Umalis si Riana sa conference room sa sandaling matapos niya ang isang matagumpay na meeting at pumunta sa kanyang opisina. Nadatnan niya ang isang binatang mahimbing na natutulog sa kanyang sofa. Mapayapa itong natutulog na tila parang bata lamang na walang bahid ng pagod.
Nakahinga siya ng maluwag at umupo sa tabi, mahinahong hinahaplos ang ulo nito. Sa ilang saglit lamang ay nawala ang pagod sa mukha ni Riana.
Hindi nagtagal, tumayo si Riana para bumalik sa trabaho ngunit nagising si Elias at hinawakan ang kamay niya.
Dahan dahan niyang idinilat ang kaniyang mata at unang tinignan si Riana.
"Ria....." bulong nito sa isang malalim at paos na boses.
"Hmm? Ano yun? Gutom kana ba?" mahina at kalmadong sabi ni Riana.
"Gusto ko ng matamis...."
Natawa si Riana sa inasta nito dahil bahagyang nagtakip ito ng unan para matakpan ang namumula niyang mukha dahil sa hiya.
"Ako na ang bibili, you can sleep more" Tumawa si Riana at kinuha ang kanyang wallet para umalis.
"hmm...." bulong ni Elias bago ito bumalik sa pagkakatulog.
Matapos iwan ni Riana si Elias saglit, iniutos niya kay Melissa na ihatid siya papunta sa pastry shop na malapit sa mall di gaanong kalayuan sa kanyang office.
"Melissa, diba sinabi ko na sa iyo na humanap ka ng maaasahang bodyguard na magsisilbing driver." bungad ni Riana habang nakatingin sa bintana ng kotse.
Dobleng nagaalanganin si Riana sa kanyang kaligtasan ngayon mas lalo na dahil wala parin siyang naaabutan na balita patungkol sa death flag na pwedeng dumating kahit anumang oras.
"Tumawag na po ako miss kanina sa security company na pwedeng magapply bilang driver niyo at masisigurado na trusted ang taong ito."
Hindi na lamang nagsalita si Riana sa sinabi ni Melissa dahil alam naman niyang makakapagkatiwalaan niya ito. "Melissa i-park mo nga yung kotse dun sa gilid ng bakery shop"
"Itong bagong tayong bakery shop sa kanto?"
"Yes. That one," she nodded. Ito ang kanyang pinakapaboritong bakery shop na kakatayo lang ng bagong branch malapit sa office niya.
Hindi niya pinalagpas ang pagkakataong ito at inutusan kaagad ni Riana si Melissa na bilhan siya ng ilan sa mga paborito niya kasama ang paborito niyang kape latte at isang dosenang cupcake para kay Elias at pati na rin kay Melissa.
Hindi pa ilang minuto ang nakalipas bago bumaba ng kotse si Melissa nang kumunot ang noo ni Riana. Isang itim na van ang walang ingat na pumarada sa harap nila, halos matamaan ang kanyang mamahaling brand na kotse.
Nanliit ang mata ni Riana sa driver na bumaba ng sasakyan at pinagbuksan ng pinto ang taong nakasakay sa loob nito. May isang lalaking nasa mid-30s ang lumabas dito na naka black suit.
Unang tingin pa lamang dito ay halatang security guard ang lumabas ibig sabihin na lamang nito ay isang influential na tao ang nasa loob ng van na iyan.
Nanlaki ang mata ni Riana nang makita niya ng lalaking sumunod na lumabas. Sa kanyang pagkagulat, ang lalaking lumabas ng van ay isang pamilyar na mukha dahilan para mapako siya sa kanyang kinauupuan.
WHAT?! It can't be..... hindi pa dapat siya ngayon magpapakita. Bakit siya nandito?? Hindi ito kasama sa plot. Anong nangyayari sa original story? Bakit gumugulo??
(Riana POV)
Icaros Chauvin..
Ang original villain ng story maliban kay Riana. Siya ang dahilan ng mga kidnapping incidents ni Psyche sa original story kung bakit na comatose si Psyche dahil sa isang kidnapping accidents na mangyayari sa future. Sa aking pagkakaalam, sobrang obsess si Icaros kay Psyche to the point na gusto niyang ikulong yung female lead sa kayang mansion buong buhay niya.
Si Elias lamang ang tanging makakatalo sa kanya maliban na lamang kung hindi magiging hidden boss si Elias sa different endings. May total na 4 na endings meron ang libro at sa bawat ending may trahedyang mga pangyayari.
Nagulo ba yung story kasi nandito ako? Maalin man hindi ko hahayaang mamatay ako sa pangalawa kong buhay.
Nakarinig ako ng mahinang tawang nagmula sa loob ng van tila boses ng isang babae.
