Chapter 20: LOVER?!

608 46 13
                                    

Nagmamadaling tumakbo si Fris (katulong) papunta sa kwarto ni Riana at kinatok ang pinto,  nakakagambala sa tulog ni Riana.

Bumangon si Riana at bahagyang binaluktot ang kanyang katawan upang tingnan ang orasan.

6:00 AM

Nang makita niya na maaga pa, nagreklamo si Riana sa kanyang isipan at nagtanong, "Anong nangyayari, Fris?"

"May emergency po Miss!" Sabi ni Fris pagpasok niya sa kwarto.

"Ano?" 

Riana sat up, the blanket slipping off her white shoulders as she rubbed her sleepy eyes.

"Nawawala po si Elias. Tinignan po namin yung kwarto niya at wala po siya doon! (┳Д┳)" sabi ni Fris nang itaas niya ang kanyang ulo at tumingin kay Riana.

Agad na lumingon si Fris sa bewang ni Riana, isang malaki at maputing braso ang nakapalibot dito.

Nabigla at nagulat si Fris, 'May kasamang lalaki si Miss sa kama!! \(º □ º l|l)/

"Iyon lang po ang gusto kong sabihin. Sorry kung naistorbo ko po ang tulog niyo. Aalis na po ako" Yinuko ni Fris ang kanyang ulo at agad tumakbo palabas ng kwarto.

Fris POV: 'May kasamang lalaki si Miss! May kasamang lalaki si Miss Riana!!!! Madam!'

Nagtatakang tumingin si Riana sa pinto, na kakagising lamang. 'Anong nangyayari?'

Sa pagkakataong ito si Elias naman ang naistorbo at napasimangot nang matuklasan niyang wala na siyang kayakap.

Magkadikit ang kanyang kilay, habang nakapikit ang kanyang mata at hinahanap ang kamay ni Riana. 

Nang makita niya na ang kamay ni Riana, agad niyang hinila at niyakap pa ang balikat ni Riana, at ibinaon ang kanyang mukha malapit sa kanya.

"Don't move. Inaantok pa ako" sabi ni Elias at muling nakatulog.

'Hoy!'  Bumuntung-hininga si Riana at parang gusto pang makipagaway pero pagod na pagod din siya kaya mabilis siyang tumabi kay Elias at bumalik din para matulog.

________________________

"So? Alam ba ni Riana kung nasaan siya?" tanong ni Yurik sa katulong.

" Hindi po, kakagising lang po ni miss at parang hindi niya po alam...."

"At? Yun lang?"

"Umm... Ano po kasi..." nagdadalawang isip na sabi ni Fris at yumuko.

"Go on. Sabihin mo lang" sabi ni Yurik.

"May kasama po kasing lalaki si miss sa kwarto niya..." (˵¯͒⌢͗¯͒˵)

Nabigla silang lahat sa sinabi niya.

"WHAT?!!"

___________________________________

Hindi pa ilang minuto ang nakaraan, ang buong pamilyang Vhon ay pumunta sa kwarto ni Riana.

Nang makarinig ng malakas na tunog ng pinto, napabangon sa gulat si Riana at Elias.

"RIANA!" sigaw ni Jonathan Vhon.

"What? ANong nangyayari?? ゞ◎Д◎ヾ" sabi ni Riana nang makaupo siya.

At sa pagkakataong ito, nakita ng buong pamilya na si Riana ay may kasamang ibang lalaki at nang makitang nakaangat ng kaunti ang damit ni Elias, bahagyang nakikita ang kanyang magandang abs ( ⚆ _ ⚆ ). Gayunman, ang kanyang mukha ay nakatago sa likod ni Riana at hindi nila makita ang mukha ng lalaki.

I transmigratted in a sh*tty loves story novelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon