Chapter 12 Meeting Terrence

3.4K 57 0
                                    


               Hindi ko na siya inantay na makatapos sa paliligo at mabilis na nagbihis. Kinuha ko ang bag ko at ang cellphone ko saka mabilis na nilisan ang penthouse niya. Dumiretso ako sa bahay at sumilip lang saglit sa kuwarto ni daddy bago tuluyang nagtungo sa sariling kong silid. Nahiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Hindi ko pa rin talaga maintindihan ang tunay na ugali ni Lance. Minsan parang mabait at sweet naman siya, pero minsan parang bulkan na bigla na lang sasabog. Pero iyong ginawa niya kagabi ang pinangangambahan ko. Paano kung palaging gano'n ang uri ng pag-angkin niya sa akin? Kakayanin ba ng katawan ko? Paano kung-

Naputol ang pag-iisip ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Masakit pa rin ang buong katawan ko kaya banayad akong bumangon at inabot ito. Pangalan ni Lance ang nasa screen. Agad tumambol ang puso ko at nagdalawang isip kung sasagutin ko ba o hindi. Sa huli ay wala akong nagawa kun'di tanggapin ang tawag.

"Hello," mahinang usal ko.

"Why did you leave me like that?" halos pasigaw na tanong nito sa kabilang linya. Kumunot ang noo ko pero sinikap kong huminahon kahit halos hindi na ako makahinga sa lakas ng tibok ng puso ko.

"May pasok pa ako kaya kinailangan ko nang umuwi," pagsisinungaling ko. Mamayang hapon pa ang klase ko ngayon at wala naman na kaming mahalagang gagawin kun'di magpasa ng mgs huling output. Huling araw na rin ng klase namin bukas pero puwede na ring hindi pumasok basta tapos na ang lahat ng requirements para sa semester na ito.

"Don't try to fool me, Farah! Minamaliit mo ba ako? Akala mo ba hindi ko alam ang lahat ng tungkol sa iyo? I know everything! I will punish you for leaving without saying goodbye and for lying to me!" maangas na sagot nito. Ilang beses akong napakurap sa huling sinabi niya. Paparusahan? Anong parusa ang tinutukoy niya?

Bigla ay nanginig sa takot ang buong katawan ko. Maging ang dulo ng mga daliri ko sa kamay at paa ay tila nanlamig. Gusto na yatang kumawala ng puso ko sa tindi ng kabang nararamdaman ko.

"O? Bakit hindi ka makasagot?" napasinghap ako nang bigla na naman siyang magsalita. Lalong nadagdagan ang pangangatog ng mga tuhod ko at maging ang panginginig ng mga labi ko at hindi ko na mapigil.

"I-I'm s-sorry," halos utal na tugon ko. Ilang ulit akong lumunok para pakalmahin ang sarili ko pero bigo ako. Bumalik sa akin kung paano niya ako inangkin sa nagdaang gabi. It was extreme to the point that I was already hurting. Para siyang hindi nauubusan ng lakas at hindi pa yata titigil kung hindi ako nawalan ng malay.

"Be at my penthouse on or before six," malamig na tugon nito, at pinatay na ang tawag. Nanlalaki ang mga mata at awang ang bibig akong napatitig sa screen ng cellphone ko. Tulala akong nakatingin rito hanggang sa mamatay ang liwanag niya. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulala sa kawalan bago hinatak ng reyalidad ang isip ko. Napapitlag pa ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nahihintakutan ko itong tiningnan sa pag-aakalang si Lance na naman ang tumatawag. Ngunit nakahinga ako nang maluwag nang makita ang pangalan ni Leah sa screen. Huminga ako nang malalim at tumikhim nang bahagya bago sinagot ang tawag.

"Leah," mahinang usal ko.

"Oh? Bakit ganiyan ang boses mo? May sakit ka ba?" agad na tanong nito. Bakas ang pag-aalala sa tinig niya kaya napalunok ako. Gustong-gusto kong ipagtapat sa kaniya ang lahat pero hindi ko alam kung paano at saan mag-uumpisa. Nahihirapan na rin kasi akong kimkimin sa sarili ko ang pinagdadaanan ko ngayon. Pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko at bibigay na ang katinuan ko.

"Wala naman. Napuyat lang ako dahil tinapos ko na iyong pinakahuling requirements na isa-submit natin mamayang hapon," pagkakaila ko. Tila naiiyak na naman ako dahil parang unti-unti nang nasasanay ang dila ko sa pagsisinungaling. Hindi ko nagugustuhan ang mga pagbabago sa sarili ko dahil lang sa kailangan kong itago ang tungkol kay Lance.

Riot Men Series #21: DESIRED BY THE BILLIONAIRE HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon