Third person's POV
" Lastly may we call Ms. Bella Celestine Criel the new student to summon hers"
Mabilis naman na naglakad si Bela papunta sa gitna ng arena at pumikit. Maririnig ang bulungan ng mga estudyante dahil sa tagal nitong nakatayo lang sa gitna at tila isang poste doon. Maya-maya lang din ay natahimik sila dahil sa mahinang bulong nito sa sarili. Gusto man nilang marinig ang bulong nito ay hindi nila magawa dahil tila may isang harang sa pagitan ng dalaga na nasa loob ng arena.
I Bela Celestine Criel, summon thee weapon build only for me.
I who's one of the Guardian that will save thee world of magic.
Blessed my armor as how you blessed everyone.
Hear me as you hear everyone's plead.
As the destiny comes and take place, supreme God and goddess of all.
I who was born to sacrifice myself for this world you create.
Give me the weapon and armor to eradicate all evil.
Kasabay ng huling enkantasyon na sinamnit ng dalaga ay isang ilaw ang bumalot sa katawan nito. Kasabay ng pagkalaho ng ilaw ay isang baluting may halo halong kulay itim, ginto at puti na mas bumagay sa walang buhay na magkaibang pares na mata ng dalaga. Akala ng lahat ay tapos na ito ngunit isang delubyo pa ang sumunod na nasilayan nila.
Isang malakas na hangin ang umihip sa lahat. Isang malakas na kulog ang umalingawngaw sa paligid kasabay ng pagbitak ng lupa sa gilid ng dalaga at pagbuga doon ng apoy isang sandata ang lumitaw. May bumulusok naman pababa na naging sanhi ng malalim na hukay sa arena na kinabiyak ng barrier. Nakita nila doon ang isa pang armas
Isang white gold na scythe na kung tawagin ay heavenly scythe at isang itim na may pulang scythe na tinatawag na demon scythe. Nanlaki naman ang mata ng lahat ng bigla nalamang bumalik sa dati ang lahat ng hawakan ng dalaga ang dalawang armas na nasummon nya.
Gulat naman ang lahat maging ang emcee dahilan para hindi nila makita ang paglakad palabas ng arena ni Bela.
Samantala isang pares ng mata ang patuloy na nakasubaybay sa dalaga habang nakangisi ito. Hindi nya lubos maiisip na makikita nya agad ang isang importanteng tao na matagal ng nawawala at matagal na din nyang hinahanap.
Nang makalabas na si Bela ay saka palang nagising ang diwa ng emcee. Hindi man sabihin kung anong section ang dalaga ay alam na ng lahat kung saan ito mapupunta. Pati na ang grupong kakabilangan nito
Isang section lang ang pumasok sa isip ng lahat ng makita ang kakaibang ginawa ng dalaga. Ang diamond section at ang grupo nila Dark na pinakamalakas sa buong akademya.
Maging ang headmistress ay may seryosong muka matapos pabalikin ang mga estudyante sa kani-kanilang dorm dahil automatic naman na mapupunta sila sa dorm na nababagay sakanila. Nag teleport na agad ito sa kanyang opisina at tinawag agad si Bela gamit ang speaker na maririnig saan mang sulok ng akademya.
" Calling the attention of Ms. Bela Celestine Criel please go to the headmistress's office "
" I repeat Ms. Bela Celestine Criel please go to the headmistress's office "
Seryoso namang inaantay ng headmistress si Bela sa kanyang opisina para makausap ito. Ibang iba ang bela na nasa arena kanina dahil kumpara ng unang makausap nya ito ay higit na mas malakas ang aura na meron sya kanina ng makuha nya ang sandata at baluti nya. Ngayon ay tila sigurado na itong limitado lang ang kapangyarihang pinapakita nya sa lahat.
Maya-maya lang ay pumasok na si Bela na may malamig na mga matang tumingin sa lahat ng mga kasama ng headmistress sa opisina nito. Ang wala lang doon ay ang binatang si Dark.
" What do you want headmistress" magalang ngunit malamig na tanong nito ng makaupo sa bakanteng upuan sa harap ni headmistress
Napayakap naman sa sarili ang mga royal dahil sa hatid na lamig ng boses ng dalaga. Kung si dark ay malalim ang boses na parang galing sa ilalim ng lupa si Bela naman para sa kanila ay tila gawa sa isang yelong crystal na pinaniniwalaan nilang pinaka malig na uri ng yelo.
" Thank you gor being here Ms. Criel and sorry for the disturbance" walang pag aalinlangan na sabi ng headmistress
" Cut the formalities headmistress just call me Bela and I'll really appreciate that but no need to apologize po wala naman akong ginagawa " sagot ni Bela na kinatango ni headmistress. Nakikinig lang naman ang ibang kasama nila sa usapan ng dalawa.
" Let's cut the chase Bela, I want you to join the royals whether you like it or not"
BINABASA MO ANG
ALERIE: The Tale of the Fallen Kingdom
FantasyDeath won't even be enough to pay for your sins. - Bela Celestine Criel