Isang pamilyar na boses....
Sinundan ko ng tingin si Icaros nang pumasok siya sa loob ng shop.
Ang hindi nabanggit sa libro ay matagal na magkakilala si Icaros at Riana. Binanggit lamang ito sa isang extra epilogue nung sequel ng libro na ipinakita ang back story ni Riana.
Mabagal na lumipas ang mga minuto, at habang abala ako sa aking parang sarili maliit na mundo. Nang sa wakas ay napansin ko agad si Melissa na lumabas ng shop at umupo sa front na may napakadilim na tingin sa mukha.
"Anong meron Melissa?"
"Miss, , you won't believe what had happened inside. May isang lalaking pumasok na may kasamang bodygurad at pinilit akong ibigay sa kanya yung huling piraso ng Golden Cheesecake Blueberry donut! Napakawalang galang. Gusto raw kainin ng kanyang fiancee yung gintong donut na ito! Ibibigay ko sana sa kanya kung hindi lang siya naging mayabang para hingin iyon sa akin imbes na tanungin niya ako ng maayos..."
Natawa ako sa inasta ni Melissa. Hindi ko aakalain na pati siya makikita niya si Icaros.
Patuloy parin si Melissa sa pagbabanta niya. Fiancee? Si Icaros may fiancee na? Hindi ba obsess siya kay Psyche?
Since when? Bahagyang naikuyom ko ang aking kamay habang may bahid ng kaba at takot. Gayunpaman, madali kong pinapakalma ang aking sarili habang nakikinig sa mga banta ng aking sekretary.
May fiancee o wala, wala itong kinalaman sa akin.
"Parang isang sikat na tao ata miss yung nakasulubong ko kanina. Hala! Miss yan yung bodyguard nung mayaman papalapit siya sa direksyon natin. Sa tingin ko gusto niya yung donut"
Nagising ako sa pagkakatulala sa sinabi ni Melissa. Pinagmasdan ko ang pagkatok ng bodyguard sa bintana ni Melissa na may seryosong ekspresyon.
"Look, sir, sinabi ko na sainyo. Hindi ko ibebenta sainyo itong donut"
"Miss, willing kaming magbayad. Menstrual cycle ni miss ngayon at nagccrave na kasi yung fiancee nung boss namin at wala siya ngayon sa mood," pilit ng bodyguard habang nakatingin sa akin na blangko kolang tingin sa kanya.
Nang makita niya ang mukha ko ay halatang namukaan niya ako dahil napalunok ito sa kaba.
Dahil dito, itinuon niya ang atensyon sa akin, " Miss Vhon...."
"Yes? Do I know you?" walang gana kong sabi.
Napansin kong lumabas na rin ng van si Icaros na may inis sa mukha, kaya dali dali kong kinuha yung shades sa bag ko at isinuot ito.
"Ano ang problema dito?" sambit niya
"Boss ayaw nilang ibenta sa amin yung donut"
Napabuntong hininga ito at ipinatong ang kanyang braso sa bintana ng kotse at dumungaw dito. Tumingin siya sa direksyon ko at ngumiti.
"Sorry miss kung nagambala namin kayo, alam kong tauhan mo itong kasama mo. Bakit hindi mo ibenta sa amin yung donut? Babayadan kita triple nung original na presyo."
______________
Biglang ngumiti si Riana kay Icaros na natuon ang tingin sa kanya na para bang namumukaan niya itong dalagang nasa harap niya.
"Bigyan mo ako ng hundred thousand at ibibigay ko sayo ito" sabi niya, na ikinagulat ni Icaros at ng bodyguard.
Isang daang libo? Is she crazy? Isa lang itong simpleng blueberry cheesecake donut na may icing at papel na ginto sa ibabaw! mas mababa pa sa isang daang libo ang presyo nito!
Nagdikit ang dalawang kilay ni Icaros at iritadong tinignan si Riana ng masama.
"Hoy, Miss, 250 lang ang halaga ng isang donut na toh. Halatang gumagawa kalang ng gulo. Ayokong masira ang araw ko hmm?" sabi nang bodyguard na inaakalang maiisahan sila ni Riana.
Maging si Icaros ay natigilan dahil sa sinabi ni Riana. Ano ang nangyayari sa sitwasyong ito? Isang daang libo para sa isang donut?
![](https://img.wattpad.com/cover/279783706-288-k52362.jpg)
BINABASA MO ANG
I transmigratted in a sh*tty loves story novel
RomanceRina is an ethical hacker and a neet. She suddenly died and asked for a second life. She wants to be successful in her next life when suddenly she transmigrate in a novel where there is a sh*tty love story between the Ml and the Fl. And she got rein...