Kilig na kilig ang kapatid ko at maging ang mga kaklse niya ay nagtitilian nang tanggapin niya ang mga regalong iniabot sa kaniya ni Lance. Lumapit din sa kinaroroonan nila si mommy habang tulak-tulak niya ang wheelchair ni daddy. Malapad ang ngiting bumaling si Lance sa mga magulang ko. Magkakasama silang kumain sa iisang lamesa. Pero maya't maya ay bumabaling si Lance sa amin at tumititig sa akin. Ilang beses ding palihim niyang tinitingnan nang masama si Terrence. Kaya napuno na naman ng kaba ang dibdib ko.
"Farah, saan ka pupunta?" habol na tanong sa akin ni Terrence. Paalis na kasi kami ni Lance dahil tapos na ang party. Bago pa man ako makasagot ay nasa harapan ko na si Lance. Wala na akong ibang makita kundi ang malapad niyang likod.
"Wala kang pakialam! Sino ka para magtanong ng ganiyan?" Nagsimula nang manginig ang buong katawan ko sa kaba. Wala nang mga bisita at ang mga magulang ko, pati ang kapatid ko ay nasa loob na ng bahay. Nakapagpaalam na rin ako sa kanila. Buong akala ko nga rin ay nakauwi na si Terrence. Kaya nagulat akong makita na narito pa pala siya.
"What about you? Who are you to even butt in?" pagalit na angil ni Terrence. Halos lumuwa na ang mga mata ko nang makita ang pagkuyom ng kamao ni Lance. Lalong sumiklab ang takot sa dibdib ko nang tumaas ang kamay na iyon kaya mabilis akong pumunta sa harap niya.
"Ah, Terrence, siya nga pala salamat ulit sa pagpunta dito ngayon, ha? Wala akong pupuntahan, ihahatid ko lang itong si sir Lance doon sa sasakyan niya at para na rin magpasalamat sa mga surprises niya para sa kapatid ko,"alanganing sabad ko. Ang matalim na tingin niya kay Lance ay napalitan nang maamo noong bumaling siya sa akin.
"Alright. I will wait for you here. I have an important matter to tell you," determinadong sagot ni Terrence kaya nabigla ako. Wala sa sariling napalingon ako kay Lance na ngayon ay madilim na ang anyo.
"Let's go, Farah," he urged me and walked to his car. Ni hindi na niya ako hinintay na sumagot o nilingon man lang.
"What's happening?" nagtatakang tanong ni Terrence. Pero ngayon pa lang ay naiiyak na ako sa takot. Kaya imbes na sagutin pa si Terrence ay tumalikod na ako at lumakad patungo sa kinaroroonan ng sasakyan ni Lance. Nakabukas na ang pintuan kaya diretso na akong pumasok at hindi na pinansin ang mga pagtawag ni Terrence sa pangalan ko.
Buong biyahe ay hirap na hirap akong huminga dahil sa kaba. Sasaktan na naman ba niya ako? Tahimik lang din siya at madilim ang mukhang nakatitig sa daan. Kahit ngang mismong ang winshield ay tinataliman niya ng tingin. Napalunok ako at ibinaling ang mukha sa labas.
Narating namin ang bahay niya na halos hindi humupa ang pagdagundong ng dibdib ko at ang pangangatog ng mga tuhod ko. Para akong maiihi na ewan.
Nang iparada niya ang sasakyan ay agad siyang bumaba at dumiretso na sa loob ng bahay. Ni hindi man lang ako nilingon o hinintay makababa. Unti-unti akong lumabas ng sasakyan at sumunod na rin sa kaniya. Binilisan ko ang paglakad dahil baka lalo pa itong magalit kung sakaling babagal-bagal ako.
Nang marating namin ang pinto ng kuwarto ko ay hinila niya ako papasok sa kuwarto niya.
"L-Lance... p-please d-don't hurt m-me..." halos magmakaawa na ako dahil sa matinding takot. Pabalya niyang isinara at ni-lock ang pintuan saka ako isinandal sa pader. Tuloy-tuloy nang bumuhos ang mga luha ko at kumawala ang mga hikbi ko.
"Sino ang lalaking iyon at parang ayaw ka niyang tigilan? Boyfriend mo ba iyon?" galit niyang tanong. Itinukod niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng mukha ko.
"Hindi ko siya boyfriend. W-wala akong b-boyfriend. A-alam mo naman iyon 'di ba?" tugon ko habang patuloy ang pag-iyak. Hindi agad siya sumagot bagkus ay tinitigan lang ako. Iyong titig na tatagos hanggang sa kaluluwa ko. Dumiretso siya ng tayo kaya medyo nakahinga ako nang maluwag. Ngunit hindi nagbago ang mga titig niya.
BINABASA MO ANG
Riot Men Series #21: DESIRED BY THE BILLIONAIRE HEIR
RomanceWARNING!!! Mature Content /SPG/ R18+ Nagimbal si Farah Jimenez nang masaksihan niya kung paano patayin ang isang 'di kilalang babae. Ang lalaking nagpapatay dito ay walang iba kung hindi si Lance Dominguez, isang napakayaman at maimpluwensiyang busi...