May 16 2019
Sabay-sabay kaming mageenroll nila Lorde, Joao at iba pa naming kaibigan.
And nakita ko si Belle with her mom.
Mas gumanda s'ya.
Binati ko s'ya and kinausap n'ya rin ako. Pero alam mo yun habang kausap n'ya ako ramdam ko pa rin yung pagiging malamig n'ya sa'kin.Kasalanan ko rin naman.
Namiss ko s'ya.
Yung araw din na 'yon nalaman namin na magkakaklase kami and syempre kaklase ko rin si Belle.
June 3, 2019 first day of class
Guess what? Late ako.
Pagpasok ko sa room sa likod nakapwesto si Belle kasama yung iba pa naming kaklase. Ang sarap sa feeling na nakita ko na s'yang nakangiti.Ilang linggo ang lumipas at may nakilala akong babae s'ya si Dalia. Nakikita ko sa kanya si Belle, marami kasi silang similarities. I think i like her na. Inaasar din kasi ako ng mga kaklase ko kay Dalia kaya mas napupush pagkagusto ko sa kanya and yeah naging kami.
Months go by and parang nananawa ako sa kanya (kay dalia) plano ko sanang makipagayos kay Belle pero simula nung nag Grade 8 kami parang ayaw na ni Belle sa lalaki. Ilang boys din kasi ang umamin sa kanya na gusto sya pero wala syang pake marami ring gustong manligaw sa kanya pero umayaw s'ya. Kaya ayun sa kaibigan na lang nya ako pumatol, kay Luna.
Marami ring similarities si Luna and Belle kaya nagkagusto ako sa kanya. Yes,nakikipaglandian ako sa iba habang may jowa ako. Ilang linggo rin nagtagal yung harutan namin ni Luna hanggang sa nalaman na ng gf ko at ng mga friends n'ya. Siniraan nila si Luna kahit na ako talaga ang may kasalanan. Nagbreak kami ng gf ko and tahimik na ulit ang mundo ko. Naging mag friends na lang kami ni Luna.
Foundation day. February!
Lumabas ang issue tungkol kay Belle at sa ex n'ya. Kaya tinutukso ng buong batch namin si Belle at yung ex nito na si Kirt.
3rd day of our foundation day. Belle's wearing a pink t-shirt (it's a batch tshirt) and black jeans. Tinali nya sa likod yung pink tshirt nya kaya mas nagmuka s'yang sexy.
I saw her with her ex taking pictures. I admit naman e nagseselos ako kaya kinuha ko phone ko and nag fb nalang kaso nakita kong nag md (my day) yung ex n'ya ng picture nila together kaya mas lalo akong nagselos. Tinigil ko na lang pag ccp ko.
"Low" pagbati ni Belle sa'min nila Joao
"Hi, nagbalikan kayo? Nakita ko md ni Kirt" tanong ko
"luh gago hindi! Dare lang yon sa'min nila Ervin" sagot n'ya habang iniinom ang soft drink na hawak ko
Nalawayan n'ya yung boteng iniinuman ko shocks! Ininuman ko ulit sarap naman ng laway mo Belle.
"tabi nga! Kanina pa 'ko nakatayo init init pa!" pagrereklamo n'ya
Nagtabi kami sa iisang upuan.
"ang likot mo! Mahuhulog ako!"reklamo pa n'ya
"oh ayan!" sigaw ko
I hold her waist para naman hindi sya mahulog. Sa paghawak ko sa bewang n'ya tumahimik na lang s'ya.
Simula nung araw na 'yon naging close na ulit kami ni Belle kaya napapadalas na ulit punta ko sa bahay nila.
Aww ang ganda nya talaga! Super natural!
After ng foundation back to normal na ulit. Puro aral na naman. Nagexam na kami.
Nagexam kami sa math and si Belle hindi, bakit? Well perfect n'ya kasi lagi yung monthly exam kaya ayun laging exempted. Sana matalino na lang ako.
After namin magexam pumasok na sa room si Belle. Dumiretso s'ya sa bag n'ya and may baon na naman syang sandwich.
"nagdadala ka talaga ng baon?" tanong ko
"yes! Gawa kasi ni mama. Tikman mo kaya." pagmamalaki n'ya
"tol masarap 'yan! Lagi nga ako nanghihingi ng baon kay Belle pag may dala s'ya e" sigaw ni lorde
Tinikman ko ang sandwich na dala ni Belle gusto ko pang humingi sa sobrang sarap pero dalawa lang ang dala nya. Huhuhu gusto ko pa
After exam, wala na kaming gagawin pero may pasok pa rin.
LOCK DOWN! QUARANTINE!!!!
Ipinagkait sakin ni covid si Belle (T^T)
YOU ARE READING
The you
Novela JuvenilThis story is inspired on true story. The writer use other names to cover the identity of the characters. Donny, the famous man because of his physical appearance. Belle, the famous girl because of her intelligence Disclaimer: The name Belle Marian...