Chapter 21: Kasi mahal kita?

268 11 6
                                    




'His fiance was having an affair with another man?!'

______________________________________________

Nakilala agad ni Riana ang lalaking nakatayo sa pinto ng kanyang kwarto.

'Anong ginagawa ni Noah dito?!'

Ang binata ay nakasuot ng itim na turtle neck at blazer. Tahimik siyang nakatayo sa pinto habang nakakuyom ang kanyang kamay. Matutulis na tingin na nakatitig sa dalaga. Saglit na hindi kumibo si Riana nang mapansin niyang nandidilim na ang mukha ni Noah.

Basang basa sa pawis ang kanyang likod kahit na naka-aircon siya. Ni isang maling galaw ay parang may sasagip sa buhay niya.

"Mag-usap nalang tayo sa sala. Hm?... Noah?" ngiting sabi ni Riana.

"Fine." maiksing sabi ni Noah at bumaba nang walang sinasabi.

________________________________

Sa kasalukuyan, nakaupo ang buong pamilya sa sopa sa sala habang nagtititigan sina Riana at Noah na para bang nasa isang staring contest.

'Ni isa walang nagsalita sa kanila

'Ano na naman bang ginagawa mo ditong hinayupak ka?!! This is not your freaking house, stop coming here!' - Riana

'Kasalanan ko ba na nagdala ka ng lalaki dito! Sinong nagsabi na makipag affair ka habang engage ka sa akin!' -Noah

'What the hell! Sino ka sa tingin mo! Magulang ko?!' -Riana

'Your Fiance! Are you blind, woman!' -Noah

Isang malakas na tunog ang bumasag sa katahimikan sa sala.

"Ate, nagugutom na ako~" sabi ni Eros habang hinihila ang damit ni Riana.

Matapos marinig ang sinabi ni Eros, agad na nanlambot ang puso ni Riana. Pano ba naman kasi, sobrang intense nung buga ng hangin sa loob ng sala mas lalo na dahil may bombang naghihintay na sumabog sa harap ni Riana.

Kinuha ito ng kaniyang ina at binuhat. Tatayo na sana si Riana nang pigilan ito ni Navier.

"Ako nang bahala kay Eros, Riana. Mag-usap na muna kayo ni Noah" Nginitian ni Navier si Riana at dumeretso sa kusina.


(Riana POV)

Hindi ko na napigilan yung mahabang katahimikan at tumayo na rin ako para sundan sina Eros. Hinawakan ko yung kamay ni Elias at niyaya siyang kumain. Tumango lamang siya at tumayo.

Bahagya kong tinignan si Noah at nakita ko ang napakaseryoso niyang mukha na nakatingin sa kamay namin ni Elias na magkahawak. Diniinan ko ang pagkakahawak sa kamay ni Elias nang mas lalong nandilim ang mukha niya.

Sinusubukan kong hindi tumuwa sa seryosong mukha ni Noah.

'Desurve..'

"I suppose there is a reason why you barged in without an appointment kaya nandito ka." Napangiti ako sa aking nakikita. Mataman kong tinitigan ang lalaking nasa harapan ko.

"Riana, please explain this situation" Malamig na utos ni Noah sa akin na wala man lang akong pakialam sa kanyang presensya.

"Wala na akong dapat na ipaliwanag pa sa isang estranghero" Binigyan ko siya ng isang malamig na tingin habang nakahawak parin sa kamay ni Elias.

"Estranghero?! Ako?! Fiance mo 'ko, Riana! I'm not just a nobody! Narinig ko din na umatras ka sa engagement natin, what is the meaning of this, Riana?" Sumimangot si Noah at naging malamig ang kanyang boses. Nagngangalit ito sa inis.

Saktong pumasok si Mom sa living room nang marinig niya kaming nag-aaway.

" Mom, I leave this situation to you. Ikaw na po ang bahala sa kanya" mariin na sabi ko. Muli ko siyang nilingon bago pumasok ng dining room.


(3rd Person POV)

"Mrs. Vhon?" Nakakunot ang noo nito at napatanong.

'Di ko alam kung anong kasalanan ang nagawa ko kung bakit galit si Riana sa akin. Fiance niya ako! I have the rights.'

