---
"Rodora, dito ka muna ha? Babalikan din kita agad at bibili muna ako roon ng pinapabili sa akin."
"Sige lang, take your time."
Nagpalinga-linga ako sa kabuuan ng mall, narito kasi kami sa probinsya nila at sinamahan ko ang kaibigan ko. Natanaw ko ang isang paintings exhibit sa 'di kalayuan kaya naman napatingin ako sa relo ko.
"Medyo matatagalan pa naman siguro siya.." paghihikayat ko sa sarili kong 'wag makonsensya at puntahan na iyon.
Tuluyan akong dinala ng aking mga paa sa loob ng painting exhibit at doon ko nakita ang ilan lamang na mga tao na nagtitingin sa kanya kanyang collections.
"Welcome, ma'am," sabi nung isang lalaking naka formal attire.
Nginitian ko lang ito at tumuloy sa pagtitingin-tingin. Hanggang sa nahagip ko ang dalawang mag-asawang nakatingin sa isang painting.
"Hindi ba mukhang plain itong painting pero parang ang lungkot ng kwento sa loob, hon?" Tanong nung babae sa asawa niya.
"Siguro LDR lang kasi umaga tapos gabi oh," sagot naman nung asawa. Nagkibit-balikat lamang silang dalawa at lumipat sa kabilang painting.
Nilapitan ko ang kaninang painting na tinitignan nila at doon ko nakita ang painting na kalahati ay umaga at kalahati ay gabi, may tulay sa gitna at mayroong nakatayong silhouette ng isang lalaki.
Pero nagtataka ako dahil luma na ito.. sa lahat ng painting ito ang makaluma.
"Maam, that was a painting from the shop owner's ancient family. Ipinapabenta niya nalang dahil parang hindi naman daw ito para sa kanya." singit ng salesman kaya naman ngumiti lang ako hanggang sa umalis ito.
Tinignan ko ang title sa ibaba at doon binasa,
"Back on the bridge; by Y.M"
Nang mabasa ko ito ay nalito ako, yung tulay ang pinagfofocusan ng title, pero mas kapansin-pansin ang background na araw at gabi.
Napailing na lamang ako at lilipat na sana ng painting ngunit paglingon ko...
Ay wala na ang mga tao sa kaliwang bahagi!
Lumingon ako sa kanan at wala na rin'g mga tao!
Sinubukan kong lumingon muli sa kaliwa dahil naroon ang entrance ngunit nagulat ako nang sumalubong sa akin ang isang malakas na hangin...
"S-Shit.." hindi makapaniwalang usal ko.
Narito ako ngayon at nasa ibabaw ng tulay...
Tulay na kagaya ng nasa painting!
What the fucking fuck is happening?!
Pero nagulat din ako nang mapagtantong ibang kasuotan na ang nakasuot sa katawan ko!
"D-Damn.. w-wake me up..." tila naguguluhan akong humiling.
Nakasuot ako ng isang simple ngunit magarbong saya. Alam kong saya ito dahil nag-aral din naman ako.
Hinawakan ko ang buhok ko at doon ko napagtanto na nakatali na ito ng pabilog habang may paynetang nakaipit. Itinaas ko ang saya ko at nakita ko ang suot kong sapin sa paa.Shit, d-did I...
"No.. I didn't travel the time, did I?"
But fuck! Why am I inside this painting?!
Napakagat labi ako at napaupo sa tulay.
Naguguluhan ako...
Nakita ko ang abanikong pamaypay sa aking tabi kaya't agad ko 'tong pinulot at pinaypay sa sarili, yung paypay na pang mahirap na tila ba sobrang init kahit hindi naman ako pinagpapawisan.
YOU ARE READING
FACES OF TRAGEDY (one-shots collection)
Short StoryOne-shot stories from the lady antagonist, San Villainess.