SHERLYN'S POV
Naiinis ako ngayon kay Josh. Sa tuwing nakikita ko sila magkasama ni Akira parang may kirot sa puso ko. Naiinis ako sa kanya simula ng dumating si Akira dito siya na lang ang lagi niyang kasama dati kapag may mission ako siya laging sumasama sa akin pero ngayon hindi na. Hindi ko naman magawang magalit kay Akira dahil mabait kasi ito kaya nga nagustuhan siya ni Sean ee. At ngayon naman si Josh. Naiinis talaga ako.
Paano ko nalaman? Sinabi niya lang naman sa akin ng iwan kami ni Sean at Akira kaya nakapag-usap kami.
****Flashback****
"Tsk di ko maintindihan ang sarili ko.!" sabi ni Josh sa akin.
"Bakit?" sabi ko na may halong pagtataka.
"Dati gusto ko lang siya protektahan pero ngayon--" di ko na siya pinatapos pa dahil alam ko na ang sasabihin niya
"Nahulog na ang loob mo sa kanya." sabi ko habang hindi ako nakatingin sa kanya. Alam kong nabigla siya sa sinabi ko.
"Sherlyn"
"Kahit sino naman mahuhulog sa kanya ee....mabait si Akira...matalino siya ang problema lang mabilis siyang magtiwala sa iba kaya napapahamak siya." sabi ko na lang sa kanya but deep inside nagseselos na ako.
"Pero--" hindi ko na naman siya pinatapos
"Kung iniisip mo si Sean. Huwag mo na lang ituloy ang--" ako naman ang hindi niya pinatapos
"Alam kong hindi niya kayang protektahan si Akira dahil si Kira pa rin ang laman ng puso niya. Hindi ko rin hahayaaan na masaktan ni Sean si Akira dahil ako ang makakalaban niya" seryosong sabi niya na hindi man lang nakatingin sa akin at tumango na lang ako sa sinabi niya.
****EndOfFlashback****
Nandito kami ngayon sa gym S3 upang itraining si Akira sa bago niyang powers maski ako hindi ko pa siya nalalabanan kaya ito na ang pagkakataon ko. Dito ko malalaman kung hanggang saan na ang kaya niya.
Tineleport ko siya sa gitna kaya nabigla siya tapos sinunod ko naman ang sarili ko. Ngayon parehas na kami nasa gitna ngayon.
"Sherlyn!" sigaw niya sa akin imbis na sagutin ko siya nagpalipad ako ng mga kutsilyo papaunta sa kanya.
Nagulat ako ng biglang humarang sa kanya si Fenrir at gumawa ng shield upang hindi sila matamaan ng mga kutsilyo ko.
Hindi ko akalain na may kapangyarihan din palang taglay ang aso niya. Kaya pala kakaiba ang aso niya.
AKIRA'S POV
"Fenrir?" nagulat ako sa biglang pagsulpot ng alaga ko sa harapan ko at mas lalong ikinagulat ko ng makita ko ulit siya na malaki. Nung una sa dark forest na akala ko ay guni guni ko lang pero ngayon totoo nga ang laki niya ngayon pwede na nga siyang sakyan ee.. Sa sobrang laki niya. Siguro kasing laki niya na ako or lagpas pa na kaunti..
"Fenrir!!" umalis siya sa harapan ko at sumalubong naman sa akin si Sherlyn na may hawak na kutsilyo kaya iteteleport ko na ang sarili ko ng biglang sumulpot sa harapan ko si Sean.
"S-Sean" tawag ni Sherlyn dito at nanlaki ang mata niya ng makita si Sean sa harapan niya.
"L-Lumayo kayo sa akin" Nagtaka naman ako sa sinabi ni Sherlyn at agad naman napahawak si Sean sa balikat bi Sherlyn at napansin ko ang hawak na kutsilyo ni Sherlyn na nakasaksak sa tiyan ni Sean.
"Sherlyn! A-Anong ginawa mo! " Sa taranta ko agad kong inalis ang kutsilyo na nakasaksak kay Sean gamit ang teleportation ko at dahil biglang bumigat si Sean kaya kami napaupo sa sahig habang pinipigilan ko yung paglabas ng dugo na ng gagaling sa tiyan niya.
