos pabulong na sambit niya.
When he laughed shortly as if something is really funny, she pursed her lips.
"Totoo! Gwapo ka talaga. Kahit noon pa."
Ngumuso ito ng bahagya habang ang mga mata ay nasa daan. Ang isang kamay ay nasa manibela. Ang isa ay hawak ang kamay niyang nasa kandungan niya.
Iniisip niya kung kailan niya kaya sasagutin si Grego?
Kumunot ang noo niya dahil do'n.
Paano niya ba sasabihin dito na sinasagot niya na? At talaga bang handa na siyang magka boyfriend? At si Grego Almendarez pa?! Totoo ba talaga ang lahat nang nangyayari sa kanya? Hindi kaya'y guni-guni niya lang.
"Uh, Grego-"
"We're here," he said, then looked at her. "What is it?"
Kumurap siya. Ano nga ulit ang sasabihin niya?
"Sana payagan ako ni lola para hindi ka bumalik dito ng mag isa..." habang sinasabi niya 'yon ay sa loob ng gubat nakatingin si Grego.
Nang sundan niya ay nakita niya ang lola Salma niya na naglalakad papasok. Hindi siya pwedeng magkamali. Ang lola niya 'yon!
"Bumaba tayo. Si lola 'yon..."
Pareho silang lumabas ng sasakyan. Tinakbo niya ang pagitan nila ng lola niya habang tinatawag ito. Nang marinig siya ay huminto.
"Terra!"
"La! San ka po galing?"
Itatago pa sana nito ang karton na hawak pero dahil sobrang ingat na ingat, hindi na nagawa. Nakita niya agad kung ano ang nasa loob dahil sa pangalan na nakasulat sa ibabaw. Cake!
"Sa sentro, apo. Galing din ako sa escuelahan ninyo."
Lumaki ang mga mata niya. "Nagpunta ka sa escuelahan?"
Ngumiti ito. "Oo. Nahuli na ako ng dating. Ang koronasyon lang ang napanood ko."
Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Ang puso niya ay natutunaw na parang yelo na inilapag sa apoy. Talagang sumadya pa ang lola niya sa escuelahan para panoorin siya kahit malayo ang lalakarin nito papunta at pabalik sa Sitio Verde.
BINABASA MO ANG
La Carlota 1: Reaching the Sun
General FictionLiving at the top of the hill where everything seems away like the blazing sun in La Carlota, Terra Charlotta Ciervo aim to have a better future. It's not only for her but also for the kids on their sitio. The hatred from other people outside her re...