Me: Good Morning!
Belle: hello
Kahit tapos na kami nag g-good morning pa rin ako, pero s'ya hindi na. Alam kong iniiwasan n'ya ako.
Joao: bball, kila Lorde ulit
Belle: 'di ako maglalaro pero sasama ako
Me: G
Lorde: bahay na naman namin.
Nakamotor akong pumunta sa bahay nila Lorde kasama ko rin yung pinsan ko na si Angelo. Pagdating namin naglaro din kami agad. Pagtapos namin maglaro tumambay muna kami sa bahay nila Lorde.
Pagdating namin sa bahay nila Lorde nakita kong nagchat bigla si Kaori
Kaori: San ka? Sunduin mo ko dito sa kanto nila Lorde, tagal ni Belle e.
Me: pasundo na lang kita kila Joao
Kaori: Ge lang
Pagdating ni Kaori sa bahay nila Lorde lumabas ako saglit para balikan yung damit ko na naiwan ko sa court.
Pagbalik ko sa bahay ang tahimik nila.
Bakit? Andiyan na ba si Belle? Kaya ko bang makita s'ya?
"oh!" napasigaw si Belle nung nakita ako.
Bumalik si Belle sa loob at nagact na parang busy.
"akala niya wala ka" bulong sa'kin ni Kaori
"ha?" curious kong tanong
"sabi ko kasi umalis ka na" sagot n'ya
"hindi naman ako umalis ah" sagot ko
"akala ko nga umalis ka na, kaya sinabi ko kay Belle wala ka. Sabi pa n'ya pag nandito ka hindi na lang siya tutuloy" pagpapaliwanag ni Kaori
Talagang iniiwasan ako ah. Kausapin ko kaya?
Maya maya lang nag-aya na sila Lorde para kumain.
"Belle ikaw, hindi ka kakain?" tanong ni Lorde
"Busog ako" maikling sagot niya
"kumain ka na" sabi ko
"busog nga ako! Kakatapos ko lang kumain" sagot niya halatang naiinis sa akin
Tumabi ako sa kan'ya para doon na lang kumain.
"Hindi ka nagchachat sa'kin ah?" tanong ko sa kan'ya
"nagchachat naman ako ah" sagot niya pero hindi nakatingin sa'kin
"hindi ka na rin nag gogood moring" pagpapatuloy ko. Tumahimik sila Lorde at halatang nakikinig sa'min ni Belle.
"eh bakit... Kailangan ba? Bakit ba?!" tinaasan niya ako ng boses, halatang inis sa'kin
Tumahimik na lang ako at tinapos ko ang pagkain ko. Tumahimik din sila Lorde halatang 'di nagustuhan yung pinag usapan namin ni Belle.
Hindi na kami nagtagal sa bahay nila Lorde kaya napagdesisyonan na naming umuwi.
"alcohol" sabi ko kay Belle
Inabot n'ya sa akin yung alcohol.
"Namiss kita love" naluluhang sabi ko
"e? Talaga ba?" sagot niya
Iwas na iwas si Belle ah. Di mo ba ko miss? Kahit 5% lang oh! Kahit 1%
Di ko na natiis, lumapit ako kay Belle at niyakap ko s'ya. Wala siyang reaksyon pero 'di niya pinigilan ang pagyakap ko.
"miss na talaga kita? Kahit ichat mo lang ako, kahit reply lang Belle goods na ako" umiiyak na sabi ko
"sige" nginitian niya ako at niyakap pabalik.
Pagkauwi ko chinat ko s'ya agad at nagreply naman siya. Sobrang saya ko kahit na simpleng "hi" or "bakit?" lang mga replies niya.
Tuloy tuloy lang 'yon at naging close ulit kami. May nararamdaman pa rin ako sa kan'ya, pero s'ya kaya? May gusto pa rin kaya siya sa akin?
Ilang araw ang lumipas at nag-aya si Belle at Kaori na tumambay sa bahay nila Lorde.
Basta kasama siya g agad ako!
7am pa lang pumunta na ako sa bahay nila Lorde. 8am naman dumating si Kaori at Belle."hello" bungad ni Belle
"Hindi ka na nagbabasket ball nagtatampo na kami sayo" ngumuso si Joao
"busy ako, nagaaral ako mag drive ng kotse. Kumuha na rin ako ng student license e" paliwanag ni Belle
"bakit?" tanong ko
"sabi kasi ni mama kailangan ko daw 'yon para pag wala na daw sila 'di ko na daw need ng driver, and weird nga ni mama" sagot ni Belle
"marunong ka na?" tanong ni Lorde habang nagluluto
"oo kaya na" sagot ni belle
Maya-maya lang kumain na kami tapos naghugas ng plato si Belle."Ay puta masipag!" sigaw ni Joao
"masipag din ako manapak, try ko sayo?" pambabara ni belle
"kaya ba?" pangungulit ni Joao
"tangina tumigil ka! Inaantok ako!" sigaw ni Belle
Pagtapos n'ya maghugas tumabi siya sa akin. Hiniram ko ang cellphone niya para manood sa Tiktok.
May naramdaman akong may yumakap sa braso ko, si Belle. Nakatulog na."sarap naman ng tulog mo" bulong ko
Isinandal ko ang ulo n'ya sa balikat ko at hinawakan ko ang hita niya at pinatong ko sa hita ko. Ang sarap talaga ng tulog niya."Lorde, pakuha ng phone ko" utos ko kay Lorde. Binigay ni Lorde yung phone ko at pinicturan ko si Belle habang tulog. Sinet ko yon para maging wallpaper ko.
Mga dalawang oras din ata siyang tulog. Nang maramdaman kong kumawala na siya sa'kin
"hello" kinuskusot niya pa yung mata niya na parang bata
"nakakangalay ang bigat mo" reklamo ko
"hala sorry, antok na antok na talaga ako" sagot niya
"joke lang, kamusta tulog?" tanong ko
"masarap, ang sarap kasi ng katabi ko ah este ang lambot mo kasi" sagot n'ya habang tumatawa
"masarap naman talaga ako duh" I rolled my eyes
Pagkagising niya nilalaro ko pa rin yung cp n'ya. Tapos no'n nagaya na silang umuwi.
"pst!"tawag ko kay Belle
"bakit?" tanong n'ya
"kiss ko" nagsad face pa ko sa harap niya
"magbalikan na tayo please" nagpacute pa 'ko
"okay" tumingkayad siya at hinalikan ako sa pisnge.
Ramdam kong namula ang pisngi ko.
FUCK! SHET! HINALIKAN AKO! KAMI NA ULIT!NAMISS KITA MY LOVE!!!!
YOU ARE READING
The you
Teen FictionThis story is inspired on true story. The writer use other names to cover the identity of the characters. Donny, the famous man because of his physical appearance. Belle, the famous girl because of her intelligence Disclaimer: The name Belle Marian...