"Noah, about this..." Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga at hinawakan ang kamay ni Noah, " I was just about to inform your mother about this matter a few days bago ka makauwi sa business trip mo, hindi ko lang inaasahan na uuwi ka ng maaga...." kalmadong paninimula ni Navier.

"I see. Ano po yung gusto ninyong i-inform kay mom?"

"Actually, alam mo iho ... I now understand that pushing this engagement forward out of our own selfish desire to start a family was excessive and unfair to you both at alam ko naman na pareho kayong nahihirapan ni Riana sa engagement na ito. So gusto kong sabihin sa mother mo na pwedeng i-annulled yung engagement." Mahinahon na may bahagyang lungkot ang mga sinabi ni Navier.

Nanahimik saglit si Noah bago magsalita, "Wala akong pakialam sa engagement na ito. Siya ba?"

"Oo, pati din si Riana" sagot ni Yurik.

Nanlaki ang mata ni Noah nang malaman ang totoo. Naisuklay niya mga daliri niya sa kanyang buhok, meaning wala nga talagang interest at ayaw makisama ni Riana sa kanya noon pa. Kahit isa sa kanila ay walang interest sa engagement na iyon at iyon lamang ang dahilan kung bakit mas lumalim ang galit nila sa isa't isa.

"I understand... ako nalang po ang magsasabi kay mom. Thank you for your time, aalis na po ako." Mabilis na nagpaalam si Noah bago tumayo at lumabas ng mansyon.

Sa isang kisap mata, umalis na si Noah, naiwan ang buong pamilya na medyo nalilito sa nangyari.

"Tara na sa dining room, naghihintay na sila Eros" Awkward na sabi ni Jonathan para gumaan ang kakaibang atmosphere.

"Hmm.." Tumango si Yurik at naglakad papunta sa dining room.

Nanatili sandali si Navier sa sala ng ilang sandali upang matunaw ang mga nangyari, 'Di ba ako nagkakamali ng pagkita? Mukhang malungkot yung mukha kanina ni Noah nang sabihin ko na annul na yung arrangement. Hays... mga bata talaga.. Di bale makakain na nga lang' Napailing nalang si Navier bago pumasok ng dining room.

________________________________

"Riana aalis ka na ba?" Sabi ni Elias na may maamong mukha at parang isang asong iiwanan ng amo niya dahil kumikinang pa ang mata nito sa mga luha.

'Hayst- ano ka ba Riana para namang may anak kang iiwanan'

"Well kailangan kong pumasok sa trabaho pero babalik din naman ako mamayang gabi" lumingon ako sa taas para tingnan ang matangkad na lalaki sa aking harap.

"Can I go with you?" Nagmamakaawang tanong ni Elias at hinalikan pa ang aking kamay.

Napaatras ako sa kanyang ginawa at ganun din si Harry na nasa likod namin ay nagulat sa kanyang nakita. Ikiniskis niya ang aking kamay sa kanyang pisngi habang nagmamakaawa. Wala na akong nagawa at sumuko.

"Fine you can go. Pero tutunganga kalang magdamag sa office ko"

Tumango naman siya sa sinabi ko.

"Hindi ako makikipag laro sayo.."
sinusubukan ko parin siyang kumbinsihin na manatili sa mansion.

"Okay lang yun.. gusto ko lang naman manatili sa tabi mo"

Namula ako saglit sa hiya dahil sa sinabi niya.

'Ano ka ba!(● ˃̶͈̀˂̶͈́)੭ꠥ⁾⁾ para namang magjowa tayo sa pinagsasabi mo Elias! Itigil na! '

Pumayag na ako. Parang may panang tumusok sa dibdib ko nang bigkasin niya iyon. Tumango na lamang ako sa sinabi niya. Wala namang masama kung isama ko siya. Wala din naman siyang magagawa sa bahay kasi halos lahat kami busy.

"Tara na nga..!"

Pumalakpak si Elias sa saya at biglang niyakap ako sa likod. Napabugtong hininga nalang ako at ginulo gulo ang kanyang malambot na buhok.

'Ha~ can't say no to that smile kung lagi mo kong binibigyan ng pagkakataon na ispoil ka. Why do I keep falling into your traps'

I transmigratted in a sh*tty loves story novelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon