Chapter 16 Captive

3.3K 60 0
                                    

Hindi nagbibiro si Lance noong sabihin niyang iuuwi niya ako sa bahay niya. Ngayon nga ay nasa biyahe kami. Nasa Laguna raw ang bahay niya na pagdadalhan sa akin. Nakakapagtakang siya pa ang nagmaneho ngayon samantalang may driver naman siya. Hindi siya umiimik at nakatuon lang ang pansin sa daan. Palihim ko siyang tinitingnan kaya kitang-kita ko ang panaka-nakang paglunok niya at ang pag-igting ng mga panga niya. Muli na naman akong nakaramdam ng takot. Bigla-bigla rin kasing kumukunot ito na tila may iniisip na hindi malalim. Napayuko ako at isiniksik ang sarili sa upuan. Mahigpit akong kumapit sa seatbealt na nakakabit sa katawan ko at tumingin sa labas. Matagal ako sa ganoong posisyon nang bumigat at talukap ng mga mata ko at ganap na nakatulog.

Nagising ako nang bahagyang umalog ang sasakyan. Humikab ako saka unti-unti idinilat ang mga mata. Bahagya ko pa itong kinusot upang maka-adjust ang paningin ko. Mataas ang tirik ng haring araw. Nang tumingin ako sa pambisig na relo ay alas tres na ng hapon.

Pumasok ang sasakyan sa isang pribadong property. Nakalagay doon sa karatula ang Restricted Area. Pinanood ko ang mga nagtatayugang mga puno na nadaraanan namin. Napakaganda at relaxing ng lugar na tinatahak ng sasakyan. Ilang minuto lang ay sumalubong na sa amin ang isang higanteng puting gate. Sa loob noon ay may guard house. Automatic iyon dahil kusang bumukas nang makalapit na ang kotse ni Lance. Bumati at yumukod sa kaniya ang mga guwardiya. Medyo malayo pa pala iyong gate bahay sa mismong bahay – hindi mansyon nga talaga. Sobrang laki at napaka-engrande! Apat na palapag ang bahay na kulay puti at ginto ang mga lining. Napakaganda nito lalo tingnan habang nasisinagan ng matinding sikat ng araw.

Hindi ko na hinintay na ipagbukas niya ako ng pinto dahil ako na mismo ang bumaba. Nakita ko ang pagkadisgusto sa mukha niya pero binalewala ko na lang. Ayokong makipagtalo pa sa kaniya dahil baka saktan na naman niya ako. Bahagyang nanginig ang buong katawan ko nang bigla niyang hawakan ang kaliwang kamay ko at banayad na hilahin papunta sa pinto ng bahay. Gusto ko sanang magprotesta pero wala rin naman akong magagawa kaya nagpatianod na lang ako. Balang araw ay makakawala rin ako sa poder niya. Pangako ko iyan sa sarili ko.

Ang mga nakalinyang katulong ang bumungad sa amin sa pagbubukas ng pintuan. Bahagya silang nakayuko ngunit palihim akong tinitingnan.

"Makinig kayong lahat. Simula ngayon ay dito na titira si Farah. Pagsilbihan ninyo siyang mabuti kung ayaw ninyong mawalan ng trabaho!" iyon lang ang sinabi niya. Sabay-sabay na sumagot ang mga ito. Pagkatapos ay isa-isa niyang ipinakilala ang mga ito sa akin. Dalawa ang hardinero at dalawa rin ang driver. Bale lima naman ang katulong na may kaniya-kaniyang trabaho sa mansyon. Tango at ngiti sa kanila lamang ang tanging tugon ko.

"Tessa, ihatid mo na ang ma'am Farah mo sa kuwarto niya. Kung may kailangan kayo naroon lamang ako sa opisina," utos nito. Nang sumagot ng opo iyong tinawag niyang Tessa ay tumalikod na ito at umalis. Hindi man lang ako tiningnan. Pake ko ba?

"Ma'am. Halina po kayo at ipakikita ko po ang magiging kuwarto ninyo," tawag-pansin nito sa akin dahil kaming dalawa na lang pala ang naiwan dito sa sala. Tumango ako at ngumiti sa kaniya.

Akala ko ay doon kami dadaan sa malaki at magarang hagdanan pero sa halip ay nagtungo kami sa ilalim nito kung saan ay naroon ang elevator. Okay fine. Mayaman siya kaya hindi na nakapagtatakang may ganito siya sa bahay. Sumunod na lang ako at hindi na nagreklamo pa. Wala rin naman akong magagawa kung sakali.

Namangha ako nang malamang nasa ikaapat na palapag pala ang magiging kuwarto ko. Dalawang silid lang ang nasa itaas.

"Kaninong kuwarto po iyang kulay brown ang pintuan?" natanong ko.

"Iyan po ang kuwarto ni sir, ma'am. Itong kuwarto po ninyo ay walang gumagamit dati. Sinabihan lang po kami ni sir Lance kahapon na linisin at ayusin dahil may titira na raw po rito sa silid na ito," magalang na sagot nito. Napatango-tango na lamang ako at tuluyan nang binuksan ang pinto. Hindi ito sumunod sa akin nang pumasok ako kaya napakunot ang noo ko.

Riot Men Series #21: DESIRED BY THE BILLIONAIRE HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon