3

35 5 8
                                    

"Katulong?" Lumingon sa akin si Papa habang siya'y nagkukumpuni ng sirang electricfan nang sabihin ko ang pagkakatanggap ko sa trabaho.

Tumango ako kay Papa upang kumpirmahin na tama ang narinig niya.

"Malapit na pasukan mo, Aece. Hindi ka ba mahihirapan? Graduating ka pa man din."

Umiling ako kay Papa. "Hindi naman po. At saka thesis two na lang po kami this year. Hindi na rin po mabigat ang units ko this first sem."

Pagod na ngumiti sa akin si Papa bago tumango.

"Basta mag-iingat ka."

Lumapit ako kay Papa para gawaran siya ng halik sa pisngi. "Thanks, Pa!"

I was really excited that night. Bukas na ako magsisimula at may one week pa akong sanayin ang sarili sa galaw ng mga Oliveira.

Kanina, bago kami umuwi ni Claire ay kinausap ako ni Madame Felicidad.

"Dahil estudyante ka pa, tuwing sabado at linggo ang shift mo. Sabi no naman na wala kang klase ng mga araw na 'yon, 'di ba?"

"Opo." Tugon ko.

"Bukas na ang simula mo tulad ng sabi ni Sir Helios. Kapag may pasok ka na, saka lang masusunod ang weekend shift mo. At ito nga pala."

Kinuha ni Madame Felicidad ang isang brown envelope na nakalagay sa lamesa. Nilabas niya ang nilalaman nito na long bond paper at ipinakita sa akin.

"Meron kang five-month contract. Ang suweldo kada buwan ay twenty five thousand-"

"Twenty five thousand?!" Nasamid ako sa sariling laway nang banggitin niya ang magiging suweldo ko.

"Oo. Bakit? May angal ka?"

Umiling ako. "Hindi po iyon ang ibig sabihin ko. Nagulat lang po ako at malaki-laki ang bigayan dito."

Pumasok na ako bilang katulong sa Mansion ng mga Crescenciano at ang suweldo ko doon kada buwan ay ten thousand. Kung tutuusin, malaki-laki na 'yon pero kakaiba ang offer ng mga Oliveira.

"Basahin mo ng maigi iyang kontrata at bukas mo na yan ipasa sa akin. Huwag kang late bukas ah?" She threatened me.

Tumango-tango ako sa kanyang sinabi. "Opo. Maraming salamat po!"

Lumabas na ako ng bahay at nakitang nasa harap ng dagat ang kaibigan. Tinawag ko si Claire.

"Anong balita?" She was as excited as me when I showed her the contract.

"Pumunta lang ako sa bahay niyo at nagkatrabaho na agad ako!"

Claire let out a hearty laught. "S'yempre ako ang lucky charm mo."

Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa aking labi habang nakatingin sa kontrata ko.

That's twenty five thousand a month! Marami na akong mabibili doon! I can save up for my thesis and for my upcoming jub hunting after I graduate. It sounds surreal to me.

"Pero hindi ka ba kinakabahan?"

"Hmm?" Masaya akong nag-angat ng tingin kay Claire.

"Sinabihan kang tanga ng amo mo. Makikita mo siya lagi dahil nasa iisang bahay lang kayo. Hindi ka ba natatakot sa mga sasabihin niya sa'yo?"

My smile faded at the mention of the bizarre encounter earlier with Helios.

He's such a pain in the ass. I can't believe he is a devil behind that godly face. Para bang kapag may ginawa kang mali, huhusgahan na ang buong pagkatao mo.

Palaisipan pa rin ang biglang pagtanggap niya sa akin. He was the one who said to hire me! Magba-back out na sana ako at puwede naman akong magpatuloy sa paglalako o pumasok bilang katulong ng mga Crescenciano pero hindi ako makatanggi lalo na nang malaman ko kung gaano kalaki ang pasuweldo nila.

As the Sun Burns the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon