Chapter 7 The Kiss

3.7K 70 0
                                    


Pumunta kami sa isang Japanese restaurant dahil gusto raw niyang kumain ng mga pagkaing hapon ngayon. Nagpatianod na lang ako dahil sa nararamdaman kong gutom na rin ako at ayoko nang pumili pa ng kakainin. Basta kung ano'ng mayroon na malinis at maayos kainin, iyon na.

"I saw the apparels you bought, and I'm impressed. I think I like your choice of clothing," komento nito matapos makuha noong crew ang orders namin. Medyo naiilang lang ako dahil titig na titig siya sa akin habang nakangiti. Sa totoo lang ang guwapo-guwapo ni Lance. Napakaamo ng mukha niya at kahit sinong babae ay talagang maaakit sa kaniya. Hindi mo talaga iisiping kayang-kaya niyang pumatay ng tao, lalo na ng isang babaeng walang kalaban-laban. Hindi mawala-wala sa puso ko ang matinding takot sa kaniya. Natatakot ako na kapag magalit siya sa akin ay baka patayin niya rin ako.

"Thanks!" tipid na sagot ko. "Actually, mahilig din ako sa mga magagandang gamit lalo na noong malakas pang kumita si daddy, kaya kahit paano may konti rin naman akong alam sa fashion trends," dagdag ko. Kung iisipin ko nga iyong mga ginagastos ko noon sa pagpunta lang sa ibang bansa para makipagsabayan sa panonood ng mga fashions shows at pagbili ng mga limited items na mga damit, bags at shoes, nakokonsensiya ako. Kasi ngayon ultimo isang sentimo kailangang pahalagahan para makaraos. Kailangang pagtrabahuhan ang lahat bago makuha.

"Pagbebenta ng construction supplies pala ang business dati ng daddy mo, and you have three branches in the country..." pag-iiba nito sa usapan.

"Y-yes. Pero naibenta rin lahat no'ng nagkasakit si Daddy. May cancer kasi siya tapos mahina rin ang puso niya. Kaya lahat ng pera at assets namin napunta sa pagpapagamot niya. Iyong main store na lang ang natira at mina-manage ng kuya ko," malungkot na pagsasalaysay ko sa kaniya. Tumango siya biglang pagsimpatya. Biglang may ideyang pumasok sa isip ko. Kung nakikisimpatya siya sa akin dahil sa awa, puwede ko siguro itong magamit para masiguro ang kaligtasan ko.

Natakam ako at halos maglaway habang ibinababa na sa lamesa ang mga pagkain. Lumampas na rin kasi kami sa oras ng tanghalian kaya gutom na talaga ako.

"How are you going to tell your parents when I want to meet with you?" tanong niya. Nilunok ko muna ang nginunguya ko bago sumagot. Dumagundong ang dibdib ko sa tanong niya pero madali na lang namang sagutin dahil nakaisip na ako ng alibi kay mommy.

"Sabi ko kay mommy magiging personal secretary ako ng isang CEO," simpleng tugon ko. Tumaas ang kilay nito sa sagot ko. Tumitig pa siya lalo sa akin kaya napalunok ako. Ito ang hindi ko kinakaya kay Lance. Kapag tumitig siya parang pati kaluluwa ko ay pinag-aaralan niya. Para bang lahat ng sasabihin ko ay dapat tama dahil parang alam na niya agad ang sagot bago ko pa man sabihin.

"Secretary... so, now, I am a boss who is hooking his secretary?" he asked amused. Nakakaasiwa iyong tingin niya kaya ibinaling ko na lang sa pagkain ang mga mata ko.

"Iyon lang kasi iyong dahilan na naisip ko agad. Besides, ayokong mag-alala sila sa akin kapag nalaman nila ang t-totoo..." alanganing sagot ko. Dumilim naman ang mukha niya at nagtagis ang mga bagang. Biglang tuloy akong kinabahan. Mabuti na lang at ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain at hindi na muling nagsalita. Kaya ako naman ay gano'n na lang din ang ginawa. Hanggang matapos kaming kumain at makapagbayad siya ay walang nagsasalita sa amin.

"Ipapahatid na lang kita sa driver ko," pormal na sabi niya nang makalabas na kami ng resto.

"Paano itong mga pinamili natin?" tanong ko. Napakarami pa naman nito at kahit isabit ko lahat ito sa katawan ko ay hindi ko mabibitbit lahat.

"I will let the maids to organize them in your room. Plus, I will be out until Wednesday morning. Let's meet in my house on Wednesday evening."

Riot Men Series #21: DESIRED BY THE BILLIONAIRE HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon