AKIRA'S POV
"Grabe sobrang laki pala ng academy na ito parang kalahati na nalibot natin, Ayumi nee-sama" sabi ko sa kanya habang ako nasa higaan lang.
"Ikaw ang may kasalanan nito Akira!" Singhal nya sa akin habang nakahiga din sya at mukhang napagod talaga ng sobra sa paglalakad namin.
"Eh. Why me?" Takang sabi ko pa.
"Pinaglakad mo kaya ako more than 2hrs. Remember?!" Singhal na naman niya sa akin
More than 2hrs ba yun? Hindi ko naman na napansin yung oras dahil nakatutok talaga ako sa paghahanap ng room namin. Atsaka kasalanan ko ba kung bakit ang lawak ng academy na ito. -_-
"Sinunod ko lang naman ang sinabi ni Ms. Longbill ee. Ikaw nga dyan, panay sunod lang sa akin tapos ako pa sisisihin mo? Huhu"
"Tsk. Ewan magpapahinga muna ako and DON'T DISTURBED ME. " seryosong sabi niya at nagtalukbong na ng kumot. Badtrip na naman yan. Hindi ko naman talaga kasalanan ee. Siya yung susunod sunod sa akin. Tss.
"Fine"walang gana kong sagot sa kanya. Agad naman na akong tumayo para isalansan ko na ang mga gamit ko sa cabinet namin. Kaso napansin ko na nasa tabi lang ng cabinet yung mga bagahe niya.
"Tsk. Bahala siya mag-ayos niyan" mahinang sabi ko. Baka kasi marinig ako at makotongan pa. Mahirap na haha.
Pagbukas ko sa cabinet napansin ko na yung mga damit na nakasalansan doon. Kaya agad kong binuksan yung dalawang bag na dala ni Ate Ayumi kaso wala na itong laman. Tss. Ginamit na naman nya ang powers nya azar.
"Kelan ka ba matututo sa sarili mo na hindi gumamit ng powers mo huh ate?" Inis na sabi ko habang tinitignan siya na sarap na sarap sa pagtulog ngayon.
"Zzzzz.... Zzzzz..." tss. Mukha akong tanga na kumakausap sa tulog. Kaya kinuha ko na lang ang bag ko at inayos ko na ang mga gamit ko at nilagay ko na sa cabinet yung mga damit ko. Nang mailagay ko yung mga gamit ko agad naman akong nagtungo sa kusina. Infairness medyo may kalakihan din itong room na ibinigay sa amin. May sarili pang kusina at tv. Sobrang yaman naman pala ni Mrs. Sera kong ganun. Ang swerte siguro ng anak niya. Nag-aaral din ba siya dito?
Lumabas na ako ng kusina para silipin si fenrir ko at si shihou at agad ko naman nakita si fenrir na mahimbing na natutulog na sa kama ko kaya hinanap ko muna kaagad si shihou. Sinilip ko sya sa ilalim ng kama kaya lang wala siya doon. Sinilip ko din sya sa mga bagahe namin baka sumuot siya doon.
Napatigil naman ako sa kakahanap sa kaniya ng mapansin ko yung kulungan niya sa gilid ng kama ko. Paano siya makakatakas doon? Eh ginawa yung kulungan na yun para sa kaniya.
Dahil sa taranta ko agad akong lumabas para hanapin sya baka kasi matakot sa kaniya yung ibang istudyante dito or baka kawawain siya huhu. Or baka gawin siyang pulutan? Gosh! Kawawa naman si shihou kung ganun
Hinanap ko sya kahit saan pero wala talaga sya kaya napaupo ako sa isang damuhan malapit sa lake oo may lake sila dito. Baka naligo dito si shihou?
"Yuhooo. Shihou? Where na you? Dito na si ganda mong amo" sabi ko pa habang tinitignan ko siya sa tubig. Baka kasi nandoon ee. Kaso ilang oras na ako doon kaso wala pa ding shihou ang lumalabas hayysss
"Ssss.....Sssss" Agad naman akong napalingon na marinig ako ang isang tunog ng ahas kaya tinignan ko kaagad kung si shihou nga.
"Shihou?" Lapit ko sa damuhan para makita kung siya nga.
Lumapit pa ako para marinig yun at di nga ako nagkamali isang ahas nga pero di sya si shihou pero bakit sya lumalapit sa akin?
"Nasaan ang amo mo? Naiwan ka ba niya dito magisa?" Tanong ko sa kanya kahit ang sagot nya lang ang "Ssss...Ssss" niya.

BINABASA MO ANG
MOON PRINCESS
FantasíaSi Akira Hana Park ay ika-apat na anak ni Hotaru na kilala bilang isa sa mga elemental warrior. At dahil siya lang din ang nag-iisang miyembro ng pamilyang park ang walang tinataglay na kapangyarihan o sadyang hindi niya pa talaga alam kung ano ang...