8

17 2 0
                                    

The past few days, nag-asikaso kami ng mga kliyente niya at nag-a-account ng mga resibo. May iilan din siyang ginagawa na related sa company nila. I would often see Helios with a serious face. Pagkatapos namin sa aming agenda, siya ang nagluluto para sa aming tanghalian at hapunan.

Friday morning, while working, we were interrupted by Madame Felicidad.

"Magandang umaga po, Senyorito. Tumawag po sa akin ang president ng HSU at ipinapaalam kung kailan po niyo balak mag-enroll? Sa lunes na po ang start ng klase."

I glanced at Helios, waiting for his answer. Oo nga pala at lunes na ang pasukan. Last month ko pa inayos ang enrollment ko dahil alam kong magagahol at baka hindi pa ako asikasuhin agad ng registrar kapag nagpahuli ako. Now that Madame Felicidad mentioned this, dapat na ngang mag enroll si Helios at may pagka-terror ang registrar ng college of Economics, Management, and Developmental Studies.

"Bukas ba ang offices ngayong friday?"

Nasa akin nakatingin si Helios. Pinaparating na ako ang tinatanong niya. Nag-lag nang kaunti ang utak ko dahil sa biglaan niyang tanong.

"Weekend lang walang office. Hanggang alas-tres lang din ang office."

Tumango siya bago hinarap si Madame Felicidad. "Pakisabi kay Manong pakihanda yung sasakyan. Pupunta kami ni Aece sa school." deklara niya.

Nagulat ako sa sagot niya. Kasama ako? Kung sabagay. Personal maid niya naman ako. Trabaho kong alalayan siya at samahan sa kung saan man niya gustong pumunta.

"Anong oras tayo aalis?" Tanong ko.

"After we finish this client, then we'll go."

"Okay."

Napatingin ako sa aking kasuotan. I am wearing a white plain shirt and pants. Ni hindi ko inisip ang susuotin ko ngayon dahil sa nagdaang mga araw, wala kaming ginawa kundi mag-ayos ng resibo at mag-account.

Kung alam ko lang na pupunta kaming school, nag-suot sana ako ng crop top at maayos na pantalon. I look like a factory worker. Kulang na lang ay naka-puyod ang buhok ko.

Nasanay lang ako na kapag nasa school, kailangan kong pumorma. Kalahati ng populasyon ng school namin ay mayaman o mga nasa upper middle class kaya ako ang nahihiya sa hitsura ko. I tried my best to look presentable kahit sa ukay ko lang nabili ang lahat.

After thirty minutes, naghanda na kami sa paglisan namin. Malapit lang naman ang school sa bayan. Kayang lakarin. Pero ang kasama ko'y hindi naman ordinaryong tao katulad ko, kailangang sumakay ng sasakyan. I bet Helios does not even know how to commute.

Naghintay ako kay Helios sa living room dahil magbibihis lang daw siya. Hindi ko tuloy maiwasang tignan ang sarili ko sa full-body mirror. I tied my loose curls into a high ponytail. I left some strands in front untied. I also tucked my white shirt to add some style.

I traced my nose and cheeks where my freckles are on display.

People find me attractive. Nagmana raw ako kay Mama kahit hindi pa naman nila nakikita ang aking ina. Dahil lang hindi ko kamukha si Papa ay mag-a-assume na silang magkamukha kami? I don't even want to associate myself with her.

"Freckles are normal."

Mabilis akong lumingon nang marinig ang malamyos na boses ni Helios. I was slightly startled at his new look. His hair is a bit long and wavy. Sa bawat hampas ng pinong hangin, tila sumasayaw ang mga iyon. I noticed the silver cross necklase he's wearing. Ngayon niya lang ata naisuot. I've never seen someone look so handsome and hot sporting a black polo shirt, khaki pants, and black loafers.

As the Sun Burns the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon