Chapter 5 Confusion

4K 57 0
                                    


Alas onse na pala ng gabi nang matapos kaming mag-dinner. Sa totoo lang halos hindi ko rin naman malunok iyong kinakain ko kanina dahil kinakabahan ako sa presensiya ni Lance. Panaka-naka ay may mga tinatanong siya sa akin at sa awa ng Diyos ay nasagot ko naman ng maayos. Ngayon ay papunta kami sa sinasabi niyang kuwartong tutulugan ko ngayong gabi. So, ibig kayang sabihin nito ay hindi pa niya ako gagalawin? Mabuti naman kung ganon dahil talagang hindi pa ako handa. Isa pa lang ang naging boyfriend ko at maliban sa halikan ay wala pa kaming ginawang lumampas doon. Kaya nga kami naghiwalay dahil habang tumatagal noon ay halos iyon na lang ang pinag-aawayan namin.

"So, this will be your room," narinig kong sabi niya kaya naputol ang pag-iisip ko. Pumasok kami at agad kong iginala ang mata sa loob nito. Maganda at maluwang ang kuwarto. May maliit na lamesang may dalawang upuan na malapit sa glass wall at ang malaking kama ay may puti at beige na kobre at mga unan. Simple lang ang itsura ng kuwarto pero ang mga nakasabit na paintings at mga gamit sa loob ay halatang mamahalin.

"Do you like it? As I have said, you can redecorate it all you want. Just tell me what you need," sabi nito kaya nilingon ko siya. Mataman lang itong nakatitig sa akin at parang kinakabisado ang bawat sulok ng mukha ko.

"S-salamat. Pero bakit kailangang dito pa ako matulog ngayon? Are you... going to–"

"To what?" putol nito sa akin na bahagya pang lumapit at makahulugang ngumisi sa akin. Napalunok ako at tumahip ang dibdib ko.

"K-kasi... ano..." makikipag-sex ka na ba sa akin ngayon? Gusto ko sanang itanong kaya lang halos mautal ako dahil hindi ko masabi ang talagang gusto kong sabihin.

"Don't worry, Farah, alam kong may trauma ka pa sa nangyari kanina kaya I will let you rest for tonight. And since tomorrow is Sunday we will go shopping," sabi nito. Nabawasan ang kaba ko sa sinabi niya. Pero shopping daw?

"Shopping? Ano bang kailangan mong bilhin at dapat kasama pa ako?" alanganing tanong ko sa kaniya. Saglit itong natigilan sa tanong ko saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa. Sinundan ko pa ang tingin niya at sa palagay ko ay wala namang problema sa itsura ko.

"If you're going to be my woman, you should dress and act properly," bigla tuloy akong napatingin ulit sa sarili ko. Bakit may masama ba sa ayos ko?

"Ibibili mo ako ng damit? But why?" tanong ko sa kaniya. Tumaas pa ang kilay nito bago sumagot. Hindi ko alam pero mukha siyang napapantastikuhan na ewan. Bakit kailangan pa niya akong ipamili eh huhubaran lang naman niya ako kapag gabi? Huwag niyang sabihing may iba pa siyang pakay sa akin? Wala yatang napag-usapang gano'n sa kontrata.

"Well, I want you to dress according to what I want you to. Aside from dress you also need other things, and we will buy everything tomorrow," dagdag pa niya. Ano ba'ng balak niyang gawin sa akin at kailangan pa niya akong bihisan? Well kung mga magaganda at branded na damit marami pa naman akong natitira sa bahay dahil sagana naman kami sa maraming bagay noon bago nagkasakit ang daddy ko. Pero ayoko nang kontrahin siya at baka magalit pa. At isa pa, pagod na rin ako at talagang gusto ko na ring magpahinga at mapag-isa para naman makapag-isip isip.

"O-okay..." sabi ko na lang. Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ay lumabas na siya at nagulat pa ako dahil bumalik din siya agad.

"Heto. Ito muna ang gamitin mo habang hindi pa tayo nakakabili ng mga gamit mo," sabi niya at iniabot sa akin ang isang pares ng jogging pants at white shirt. Sa tantiya ko ay sa kaniya ito. Alanganing tinanggap ko iyon at matamag tumingin sa kaniya.

"Salamat," sabi ko at saka tipid na ngumiti.

Akala ko ay lalabas na siya pero mabilis niyang tinawid ang pagitan namin at saka ako hinalikan. Ang isang kamay niya ay umikot sa likuran ko at hinapit niya ako papalapit sa kaniya habang ang isang kamay niya ay nasa ulo ko. Hindi ako agad nakagalaw sa ginawa niya. Pero natunaw ang lahat ng agam-agam ko nang lalo pa niyang palalimin ang halik at talagang natatangay ako. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Natatakot ako sa kaniya pero sa tuwing naglalapat ang mga labi namin ay para akong nalalasing sa mga halik niya. Hindi ko namalayang napakapit na pala ang dalawang kamay ko sa batok niya at nabitiwan ang mga damit na hawak ko kanina.

Riot Men Series #21: DESIRED BY THE BILLIONAIRE HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon