---
"Goodbye, peace..." I whispered.
Tumayo na 'ko mula sa pagkakaupo sa swing dito sa abandonadong playground sa amin. Tumingala ako at tinignan mula sa taas ang buwan na saksi sa bawat gabing nilalagi ko rito sa lugar na ito.
Simula nang magbakasyon ay mag-isa nanaman ako, iniiwan ako ng mga magulang ko at pumupunta sa totoo nilang anak, tuwing weekdays ay binibigyan lamang nila ako ng allowance at aalis na sila.
I am just an illegitimate daughter.
Kinabukasan ay walang nabago sa routine ko.
Gigising,
Kakain,
Manonood ng kung ano,
Hihintaying lumubog ang araw,
At lalabas.
Nang matanaw ko mula sa bintana na madilim na sa labas, ay tumayo na 'ko at lumabas ng bahay. Nilock ko ang pinto bago tumungo sa favorite spot ko dito sa amin.
Naglalakad ako nang dahan dahan habang nakatingala sa buwan.
Ngunit natapos ang pagmumuni muni ko nang matapilok ako at nadapa!
"Shit! Why the fuck are you here damn stone?!" Sigaw ko, alam ko naman na ako lamang ang tao dito.
Ako lang ang nakakita ng katangahan ko, tss.
"Hmp!" Sinipa ko ang bato at tumalsik naman ito patungo sa kinaroroonan ng swing.
"O-Ouch!" Nagulat ako nang marinig ko ang isang tinig na para bang--
"May tinamaan ka dito miss!"
Tinig ng lalaki!
Tatakbo na sana ko nang maalala ko ang sinadya ko rito.
BAKIT BA KASI SIYA NANDITO?!
Nilapitan ko ito at nakita ko siyang nakaupo sa swing! Hindi ko maaninag kanina dahil sa madilim at nakasuot pa siya ng itim na hoodie.
"Why are you here?!"
"Why? Am I not allowed?"
"Yes!"
"Pfftt--" nagulat ako ng tinawanan lamang ako nito ng mahina.
"A-Aba't---feeling close ka rin eh no?!"
"N-No, I-Im sorry," saad niya ngunit hindi pa rin maalis ang mga ngiti bakas ng pagtawa.
"Who are you? Get out of that swing, ako ang nauna r'yan." tinitigan niya muna ako bago ngumiti at tumayo.
Umupo agad ako sa swing at nakita ko siyang umupo sa kabila.
Nakonsensya tuloy ako dahil bungi na ang duyan na 'yon at para bang lulusot ang p'wet mo.
Tinignan ko ito at sa laki niya ay mukang hindi naman siya lulusot...
Edi ako na maliit!
"So this was your favorite place.." tinignan ko ito mula ulo hanggang paa, at sigurado akong hindi ko siya kilala.
"How did you know? Stalker ka?" Lumingon ito at napakagat labi na para bang nagpipigil ng tawa.
"No, I'm not. I'm just a passer by and I saw this place.." sabi niya.
Wala nang sumunod na salita pa ang narinig matapos 'yon. At dahil hindi ako sanay na may kasama ay nauna na akong umuwi.
Kinabukasan ay dumating ang mommy ko at daddy kaya naman hinanda ko na ang sarili kong mainsecure.
YOU ARE READING
FACES OF TRAGEDY (one-shots collection)
Kısa HikayeOne-shot stories from the lady antagonist, San Villainess.