"A-Ayos lang ako" sabi niya sa akin ng at sabay ngumiti siya at unti unti siyang pumikit.
"Sean gising! Uy sean gising!!" tinatapik ko na ang pisngi niya kung tapik pa ba ang matatawag sa ginagawa ko kasi ang lakas na ng tapik ko ayaw niya pa rin magising.
"Sh*t! Gumising ka naman please" naiiyak na ako kaya pala siya biglang sumulpot sa harapan ko para siya ang matamaan sa ginawang atake ni Sherlyn.
Pumunta na sa akin si Cass at yung tatlo naman ay doon kay Sherlyn na bigla na lang bumagsak. Alam ko na hindi si Sherlyn iyon. Alam ko na nandito pa siya kaya dapat mahuli ko ito.
"Cass mag paalalay ka doon sa dalawa na iyon" sabi ko sabay turo sa dalawa buti naman nakita kami kaya pumunta kaagad sila Steve ate Rence.
"Asan si Clarise---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sumagot kaagad si Cass
"Naramdaman niya rin iyon kaya hinanap niya kaagad kung saan nanggagaling ang malakas na enerhiya na iyon." sabi ni Cass sa akin. Paano naman naramdaman ni Clarisse iyun?
Pinagtulungan nila Steve at Rence si Sean upang buhatin kaya ako tumayo na rin para sundan si Clarise baka mapahamak din siya tulad ni Sean.
Aalis na ako ng pigilan ako ni Cass "San ka pupunta?"
"Hahanapin ko si Clarise --"
"Samahan muna lang sila ako na ang bahala kay Clarise."- Seryosong sabi ni Cassandra sa akin
"pero--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang ito tumakbo palayo sa amin.
"Anong tinutunganga niyo diyan!" napatingin naman ako sa likod ko dahil sumigaw si Josh. Psh..bakit kasi sila nakatunganga ee...yung hawak nila wala ng malay...
"Psh..huwag na kayo mag away ok?!!" sa sigaw ko kumilos na sila at tinakbo ang clinic.
.
.
.
.
.
Nandito ako ngayon sa Office ni Mrs. Valliere kasama sila Clarise, Cass, Louise at Sir. Colbert.
"Nakita nyo ba ang mukha niya"- Seryosong tanong ni Mrs. Valliere sa amin.
"Pasensya na po Mrs. Valliere hindi namin nakita ang mukha niya" - Clarise
"Kasi po natatakpan ng hood ang mukha niya hindi rin namin alam kung babae o lalaki ang nakita namin" -Cass
"Naramdaman ko malakas ang kapangyarihan niya" -Louise
Hindi ako makapag focus. Iniisip ko pa rin ang kalagayan nila Sherlyn at Sean kamusta na kaya sila? Sabi naman nila Josh sila na daw bahala sa dalawa kaya lang di ako mapakali.
"Akira?"
Pupuntahan ko na lang sila pagkatapos ng paguusap namin baka sakaling nagkamalay na sila.
"Akira?!" Napatingin kaagad ako sa kanila ng bigla si Cass sumigaw sa harapan ko.
"B-Bakit?"
"Anung bakit? Kanina pa kami dito nag-uusap nakatulala ka lang dyan!" grabe naman itong si Cass. Kailangan talagang sumigaw. Di naman siya mainitin ngayon noh? -_-!
"Akira ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Mrs. Valliere
"O-Opo ayos lang ako" pilit kung ngiti hindi naman nila ako mahahalata
"Akira ilang elements ang kaya mong gamitin ngayon?" nagtaka naman ako sa tanong ni Mrs. Valliere...
"Fire at Water po." Sagot ko dito at tumango naman ito at mukhang nag iisip.
"Bakit niyo po natanong?" Tanong ko naman dito.
"Wala naman" sabi nito at ngumiti sa akin. Pero bakit ganun? Parang pilit lang ang pinakita sa akin ni Mrs. Valliere o baka guni guni ko lang iyun.

BINABASA MO ANG
MOON PRINCESS
FantasySi Akira Hana Park ay ika-apat na anak ni Hotaru na kilala bilang isa sa mga elemental warrior. At dahil siya lang din ang nag-iisang miyembro ng pamilyang park ang walang tinataglay na kapangyarihan o sadyang hindi niya pa talaga alam kung ano ang...