2

33 5 0
                                    

Kauuwi lang ni Papa galing sa handaan para sa kaarawan ni Signora Wilhemina nang makita ang sitwasyon namin ni Mori.

Tulog na ang kapatid ko kaya ngayon ay mapayapa akong nagkakape sa may lamesa namin sa labas, nakatulala sa payapang gabi.

I heard Papa's footsteps coming towards where I was seated. Laking gulat ko nang maglapag siya ng three hundred and twenty pesos sa may lamesa.

I met Papa's gaze with a confused look.

"Huwag ka munang maglako bukas. Gumala ka. Iiwan ko muna si Mori kay Nanay Lucia habang nasa trabaho ako."

Sumisimsim lang ako sa mug ng kape ko habang pinag-aaralan ang maamong mukha ni Papa. His forehead has creases already and the side of his eyes has small wrinkles. Ngumiti ako kay Papa at umiling.

"Saan naman po ako pupunta? Dagdag gastusin lang."

Huminga nang malalim si Papa bago naupo sa malapit na silya, tinanaw ang hacienda. I saw him clenching his jaw.

"Pasensya na anak at ganito lang ang kaya ni Papa. Andami mo nang kinukuhang trabaho tapos inaalagaan mo pa si Amora."

Tinitigan ko lang si Papa na parang wala lang sa akin ang lahat ng ginagawa ko para sa pamilya namin. Deep down, I don't want Papa to feel guilty.

"Ano ka ba naman, Pa? Hindi naman ako maarte pagdating sa responsibilidad. Oo, nakakainis alagaan si Mori pero hanggang doon lang 'yon." Gusto ko pa sanang dagdagan pero bigla akong nahiya.

He then looked at me and raised his hands, telling me to come near him. I did what he wants me to do. Nilapit ko ang silya sa kanya. Nang makaupo, sumandal ako sa balikat ni Papa.

May kadiliman pa sa bandang dagat dahil ang sikat ng araw ay nasa bandang bulubundukin. I indulge the feeling of being close to Papa. Siya na lang kasi ang mayroon ako. Aside from Santi who is really supportive, ibang pagkakayod ang ginagawa ni Papa para sa amin ni Mori. Nakakatampo man na si Amora ang pinagbibigyan pero lagi kong pinapaalala sa sarili na may kapansanan ang kapatid.

That doesn't make him less a person and as a single parent. Ni wala nga siyang babaeng inuuwi o ipinapakilala. He's free to love but he wants to focus on us. His sacrifices are enough for me.

"Wala na akong balitang naririnig sa Mama mo." He said out of the blue.

Napaahon ako sa sinabi niya. I pouted at him, nagtatampo na bakit pa niya kailangang hanapin si Mama e halata namang iniwan na niya kami?

"Pa! Hayaan mo na siya! Ano naman ang magiging ambag no'n sa atin kundi sakit?"

Dumaan ang sakit sa mata ni Papa dahil tama ako. Noong baby pa lang ako, si Papa lang ang nag-alaga sa akin dahil laging busy yung isa. Ang ambag lang ni Mama ay breastfeed. Ganoon din kay Amora. Lalo na kay Amora. She was disgusted after finding out that Mori has Autism.

That pained look that Papa is projecting, I know that what I said had hurt him. Alam ko, Pa. Mahal mo pa si Mama kahit maldita siya. Kahit ipinagpalit ka sa ibang lalaki.

Naupo muli ako at yinakap si Papa nang patagilid. I mourn for my father's heartache. When he thought, felt, and affirmed himself that Mama is his one and only love but in the end he wasn't the one Mama truly loves, is the most painful betrayal in my opinion.

Kaya sa mga nababasa o napapanood kong pelikula, ayaw na ayaw ko ng may cheating. Okay nang salaula ang lalaki basta huwag lang manloloko. There's a reason why treachery is in the ninth circle of hell—the last layer of hell—for betrayal is the heaviest sin to ever commit.

"We'll be fine, Papa. We love you." I said.

Inakbayan ako ni Papa at hinagod ang buhok ko. He planted a kiss on top of my head.

As the Sun Burns the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon