The killer behind

2 1 0
                                    

---

Mula sa 'di kalayuang distansiya, pinagmamasdan ko ang dalawang babaeng masayang naglalaro sa duyan.

Ang isa sa kanila ay girlfriend ko at ang isa ay kaibigan nito.

"Shiela," tawag ko sa atensyon ng babaeng mahal ko. Nilingon ako nito at binigyan ng napakatamis na ngiti.

Habang ang kasama nitong kaibigan ay mariin namang nakatingin din sa akin. Sobra akong nagpapasalamat sa kaibigan ni Shiela na si Iris, mabait ito at laging nasa tabi ng girlfriend ko tuwing binabagabag ng takot.

Gayon pa man naiilang ako sa laging tingin nitong ibinibigay sa akin. Inaamin kong maganda si Iris ngunit para sa aking paningin, si shiela ang pinaka maganda sa buong mundo.

"Lance, aalis kami bukas. Pwede bang pakiusapan kitang huwag na munang lumabas ng inyong bahay?"

Naagaw ang atensyon ko ni Shiela dahil sa winika nito.

Tuwing aalis siya ay lagi niyang ipinapakiusap sa akin na huwag akong lalabas ng bahay, minsan naiinis ako dahil tingin ko'y iniisip niyang mahina ako pero pilit kong iniintindi ang takot nitong mawala ako.

Lahat ng nagiging kasintahan niya ay namamatay, kung hindi nasagasaan ay nagbibigti.

Hindi ko maintindihan kung bakit at paano. Walang dahilan para magpatiwakal sila, at hindi kapanipaniwalang laging sira ang cctv sa mismong lugar kung saan nagaganap ang aksidenteng pagkakasagasa.

"Lance, ano?"

Mula sa malalim na pag-iisip ay nagising ako at napatitig na lang sa maamong mukha ng babaeng mahal na mahal ko. Nginitian ko ito at hinalikan sa noo.

"Mahal na mahal kita Shiela, hindi ako mawawala sayo," malambing na wika ko bago ito niyakap.

Habang nakayakap dito ay napansin ko ang tingin na binibigay ni Iris sa amin. Nakikita ko ang selos mula sa mga mata nito.

"Lance ha, huwag ka munang gagala bukas." muling paalala niya sa akin na binigyan ko lang ng tango at matamis na ngiti bago ito sumakay sa kanilang kotseng sinundo siya para umuwi.

"Lance," tawag sa akin ni Iris na naiwan sa aking tabi.

"May sasakyan ka ba para makauwi?" tanong ko dito habang binubuksan ang pintuan ng dala kong kotse.

"Wala, pwede bang sumabay?" tanong nito at binigyan ako ng ngiti.

Nilalandi niya ba ako? Kingina.

"Saan ka ba?" pasalamat na lamang siya at kaibigan siya ni Shiela dahil kung hindi ay iiwan ko siya sa lugar na 'to.

"Malapit lang, ituturo ko na lang. Salamat," wika nito at agad tumakbo sa kabilang side ng kotse para pumasok sa passenger seat.

Naiiling na pumasok ako ng kotse at nag drive ng tahimik.

"Lance, kasalanan bang magmahal?" biglang tanong ni iris habang nag dadrive ako, nilingon ko ito nang saglit bago sinagot ang tanong.

"Bakit bigla mong naitanong?"

"May minamahal ako, at gusto ko na tanging ako lamang ang mamahalin niya. Masama ba 'yon?" Hindi ko alam ang isasagot ko, alam ko ang kahulugan ng kanyang sinabi ngunit nadidinig kong may tinutukoy siya rito.

"Kung mahal mo, hayaan mong maging masaya siya sa taong mahal niya. Sa tingin ko ay mas nakabubuti 'yon," nananatiling nakatutok ako sa pagmamaneho at sumulyap sa kanya para malaman ang kanyang reaksyon.

Nakita kong umismid lamang ito at ngumisi bago tuluyang manahimik habang nakasilip sa labas ng bintana.

Tinuloy ko ang pagmamaneho hanggang sa makauwi na nga si Iris at hindi ko maiwasang mag-isip nang makita ko ang kakaibang tingin niya. Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon.

Habang nagmamaneho ay nakita ko ang pag-ilaw ng bagay na nasa tabi ko, kinuha ko ito at nakitang nag-iwan ng mensahe ang babaeng mahal ko.

"Tawagan mo ako kapag nakauwi ka na."

"Hindi ka parin ba nakakauwi?"

"Ayos ka lang ba? Patay ba ang telepono mo?"

Hindi ko maiwasang mapangiti sa isipin na nag aalala siya, ngunit nakakaramdam rin ako ng pag aalala dahil alam ko ang takot na kanyang dinadala.

Akmang papatayin ko na ang telepono dahil kasalukuyan parin akong nagmamaneho nang biglang lumitaw ang pangalan ng tumatawag ngayon.

Si Iris.

Sa una ay hindi ko sinagot ngunit naulit ito kaya naman ay pinagbigyan ko na. Nakahawak parin ang kaliwang kamay ko sa manibela habang hawak naman ang telepono sa kanan.

"Lance."

"Bakit ka napatawag? Patawad at kailangan ko ng ibaba dahil nagmamaneho pa 'ko." ibababa ko na sana nang kilabutan ako sa sunod niyang sinabi.

"Ang mahal ko ay mahal ko, ang aagaw ng pagmamay-ari ko ay hindi na dapat mabuhay." natigilan ako bago ibalik ang atensyon sa pagmamaneho.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Mahal...ko siya. Patawad din dahil kailangan mo ng mawala, sagabal ka sa amin ni Shiela." nanlaki ang mga mata ko kaya't tuluyan ko nang naisipan na itigil ang sasakyan dahil sa pagkagulat.

Ngunit hindi gumagana ang preno...

Kingina.

"Alam mo na siguro ang mangyayari ngayon. Oo, mahal ko ang kaibigan ko kahit parehas kaming babae. Patawad at kailangan mo ng umalis, mas maaalagaan ko siya at walang ibang maaaring umagaw sa kanya." Binaba nito ang tawag at doon ako tuluyang kinabahan.

Tuluyang nawala sa kontrol ang sasakyan at imbis na masagasaan ang ilang tao sa kabilang daan ay marahas ko itong niliko.

Nakalimutan kong kasalukuyang ginagawa ang bahaging iyon ng gusali kaya naman bago ako mahulog sa malalim na parte ay napamura na lamang ako.

"Shit!"

FACES OF TRAGEDY (one-shots collection)Where stories live. Discover now