"T-That's awful. Why did he do that, Lola?" I asked, curiously.
"Basta apo, hindi ko rin alam." she stood up. "Itutuloy ko nalang sa susunod, nasa baba na ang mama mo."
Nagkibit-balikat na lamang ako at iritang tumayo na rin para bumaba. If only I could stay here, hindi na 'ko uuwi.
"Rosario, anong petsa na aba't wala ka na atang balak umuwi?" Tanong ni mama.
"Mama, 18 na po ako, and besides nandito lang naman ako kay lola." I rolled my eyes and sighed. "Let me stay here please?"
Nanliit pa ang mga mata nito. "Pwede na lumabas ang mga tao and I'm already 18, but I'll stay here instead of going out with my friends. So please?"
She sighed, again.
"Rosario---"
"Rose, ma."
"Whatever. Rose, how about your studies? May online class ka pa rin. We need to go back."
Oo nga pala.
4 hours pa kasi ang byahe mula sa probinsyang ito pabalik sa manila, dinalaw lang talaga namin si lola dahil umalis na ang kasambahay niya. Gusto kong magpaiwan dito dahil ganoon din naman, online class.
I closed my eyes and crossed my arms. "Then I'm willing to stay here for a year."
"What? Rose, are you sure?" She asked, unconvinced of what I said.
"Yes, don't worry, mag-aaral parin ako."
-
They left, without me. Yes, pinayagan nila ako.
"Oh my god. look lola, I will stay here! Shall I sleep with you or get a room instead?"
"Apo, doon ka na sa kabilang kwarto, masyado kang masaya, iha." Tatawa-tawang saad ni lola na nakikisabay sa pagkakasaya ko.
"I got a room~ I'm on the province~ugh~freedom~" pagkanta ko pa sa tonong pineapple pen, masyado na ata akong nababaliw sa saya.
Is it real?! Wala ako sa bahay?! Oh sh*t asdfghjkl!
"WHOOO! WALA AKO SA BAHAY!! LEGIT!!" Sisigaw sigaw pa ako na parang tanga.
Sinong hindi magsasawa sa bahay nila kung buong quarantine ay pader niyo na ang nakikita niyo lagi? Ikaw! Syempre hindi ka magsasawa wala ka ng ibang bahay e!
Nagpapatuyo ako ng buhok habang nakaupo sa isang upuan na may kaharap na salamin---antique.
"Ba't ang luluma naman ng mga gamit ni lola? Ayaw niya palitan? Kukunin na 'to ng museum e," I whispered.
Habang tinutuyo ang buhok ay natanaw ko mula sa salamin ang lumang teleponong nasa likod ko na nakapatong sa aparador. Inalis ko ang tingin sa salamin at lumingon sa likod para kumpirmahin.
"Eh? Telephone? Is it the one na nandoon sa 'wrong number' na pinakinig sa'min ni ma'am?" I asked myself.
Kung idedescribe, makaluma ang style nito dahil may bilog ito sa gitna na pinipihit pa-clockwise at itatapat sa number then babalik sa zero.
Nagkibit-balikat na lang ako, uninterested.
Itinuloy ko na lamang ang pagpapatuyo sa buhok at nang natapos ay humiga na ako para matulog.
Kinabukasan ay nagising ako sa isang tunog, agad kong inilabas ang kamay ko at kinapa-kapa ang katabing lamesa para patayin ang alarm kagaya ng nakasanayan.
YOU ARE READING
FACES OF TRAGEDY (one-shots collection)
Short StoryOne-shot stories from the lady antagonist, San Villainess.