---
Nagsaya ang lahat nang ideklara ng aming guro na tapos na ang klase, hudyat na maaari na kaming umuwi. Hindi naman ganito araw-araw, sadyang excited lang ang lahat dahil maya-maya lang ay masasaksihan na namin ang solar eclipse.
"Soe! Bilisan mo na! Sige ka baka hindi mo maabutan yung eclipse! Wala kang mapopost sa instagram story!" Saad ng kaibigan ko.
"Mauna ka na!" Sagot ko pabalik. Hindi man lang tumanggi ito at agad na tumakbo, talagang iniwan nga ako.
Naglakad ako papauwi. There are times na nakakatamad maglakad pero kung ganitong malamig ang hangin, masarap sa pakiramdam kapag naglalakad ka mag-isa. It's peaceful.
Hindi kalayuan sa amin ay naraanan ko ang bakanteng lote, sa susunod kasi ay patatayuan na ito ng kung ano man kaya may nakakalat na mga putol na puno. Nakita kong nagsisimula na ang eclipse kaya naman nagdesisyon akong umupo na muna at panoorin nalang ang buwan mula rito.
Nagsimula nang mag-liwanag ang buwan, nakakamangha.
"Do you know that a solar eclipse lasts for 7 minutes and 31 seconds?" Napapitlag ako nang may magsalita sa aking tabi!
"S-Sino ka?!"
He let out a chuckle. "Chill. I just want to watch the moon."
Naiilang man ay ibinalik ko na lamang ang paningin ko sa buwan. Geez, ang ganda talaga.
"Soe.." tawag nito sa akin kaya naman nilingon ko.
"Bakit?" Tanong ko pabalik, pero nanlaki ang mata ko nang bigla ay aking napagtanto!
"Wait, b-bakit alam mo ang pangalan ko?!"
"Chill---"
"Oh my god! Stalker ka?! Ang creepy!---"
"What? No! Assuming mo!" Biglang bulyaw niya!
Wow.. pahiya.
Tumikhim ito. "I'm glad that you're fine."
Nalito ako pero muli pa itong nagsalita. "It's not your fault, Soe.." kumunot ang noo ko. Sinalubong ng mga mata niyang nalulumbay ang akin.
"It's not your fault.. hm?" Pag-uulit niya. Hindi ko namalayan na nagsibagsakan na ang luha galing sa mga mata ko.
Ni hindi ko alam kung bakit ako umiiyak!
"H-Hindi ko alam ang sinasabi mo---"
"I know.. you can't remember anything. No, you don't want to recall everything.." he gave me a sad smile. "You don't have to forgive yourself, 'cause you've never done anything wrong.."
Ang sakit..
Hindi ko alam pero masakit..
Hindi ako makapagsalita dahil sa pag-iyak, parang may bumabara sa lalamunan ko at tanging pagluha lang ang kaya kong gawin sa ngayon.
"I'm sorry, I left you..." saad niya. Sumakit ang ulo ko at nagsimulang magpakita ang mga ala-alang pilit kong kinalimutan.
Sa kakahuyan...
Siya, ako at sila..
"I-I'm sorry, s-sorry..." tanging nasambit ko.
"Shh..." he hugged me. "Move on.. get over it by accepting the truth. Please, 'wag mo ng pilitin na kalimutan. Kasi babalik at babalik lang 'yan. Move on.."
Nasaksihan ko kung paano siyang namatay noong gabing 'yon...
Sa ilalim ng buwan habang nagaganap ang eclipse...
Kung paano niya akong sinagip...
Kung paanong pinatay siya ng mga pinagkakatiwalaan niya ng dahil sa akin...
"I-I'm sorry.. k-kung sana malakas lang ako, h-hindi mo na dapat ako pinagtanggol..." I cried.
Niyakap niya lang ako habang patuloy na umiiyak. Kahit ano pang sabihin niya, masakit at hindi ko pa rin kayang tanggapin. Bago magtapos ang eclipse, ay siya ring paglalaho niya sa harapan ko.
"I-I'm sorry.." nang gabing muntik na akong pagsamatalahan, niligtas mo ako...
Niligtas mo ako mula sa kamay ng kuya at mga kaibigan mo...
"S-Sorry..."
YOU ARE READING
FACES OF TRAGEDY (one-shots collection)
Short StoryOne-shot stories from the lady antagonist, San Villainess.