1

53 5 38
                                    

"Santi..."

Napatulala lang ako sa kawalan nang lingunin siya. Hindi ko alam bakit bigla na lang ako nagdaramdam sa sitwasyon ko. Alam ko namang mahirap abutin ang kalibre ng mga mayayaman pero kailangan ko bang pakisamahan sila para lang makaranas nang marangyang buhay?

Isa pa, yung titig ng lalaki kanina ay nakakalula. Bigla na lang akong nanghina na para bang hinihigop niya lahat ng enerhiya ko.

I didn't notice that Santi's followed me all the way here.

Nakatulala lang ako sa kanya sa puntong hindi ko na namalayan na nakalapit siya sa akin.

He cocked his head to the side as a ghost of a smile made its way on his lips.

"Uwi na tayo." Muntik na akong mawalan nang balanse dahil sa pagsabit ng braso niya sa balikat ko.

I snapped out from my thoughts when he did that. Thanks, I guess?

Dahil sobrang bigat ng kanyang braso, hinampas ko ang dibdib ni Santi sa kanyang ginawa.

"Ambigat-bigat ng braso mo! Kawawa ako palagi sa'yo e!"

Humalakhak si Santi sa sinabi ko. Nagsimula na kaming maglakad at patuloy na naman akong inaasar nitong lalaking 'to.

"Mabigat ang braso ko kasi puro muscles yan!" He flexed his biceps in front of me.

Inirapan ko lang siya at nilagpasan.

May muscles naman talaga si Santi pero mas malaki pa rin ang yabang niya!

"Bilisan mo d'yan at naghihintay na si Papa!"

"Opo, Madame! Si Madame talaga, ang sungit."
He pinched my cheeks while making cute noises.

My brows twitched at what he did.

"Hindi ako masungit! Sadyang iniinit mo lang ulo ko!"

"E'di puwede na tayong magprito ng itlog diyan sa noo mo?" He innocently thought out loud.

Aatakihin ko na sana siya ng sakal sa leeg nang yumuko siya para tanggalin ang pagkakapulupot ng tali ng kabayo sa puno.

Dahil hindi ko nagawa ang gustong gawin sa kanya, I directed my hand to him and imagined him being squeezed in. Nakita ni Santi ang ginagawa ko.

Hinawakan niya lang ang kamay ko at nangingiting umiling. Hinila niya ako sa tabi ng kabayo. He let go of my hand so he can climb up before reaching out his hands to me after he mounted.

Inirapan ko muna siya (kahit hindi niya kita dahil madilim na) bago ako sumakay.

Mabilis akong nakauwi dahil kay Santi. Hindi naman nagtaka si Papa kung ginabi ako dahil may mga pagkakataon na lagpas alas-otso na ako nakakauwi dahil walang masakyan. Isa pa, sobrang lawak ng hacienda Crescenciano at nagkataon na sa dulo pa ng lupain nila nakatayo ang bahay namin.

It's already seven in the evening and I saw Papa and Mori eating together.

Sinusubuan ni Papa si Mori habang ang kapatid ko'y nanonood lang ng cartoons sa cellphone na niregalo ni Santi sa kanyang kaarawan. Napangiti ako sa payapang pamilya namin.

"Mama!" Sigaw ni Mori pagkapasok ko ng bahay. She pointed at me and went to me in a heartbeat for a hug.

I chuckled at my sister's loving character and hugged her back. Hindi ko nga lang maiwasang mapadpad ang utak ko sa sinabi ni Mori.

"How's your play with Papa?"

Hinila ko si Mori para makaupo na.

"Papa! King! Me, Princess! Pretty!" She twirled around as if she has a gown on.

As the Sun Burns the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon