Chapter 11 Painful Night

3.6K 63 0
                                    


Pagkatapos ng kuwentuhan at ilang tawanan ay nagpaalam na ako kay Leah dahil paparating na raw ang susundo sa akin. Mabigat ang loob kong nagpaalam sa kaniya at maging siya ay papasok na rin sa trabaho niya. Biglang nilukob ng lungkot at pait ang puso ko. Paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko kung gaano ako kababa at karuming babae dahil pumayag ako sa lahat ng kagustuhan ni Lance. Nagpatalo ako sa takot at hindi ko ipinaglaban ang karapatan ko. Ang pinakamasakit sa lahat ay nagustuhan pa ng katawan ko ang mga ginawa niya sa akin. Kusang tumutugon sa lahat ng haplos at halik niya. Mariin akong napapikit at hinayaang lumandas ang mga luhang hindi ko na mapigil pa. Bigla akong nawalan ng self-confidence at isang galit ang namuo sa dibdib ko. Sinamantala ni Lance ang kahinaan ko at dinaan ako sa pananakot at pagbabanta para makuha ang katawan ko. Kahit saang anggulo ay mali iyon at ako naman iyong tangang pumayag.

Kinahapunan ay nagngingitngit pa rin ang kalooban ko kaya lalo akong nainis nang makita ang sasakyan ni Lance. Ipapasundo nga pala niya ako gaya ng sabi niya. Tinawagan ko si mommy kanina at sinabing mag-o-overtime ako ngayon sa trabaho kaya hindi makakauwi. Nakukunsensiya na ako sa ginagawa kong pagsisinungaling sa mga magulang ko pero ito lang ang tanging paraan para masiguro ang kaligtasan ko at ang sa kanila. Hindi basta-bastang tao si Lance. At ang katotohanang kaya niyang pumatay ng tao ay sapat na para mapuno ng takot ang dibdib ko.

Bumaba ang driver nang makita ako at ipinagbukas pa ako ng pintuan. Walang imik akong sumakay at ni hindi man lang nagpasalamat. Naiinis ako sa sarili ko at sa sitwasiyon ko ngayon. Kung may magagawa lang ako ay kakawala talaga ako sa kalagayan kong ito. Iningatan ko ang sarili ko mula pagkabata tapos magiging parausan lang pala ako ng isang kriminal.

Dahil magulo ang isip ko at nagpupuyos sa galit ang dibdib ko ay hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa penthouse. Kung hindi pa ako kinausap ng driver ay hindi ko pa malalamang kailangan ko na pa lang bumaba. Halos padarag kong binuksan ang pinto at bumaba. Hindi na rin ako nag-abalang isara at bahala na lang iyong driver doon.

Dire-diretso ako sa elevator at pinindot ang top floor. Sinilip ko ang GC ng klase namin habang naghihintay. Wala namang bagong announcement maliban doon sa pagpapasa noong final output bago mag-end and semester. Pinatay ko ang mobile data at pinatay ang screen ng cellphone ko. Eksakto namang narating ko ang top floor at lumabas na ng elevator.

Huminga ako nang malalim bago tuluyang kumatok. Mabilis lang ding bumukas iyon. Gayun na lamang ang pagkabigla ko nang hatakin ako ni Lance at isandal sa pader pagkasara ng pintuan. Hindi agad ako nakagalaw sa pagkagulat at nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong siilin ng halik. Ang malalaking palad niya ay nasa magkabilang gilid ng ulo ko at patuloy siya sa pagsibasib sa mga labi ko. Madiin at tila uhaw na uhaw ang mga halik niya. Maliban sa paghalik-halik niya ay ang pagpupumilit ng dila niyang makapasok sa bibig ko. Nang idiin niya ang ibabang bahagi ng katawan niya sa sentro ng pagkababae ko ay napanganga ako. Doon ay tagumpay na nakapasok ang dila niya at agresibong ginalugad ang dila ko at ang loob ng bibig ko. Halos itulak ko na siya sa pagmamakaawa dahil hindi na ako makahinga. Laging ganito siya humalik. Iyong halos higupin na niya ang buong bibig ko at ubusin ang lahat ng hangin sa katawan ko.

"L-Lance.. hmmp.. h-hindi ako m-makahinga," hirap na hirap na angal ko at tuluyan na siyang itinulak palayo. Hingal-kabayo ako nang pakawalan niya ang mga labi ko. Ni hindi ko namalayang nabitiwan ko na pala ang hawak kong bag at cellphone kanina.

Mabilisan niya akong hinubaran habang pinanggigilan ang leeg ko at panga. Nang mahantad sa kaniya ang kahubdan ko ay kinulong ng mainit niyang mga palad ang dalawang dibdib ko. Pigilin ko man ay bigo ako dahil nakalabas na ang ungol mula sa mga labi ko. Pagdapo ng mga palad niya roon at banayad na pumisil ay tila kinukuryente ang buong katawan ko. Mabilis na gumapang ang init pababa sa pagitan ng mga hita ko. Kahit pilitin ko mang itanggi ay mismong katawan ko ang nagkakanulo sa akin.

Riot Men Series #21: DESIRED BY THE BILLIONAIRE HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon