To: Joao
tol, 'di ako sa school dederetso ha? Sa bahay n'yo nalang tutal malapit lang naman kayo sa school.From: Joao
gago ka talagaTo: Joao
OTW na
First day ng pasukan namin and Grade 7 na kami. Late ako dahil pumunta nga ako sa bahay nila Joao para sabay kami pumasok tutal naman e magkaklase kami. Kasabay rin namin pumasok si Tobe.
"Sorry Ma'am late po kami, traffic po kasi" pagsisinungaling ko
"Upo!" masungit na sagot ng aming guro
St.Claire ang section namin at yung iba doon ay kilala ko na, pero maraming bago, mga transfer.
"okay class introduce yourself, unahin natin ang mga na sa likod." sabi ni Ma'am
"Hi my name is Donny 13 years old turning 14 this year, nice to meet you all" pagpapakilala ko
May sasabihin pa sana ako no'n kaso may umagaw sa atensyon ko...
Ilan pa ang nagpakilala at mga na sa harapan na ang magsasalita
"Hi my name is Lorde 12 yrs old turning 13 this year" sabi ng isang lalaki. Lalaki na katabi at kausap ng babaeng umagaw sa atensyon ko kanina.
"hello guys! My name is Belle 12 yrs old, nice to meet you all" sabi ni Ms. Crush ko
So Belle pala name nya? Belle Mariano. Soon to be Belle Pangilinan?
So 'yon nakatitig lang ako sa kaniya. Ang ganda ng ngiti n'ya tas super natural n'ya. Shet first crush sa Junior High School.
Recess na at nagtaka ako dahil biglang tumayo si Tobe at tumapat sa kinauupuan ni Belle.
"Hello?" curious na tanong ni Belle kay Tobe
"Di'ba ikaw 'yon? Kaklase kita dati, nung kinder tapos malapit lang din bahay n'yo sa'min." sabi ni Tobe
"Ha? 'Di ko matandaan e, tignan ko nalang sa class picture mamaya" nakangiting sabi ni Belle
"Basta ikaw yun!" sigaw ni Tobe
Lumabas na kami para bumili ng pagkain. Nakita ko si Belle na may dalang baon sandwich ata iyon? Seriously? May dala syang baon? Pero ayon nakita ko syang bumili ng Magnolia na lemon.
After ng recess syempre balik room kami. Habang nagkaklase kami may biglang nagtaas ng kamay.
"Ma'am, may I go out?" sabi ni belle
"yes you may" sabi ni maam
Nakita ko s'yang nagmamadaling tumakbo halatang nagmamadali. Pero bakit sa malayo pa s'ya nag-cr? Meron namang malapit sa room namin. Well, 'di na rin ako magtataka bago lang naman s'ya dito sa school. Not like me na since grade 3 dito na nagaral.
Uwian na at nakita kong iniintay pa ni Lorde si Belle na matapos mag ayos ng gamit. Ano 'to jowa? Bakit may antayan na nagaganap?
Yes, uwian na at umuulan. Inaantay ko ate ko dahil sabay kaming uuwi. Yes, same school kami s'ya si ate Jherelyn.
Nakita kong lumabas na sa room si Lorde at Belle. Hinawakan ni Lorde yung bewang ni Belle para magkasya sila sa isang payong.
Nagseselos na ko :(
Kinabukasan..
WTF SABAY NA NAMAN SILANG PUMASOK?!!!! TANGINAAA NADUDUROG NA PUSO KO.
Weeks go by and hindi na gano'n ka close si Lorde and Belle. Naging mag best friends si Kaori at Belle like super close, laging magkasama, magkatabi, sabay kumain, basta ganon. Anyways, best friend ko kasi si Kaori. And kung titignan si Lorde and Belle mukang mag friends naman talaga sila. Oa lang talaga ako.
Naging close din si Kaori and Lorde, bagay sila. And ako naman ay pilit na nakikipag close kay Belle, akala ko introvert s'ya, extrovert pala.
"okay class, tatawagin ko apilyido n'yo and sumagot lang kayo kung merong libro o wala ah" sabi ng science teacher namin
"Villanueva?" sabi ni maam
"wala po" sabi ni belle
"Santos?" sabi ni maam
"merns po" sabi ko
"the heck! Merns? Gen z?" sabi ni Belle habang inaayos yung gamit n'ya.
"oo bakit? Cute nga e."sagot ko
Agad-agad na lumabas sa room si Belle dahil iniintay s'ya ng kuya n'ya
"simula ngayon merns na tawag ko sayo! " sigaw n'ya na may halong tawa
"cute" pabulong na sabi ko
"naiinlove ka na sa best friend ko?" bulong ni Lorde sa tenga ko.
"mejo" I smirked
Lumabas na rin ako sa room and lumabas na rin ako sa school ayaw mawala sa isip ko yung tawa n'ya. Pota nakakainlove.
Nakita kong bumibili si Belle ng bracelet sa labas ng school, yung hand made bracelet.
"gusto mo?" tanong ni Belle nung tumabi ako sa kanya
"ha?" nagulat na sabi ko
"ate isa nga po nito, yung color black po" sabi n'ya sa nagtitinda
"ha? 'wag na" sabi ko
Kinuha n'ya ang kamay ko at sinuot ang bracelet sa aking palapulsuhan.
"tignan mo bagay sayo!"nakangiti n'yang sabi."uwi na ko, bye! "
PUTA UUWI ATA AKONG KINIKILIG HA.
YOU ARE READING
The you
Teen FictionThis story is inspired on true story. The writer use other names to cover the identity of the characters. Donny, the famous man because of his physical appearance. Belle, the famous girl because of her intelligence Disclaimer: The name Belle Marian...