JOSH'S POV
Nandito ako ngayon sa gym para hintayin si Akira.
'Asan na kaya ang babaeng yun? Dapat kanina pa sya nandito ha!?' sabi ko na lang sa aking isipan.
Mahigit 1hr na syang wala!! May balak ba yun pumunta!? Humanda talaga sya sa akin...!!
Maya maya biglang pumasok si Louise sa gym at parang hindi siya mapakali. Ano naman kaya ang problema ng batang ito??
"Ba't ka nan---" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa pagputol niya.
"Si Akira?! Asan siya?!" Bungad niya kaagad sa akin.
"Hanapan ba ako ng taong nawawala ha?! Bata ka!" Iritang sabi ko dito at sinamaan niya naman ako ng tingin.
"Sagutin mo na lang ang tanung ko! "- Louise
"Wala sya dito. Nakikita mo naman diba?! " kaasar din itong batang ito ee... Paano kaya naging parte ito ng pamilyang park?!
"Hoy!! Gusto mong batukan kita dyan ha!? Mas naaasar din ako sayo noh!! " -Louise
Nagulat ako sa sinabi niya. So ibig sabihin nababasa niya ang isip ko???
"Oo at yun ang kapangyarihan na pagiging isa kong Park. Pwede tawaging special ability namin" pagmamayabang pa niya sa akin.
"Pero ang isa sa miyembro niyo ay hindi parte ng pamilya niyo pero kaya niya rin gawin ang ginagawa niyo. " sabi ko sa kanya at bigla na lang sumeryoso ang mukha niya
"Alam mo na rin pala."- Louise
"At ikaw ang nagbabantay sa kanya. " dagdag ko pa at nginisihan ko lang siya
"Mukhang marami ka rin nalalaman ha.. Tama ka ako nga ang nagbabantay sa kanya. "- Pagmamayabang pa nito sa akin.
Sa umpisa pa lang may kutob na ko sa kanya. Kala ko nagkamali lang ako pero nung pinagmasadan ko siyang mabuti parang may kakaiba rin sa kanya. Nakita ko rin sa kanya ang isang simbolo. Simbolo na hugis kalahati ng buwan. Kala ko hindi talaga totoo ang simbolo na yun.
"Yung simbolo? " nabigla sya sa tanong ko sa kanya.
"Ito ba? " tinaas niya ang buhok niya sa bandang noo at pinakita niya sa akin ang simbolong hugis kalahating buwan.
"Sabi na nga ba. " pag hawi niya ng buhok niya ay bigla siyang napatigil .
"A-Akira" -Louise
"Huh? "Di ko sya maintindihan kung bakit nasabi niya ang pangalan ni Akira.
"Naramdaman ko siya parang may nangyari na di maganda. " pagkasabi na niyun bigla na syang tumakbo palabas at sinundan ko na rin siya tinawagan ko na rin si Ms. Valliere upang ipaalam ang nangyari dahil alam ko na hindi magbibiro si Louise kapag si Akira na ang napahamak .
AYUMI'S POV
Hopefully nakauwi na rin kami ni Kristine hindi ko talaga lubos na maisip na mangyayari iyun kay Akane pero sabi ni Ms. Valliere kahit ano ang mangyari sa kanya iuuwi pa rin namin siya sa academy.
"Ayumi dapat inilibing na lang natin siya." Kahit ako gusto ko rin ang iniisip ni Kristine. Sino ba naman ang gustong makasama ng isang patay? Nakakatakot.. bakit kasi kasama pa ako sa mission na ito ee.
"Ayumi ba't namumutla ka dyan ?" Tanong sa akin ni Kristine.
"Ikaw kaya may kasamang patay. Di ka matatakot?! " Bulyaw ko dito sa inis
"Hindi. "- Kristine. Walang ganang sagot niya.
"Seriously Kristine!!"
"Hay naku Ayumi bumaba ka na dyan at dalhin na natin ito kay Ms. Valliere." Sabi niya na lang sa akin
BINABASA MO ANG
MOON PRINCESS
FantasySi Akira Hana Park ay ika-apat na anak ni Hotaru na kilala bilang isa sa mga elemental warrior. At dahil siya lang din ang nag-iisang miyembro ng pamilyang park ang walang tinataglay na kapangyarihan o sadyang hindi niya pa talaga alam kung ano ang...