Chapter 21 Lance's Deepest Secret

2.9K 48 0
                                    

"Do you want to know what really happened that night? Can I really trust you and tell you everything about myself, Farah?" bigla ay tanong niya sa akin. Napakaseryoso ng mukha niya at hindi ko maintindihan kung bakit biglang sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko.

"Alam kong iyong paglalagay mo ng label sa atin na mag-boyfriend ay hindi dahil sa gusto mo ako o may feelings ka talaga sa akin. Pero ganoon pa man, gusto kong malaman mo na mapagkakatiwalaan mo ako Lance. Puwede mo akong maging totoong kaibigan at sabihin sa akin ang ano mang nagpapabigat ng kalooban mo. Hindi ko sasabihing maintindihan ko lahat, pero susubukan kong unawain," sinserong tugon ko. Kahit para kaniya, ang pagiging magkasintahan namin ay hanggang sa kama lang. Puwede naman talaga niya akong maging kaibigan at kakampi. Sa puso ko, hindi ko pa rin siya ganap na napapatawad sa pananakit niya sa akin at sa pagyurak niya sa pagkakababae ko. Ngunit naniniwala naman akong ang lahat ng tao ay puwedeng magbago at may karapatang mabigyan ng isa pang pagkakataon basta bukal sa puso ang paghingi niya ng tawad. Basta sisiguruhin lang din na hindi na uulitin ang pagkakamaling nagawa.

Matagal siyang tumitig sa akin. Iyong klase ng titig na parang tumatagos sa kaluluwa. Tila tinitimbang niya kung nagsasabi ba ako ng totoo.

"Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa iyong I have my reasons why I hated women?" halos mapasinghap ako na nauwi sa paglunok sa sinabi niya. Galit siya sa mga babae? Kaya ba gano'n – gano'n na lang niya ako saktan noon?

"Why?" halong pabulong kong tanong. Biglang nanikip ang dibdib ko at tila nangilo ang mga ngipin ko sa aking mga narinig.

"Because the first woman who supposed to love me and take care of me, betrayed me. My mother left us to be with another man. Iniwan niya kami ni Papa at mas pinili ang lalaki niya. I was seven years old back then. At noong araw na umalis si Papa para sa isang business trip, nakarinig ako ng kakaibang ingay sa kuwarto nina mama at papa. Dala ng matinding curiosity ay lumapit ako sa silid nila. Bahagya pa iyong nakabukas at habang papalapit ako ay naririnig ko ang kakaibang tunog mula kay mama. At nang ganap na akong makasilip sa loob ng kuwarto ay ganoon na lamang ang pagkagimbal ko nang makitang may ibang lalaking nakahiga sa kama nila habang nasa ibabaw nito si mommy na nakatingala at umiindayog sa ibabaw niya. Hindi ko rin namalayan ang pagtulo ng mga luha ko at halos mabingi ako sa lakas ng mga ungol at halinghing nilang sumasabay sa langitngit ng kama. Sa musmos kong gulang ay una kong naramdaman ang matinding pagkasuklam sa babaeng siyang nagluwal sa akin. My father was always a good husband to her. The best father to me, but he was betrayed just like that," mahabang pagsasalaysay niya. Sa sobrang pagkagimbal sa narinig ay napaawang ang mga labi ko at hindi ko alam kung paano magre-react. Ni hindi ko na yata alam kung paano magsalita dahil parang umurong at naumid na nang tuluyan ang dila ko.

Ngunit bago pa man ako makapagsalita ay nagpatuloy na siya.

"I tried telling my father what I saw that day when he came back from a business trip. But I was beyond shocked when instead of confronting her, he became more thoughtful and loving to her. Dahil doon ay nag-umpisa na rin akong mainis at magtanim ng galit kay papa. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya pinagsasabihan si mama bagkus ay parang ayos lang sa kaniya ang maling ginagawa nito," malungkot niyang dagdag pahayag. Hindi siya makatingin nang diretso sa akin at tila iniiwasan ang aking mga mata.

"Natanong mo ba ang iyong papa kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya sa nalaman niya tungkol sa mama mo?" naglakas loob akong magtanong. Lalong lumungkot ang mukha niya at dahil doon ay nabagbag pa lalo ang aking damdamin. Ayaw ko namang magpakita ng awa dahil baka magalit ito sa akin. Isa sa mga ugali ni Lance na nadiskubre ko ay ayaw na ayaw niyang kinaaawaan siya ng kahit sino. Kaya ingat na ingat akong magpakita ng matinding emosyon kahit gustong-gusto ko na siyang yakapin sa mga ibinabahagi niya sa akin ngayon.

Riot Men Series #21: DESIRED BY THE BILLIONAIRE HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon