Goodbye?

68 1 0
                                    

Me: Tara bball ulit

Belle: POTA DI KA BA NAPAPAGOD?!

Basta kasama ka hinding hindi ako mapapagod

Joao: Tara g! Kila Lorde ulit

Lorde: Tangina nyo! Ubos na pagkain namin dito.

Me: Dali na boring dito sa house

Belle: sige na nga laro tayo may kwento din ako. Ayain nyo si Shane para iwas issue

Lorde: G

Joao: ge lang

Agad-agad akong bumaba para makaligo na. Nagsuot ako ng mint green shirt at black shorts nagsuot na rin ako ng sapatos.

Me: San na kayo?

Joao: andito na kami, san ka na?

Me: paalis pa lang

Belle: Nagbibihis pa lang ako

Kinuha ko na yung susi ng motor at umalis na. Pagkadating ko walang tao sa court kaya dumiretso ako sa bahay nila Lorde.

"Bagal mo talaga" reklamo ni Belle

"traffic!" sigaw ko

"traffic mo ulo mo! Halos wala ngang sasakyan sa labas!" sigaw n'ya

"sungit mo" mahinahon na sagot ko

Tumambay muna kami sa loob ng bahay nila Lorde nang bigla dumilim at umulan. At dahil umulan sinundo na agad ng nanay ni Shane si Shane kaya ako, si Joao, si Belle, at Lorde ang natira.

"Tanginang 'yan sayang punta ko dito!" reklamo ni Joao

"arte!" pambabara ni Belle

"may balat ka kasi sa pwet kaya minalas tayo" pangaasar ni Joao

"pakita ko pa to sayo! Wala kang makikitang balat!" pangaasar pa ni Belle

Wag ako lang dapat! Makikita ko rin 'yan soon diba? Hindi ba?

"ay 'di ba sabi ko may kwento ako?" nakangiting sabi ni Belle habang naglalaro kami ng ML

"ano na naman?" tanong ko

"spill the tea!" sigaw ni Lorde galing sa cr

"so 'di ba nung February nagkwento ako sa inyo, sa gc na kinocompare nga ako ni Aaron sa ex n'ya. Kinausap ko s'ya about don tas girl di nya naiintindihan yung point ko." pagkukwento ni Belle

"oh tapos?" tanong ni Joao

"Nagsabi sakin si Aaron na nagseselos daw siya sa inyo kasi lagi daw tayong magkakasama. E puta pinapapunta ko s'ya sa bahay para makilala ni mama at payagan kaming lumaboy tas ayaw naman niya gago lang" pagpapatuloy ni Belle

"dapat umiwas ka muna samin" sabi ko

"Bakit naman ako iiwas?! Kaibigan ko kayo. Tapos alam nyo ba?!" inis na inis na tanong nya

"ano?!" sabay sabay kaming tatlo

"inopen ko account ni Aaron tas may Princess don kaya pinindot ko, puta men January pa lang naguusap na sila, nageentertain sya ng iba habang may kami kaya ayon sa sobrang inis ko nakipag break na ko" nakanguso si Belle na tila iiyak na

"Hoy gago 5 months lang kayo!" sigaw ni Lorde pagkalabas sa cr

"broken ka na?" nagaalanganing tanong ko

"ako? Broken? Hindi ah!" biglang ngiti ni Belle

Hindi ko alam kung totoo ba yung sinasabi nya ang alam ko lang inis s'ya don sa Princess.

The youWhere stories live. Discover now