7

16 3 0
                                    

Nakatulala akong nakatingin sa mahabang bukirin ng Hacienda Crescenciano. Hindi pa nagbubukang liwayway ay gising na ang diwa ko. I took a sip from my cup of coffee before heaving a heavy sigh.

Paggising ko kanina, sariwa pa rin sa akin ang napanaginipan ko. I don't know why I have these weird dreams. Matagal na akong nagkakaroon ng ganitong panaginip, and it's always the same man. Is he my soulmate? Why is he constantly bugging my dreams? If so, patay na ba siya?

I read an article online na kapag lagi mong napapanaginipan ang isang taong hindi mo naman kilala at lagi kayong magkasama sa panaginip, ibig sabihin noon ay sila ang namayapa niyong soulmate.

Kaya napapatulala na lang ako sa kawalan. My heart aches for it. Isipin ko lang na baka patay na ang soulmate ko ay nakakapanlumo. I don't know what to do. Hindi ko alam na magdaramdam ako ng ganito dahil sa panaginip.

Nonetheless, it feels magical to be with him.

Ganoon ba 'yon? Kapag kasama mo ang taong mahal mo, imbis na makaramdam ng mga sinasabi nilang 'paru-paro sa tiyan', ang mararamdaman mo'y kaginhawaan? To begin with, hindi ko naman alam ano ba ang pakiramdam na magkaroon ng ka-relasyon. Claire would often say na nakakakilig. Tipong nagsasandok ka lang ng kanin, mapapangiti ka na.

I want to experience that kind of love. The kind of love that would take your breath away.

Hindi ko namalayan ang sarili ko na nakangiti. Nagulat na lang ako nang may tumambad sa harap ko na kumakaway na kamay.

Inangat ko ang aking mga mata para tignan ang nakangiting mukha ni Santi. My face relaxed at the sight of him.

"Good Morning, sleeping beauty! Kanina ka pa nakangiti diyan. Mukhang maganda ang gising natin, ah?" Umupo siya sa tabi ko at nag-unat ng braso.

Napanguso ako sa sinabi ni Santi dahil tama siya.

"Malalim ang tulog ko kaya kuntento ako sa paggising." It's true. Hindi naman ako mananaginip kung hindi malalim ang tulog ko.

"Oh, really? Or are you daydreaming again?"

I gave him a side-eye. Napansin niya iyon. He even wiggled his brows to tease me more.

"Biro lang. Ito naman." He lightly giggled. "May ibibigay nga pala ako." Dagdag niya.

Ipinatong ni Santi ang isang bayong sa lamesa at nilabas ang mga nilalaman. May nilabas siyang tig-i-isang dosenang patatas, carrots, talong, at pipino. Meron din doong kamatis, ampalaya, bawang, sibuyas, kalabasa, at mga samu't saring mga gulay. Mayroon din doong mga prutas tulad ng mango, dalandan, orange, apple, at sapodilla.

"Andami naman!"

I checked the condition of the vegetables and they all look good! Some are already ripe and ready to be used, and some are unripe for stock.

"Thank you!" I tiptoed so I could reach his neck and gave him a hug.

Santiago chuckled under his breath as he returned my hug by wrapping his arms on my waist.

Agad akong humiwalay sa pagkakayakap at binaling ang buong atensyon sa mga gulay. Isinilid ko ang lahat ng iyon sa loob ng bayong.

"Sayang at wala na si Papa. Maaga siyang umalis. Sasabihin ko na hindi na namin kailangang mamili ng gulay dahil nagbigay ka!" Maligaya kong sambit nang pumasok ako sa bahay.

Iniwan ko si Santi sa labas para ayusin ang mga gulay. Isinalansang ko ng ayos sa vegetable basket namin ang mga gulay at sa fruit basket naman ang mga prutas.

Dahil abala akong nag-aayos, hindi ko namalayan na pumasok na pala si Santi sa loob ng kusina.

Namataan ko ang pulang mansanas at naalala ko ang aking kapatid. Hindi ko tuloy maiwasang ikuwento kay Santi ang tungkol doon.

As the Sun Burns the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon