(Riana POV)
'What the heck!? Anong pake ko sa mga chismis nila? Kung magkalat man sila ng chismis edi paalisin ko sila sa kumpanya!'
Pagkumbinsi ko sa aking sarili habang nakatingin sa napakalaking building sa harap ko.
'Dito ako nagtatrabaho, bakit naman ako matatakot?!' Napahinga ako ng malalim habang pinipisil ang kamay ni Elias.
"Kapag pumasok na tayo kailangan mong maging masunurin sa akin. Akin ka lang makikinig, okay?"
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni Elias at iniharap sa akin. Oh gosh ang hot- este ang cute.... ano ka ba Riana! snap out of it!
Masunurin siyang tumango sa sinabi ko. "Hmm... sayo lang ako makikinig"
"Okay good!" Napangiti naman ako at naglakad papasok ng building.
Pagpasok ko ng building, binati ako ng lahat tulad ng dati subalit makikita sa kanilang mga mata ang hindi paniniwala at pagtataka nang makitang may kasama akong iba. Muli akong bumalik sa usual face ko kapag nasa trabaho.
"What is my schedule today, Melissa" tanong ko habang naglalakad papunta sa aking office.
(3rd person POV)
Bahagyang nataranta si Melissa sa malalaking hakbang ni Riana dahil nagmamadali itong pumasok ng kanyang office para dalhin ang kanyang "boyfriend" at nauutal na sumagot,
"Umm... later at 11:00 am may meeting po kayo sa mga members para i-redicuss yung previous meeting about sa report. Then at 12:30 you have a lunch with your fiancee, Mr. Noah. And the rest of the afternoon you are invited on a event." sunod-sunod na sabi ni Melissa.
"Cancel all my schedule on Noah, hindi ko na siya fiancee" Medyo nag-iba ang mood ni Riana nang sabihin niya iyon.
"Oh Melissa, go and get me some snacks and games to play ngayon na 10 minutes. GO" bilin ni Riana bago isara ang pinto ng kanyang office.
"Elias, doon ka nalang umupo sa sofa"Itinuro ni Riana ang malambot na sofa.
"Hindi!" Sa unang pagkakataon, first time na tumanggi si Elias sa utos ni Riana at tumakbo ito sa kanyang desk chair.
Umupo siya sa upuan ni Riana at pinaikot ito. Nagulat si Riana sa ginawa nito kaya hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Elias upang tumigil ito sa pagikot.
"Are you mad?" sabi ni Elias habang nakanguso ang kanyang namumulang labi.
"You..." tumigil si Riana at nagpipigil ng tawa, "Hindi.... (ಠ//⌣//ಠ)"
"PERO kailangan ko yung upuan ko kaya shoo" sabi ni Riana at inayos ang mga papeles na naka kalat sa kanyang lamesa.
"Aww... pwede ka namang umupo saken (人・ω・)" nakangiting sagot ni Elias at tinapik ang kanyang hita.
".....(^-^*)ノ"
'snifffff* Hinga nang malalim, Riana. Hindi niya pa alam yung ginagawa niya...... hindi naman sadya iyon'
"Nope, magpapadala nalang ako ng isa pang upuan"
Itinaas niya ang telepono upang tumawag sa maintenance office.
"Marvin, pwede paki dala ng bagong chair dito sa office ko?"
"Yes po, Miss" sagot nito bago ibinaba ni Riana ang telepono.
"Ayaw mong umupo katabi ko?" naiiyak na sabi ni Elias.
",,,,No, It's not like that. Ano lang.. baka kasi uncomfortable para sayo"
"No! It's fine! Kaya naman kita, malakas naman ako"
Tumanggi si Riana sa alok ni Elias pero nang maglakad ito papuntang sofa. Hinila ni Elias ang bewang ni Riana at binuhat ito papunta sa kanyang hita at pinaupo.
Napasigaw si Riana sa gulat at gumalaw galaw na parang uod. Nahihiyang may pagkainis na nginisian ni Riana ang lalaking nasa likod niya.
"See? Hindi naman uncomfortable" ( ^ ω ^) Ngiting sabi niya habang nakayakap sa bewang ni Riana.
Nahihiyang tinakpan ni Riana ang namumula niyang mukha upang hindi mahalata ni Elias. Ilang beses din pinilit niya na makawala sa pagkakahawak nito ngunit sa sobrang lakas ni Elias hindi siya makaalis sa pwesto niya.
'Oh goshh, lupa lamunin mo na ako!!' Mentally ten lang siya pero ang lakas ng katawan niya' (ಥ_ʖಥ)
"Elias, be a good boy and let me go" pilit ni Riana na iharap ang sarili niya kay Elias.
"Hmm... papakalwan kita kung bibigyan mo ako ng kiss sa pisngi"
'What the hell happen?! Si Elias pa ba toh?!'
Saglit na nakatitig sa kanya si Riana, napuno ng kaligayahan ang mga mata ni Elias sa hindi malamang dahilan.
"Why?" tanong ni Riana.
"Why? .... hmm.. kasi gusto kita? I like you"
Tinaasan siya nito ng kilay at napasimangot, "kung gusto mo ako, hindi mo dapat ito ginagawa"
Nang makita ang kanyang ekspresyon, saglit na natakot si Elias at pinagpawisan bago nilakasan ang pagkakahawak nito sa bewang ni Riana, "I don't care, gusto ko ng kiss"
Nakatuon ang tingin ni Elias sa kanya. Hindi man nakikita ng mukha nito ang iniisip niya ay nahulaan na niya kung ano iyon.
Napabuntong-hininga si Riana bago iharap ang sarili kay Elias. Dahan dahan siyang umikot habang nakayakap parin siya sa kanya bago bahagyang yumuko at idiniin ang malambot niyang labi sa pisngi ni Elias.
*mwa<3
"Okay done, pakawalan mo na ako o magagalit pa ako sayo"
Bago siya makaalis sa pagkakayakap ni Elias, ang mga sumunod na kalampag ang nagpatigil sa kanya. Pumasok si Marvin na may dala dalang extra na upuan at nasaksihan ang hindi kapani-paniwalang eksena sa harap niya.
Mabilis na himawakan ni Marvin ang handle ng pinto at agad na itinulak ang upuan bago tumakbo palayo, " Ito na po miss yung upuan, sorry po kung naistorbo ko kayo"
Nagmamadali siyang umalis at iniwang nakatulala si Riana sa era habang namumula na parang kamatis.
"Deja vu?"
'Ilang beses na akong napahiya sa araw na ito?!'
BINABASA MO ANG
I transmigratted in a sh*tty loves story novel
RomanceRina is an ethical hacker and a neet. She suddenly died and asked for a second life. She wants to be successful in her next life when suddenly she transmigrate in a novel where there is a sh*tty love story between the Ml and the Fl. And she got rein...