Napahawak ako sa ulo ko ng magising ako atsaka umupo sa kama na hinihigaan ko ngayon
"Akira ok ka lang ba?" Napatingin nama ako kaagad sa pamilyar na boses at nakita kobsi Ate Ayumi na kadadating lang at agad na lumapit sa akin.
"Ate Ayumi ----" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng bigla niya na lamang akong niyakap na mahigpit.
"Kasalanan ko talaga ang lahat ng ito. Kung hindi kita pinilit. Hindi sana mangyayari ito" tuloy tuloy na sabi niya.
"M-May nangyari ba k-kay Cassandra? " Alalang tanong ko atsaka siya humarap muli sa akin at tinignan ako sa mata.
"A-Ayos na ang lahat. Huwag ka ng mag-alala" Sabi nito pero parang may gusto pa siyang sabihin sa akin at napansin siguro niya ang tingin ko sa kaniya kaya niyakap na naman niya ako ulit.
"Natutuwa ako dahil gising ka na. Kapatid ko. " sabi nito at tumugon na lamang ako sa yakap niya.
******************************
"Akira, ok ka na ba? " Tanong sa akin ni Sherlyn ng makita ko sila na nakaupo sa ilalim ng puno.
"Ok na ako" sabi ko na lang.
"Yung nangyari doon. Patawarin niyo sana ako. Nawala ako sa control. " Sabi ko at yumuko sa kanila kaya agad na lumapit sa akin si Kristine at iniangat ang ulo ko para tumingin sa kaniya.
"Wala kang kasalanan, Akira. Kami ang dapat sisihin sa nangyari dahil muntik ka na rin mapahamak" alalang sabi ni Kristine.
"Tama si Kristine. Dapat kami talaga ang sisihin dito" singit naman ni Sherlyn.
"Pero ang pinagtataka ko lang. Paano ka nakapag palabas ng isang malaking serpente? " Tanong muli ni Kristine kaya napatingin ako muli sa kaniya.
Paano nga ba? Siguro dahil alaga ko naman siya. Pero yung paglaki niya bigla ang hindi ko alam. Basta nung pinalilibutan na ako ng apoy. Napapikit na lamang ako at nakita ko muli si shihou.
"Siya yung hinahanap kong alaga. Yun yung araw na nakita ko ang walang modong lalaki na yan" sabay turo ko sa nakatayo na malapit kay Clarise kaya napatingin sila doon.
"Tsk" sabi niya
"Dahil sa paghahanap mo sa alaga mo. Doon mo na kilala si Sean? " Tanong ni Clarise sa akin.
"Wala akong sinabi na nakilala ko siya. Sabi ko nakita ko lang at wala akong gana makipag kilala sa walang galang ng tao" sabi ko at nginisahan ako ng loko.
"Kung ganun. Paano naman nawala ang ganong kalaking serpente sayo? " Seryosong sabi nung Sean na yun kaya ang atensyon nila nasa akin na.
"Hindi ko din alam. Basta nawala na lang siya bigla sa kulungan niya at hindi naman siya ganoon kalaki sa totoo lang. Di ko inaasahan ang bagay na yun. Maski ako ay natakot sa kaniya" Sabi ko at habang inaalala yung muli naming pagkikita ni shihou.
"Baka isa siya sa elemental guardian? " Takang tanong ni Sherlyn kaya agad itong lumapit sa akin at binuksan ang isang botones ng blouse ko kaya napalayo kaagad ako sa kaniya.
"Oy Sean, Wag kang tumingin kay Akira! " Sita ni Clarise kaya agad akong napatalikod sa kanila.
"Hindi ako interesado sa kaniya" walang gana nitong sagot. Kaya agad kong binalik sa pagka butones ang blouse ko at humarap muli sa kanila.
"Ano bang ginagawa mo Sherlyn? " naiinis na tanong ko sa kaniya kaya napayuko na ito.
"Gusto ko lang kasi makita yung simbolo ng kanji kung may nakatatak dyan sa anumang bahagi ng katawan mo" sabi nito at tumingin na ng deresto sa akin.
"What?! "Naguguluhan kong sabi kaya agad nag teleport si sherlyn kay kristine.
"Akala niya siguro ikaw na ang susunod sa elemental Guardian kaya tinitignan niya kaagad kong may bakas ka na magpapatunay nito" seryosong sabi ni Clarise.
"Ang elemental guardian ay kayang kontrolin ang kapangyarihan niya. Hindi yung siya mismo ang kinokontrol nito" derestong sabi ni Sean at seryosong nakatingin sa akin. So alam niya yun? Si Ate Ayumi lang naman at ako ang nakakaalam non ee. Sinabi ba sa kaniya ni Ate kaya alam niya rin? Pero imposible yun hindi vocal si Ate sa iba.
"Wala nang natira sa Elemental Guardian." Kristine
"Tama si Kristine wala ng natira isa mang Elemental Guardian sa mundong ito matagal na silang patay." - Clarise
Ok. Sino naman yung mga elemental guardian na yan? So iba pala ang apat na elemental warrior?
"Akira magkaiba ang Elemental warrior sa Elemental Guardian kasi ang Elemental Guardian ang mismong nagpoprotekta sa dating prinsesa ng buwan na si Serina. " Paliwanag ni Clarise kaya mas lalo akong nagulahan. Bakit may prinsesa ng kasama? Shems! Op na naman ako nito sa mga pinagsasabi nila.
Sino yung Serina na yun? Taray ah. May kaharian ba sa buwan?
"Kung meron man, Ang tanging natitira na lamang sa kanila ay ang anak ni Kikyo na si Akane." -sabi ni Cass na kararating lang. Wait asan si Ate?
"Akane?" Takang tanong ko dito
"Cass! Alam mong bawal banggitin ang pangalan na yun. Ang daldal mo talaga! " - inis na inirapan siya ni Sherlyn
Bawal banggitin? Bakit?
"She's our friend kaya dapat lang na may alam din siya about dito. -Cass
"Si Akane ay may kapangyarihang tubig kaya nyang pagalawin ang lahat ng bagay sa kanyang mga kamay sa pamamagitan lang ng tubig. Si Kikyo ang kanyang ina ay isa sa Elemental Guardian na promoproteka sa prinsesa ng buwan dati. " -Sean
Hindi ko alam ang sinasabi niya promise -_-!
"Akira" Tawag sa akin ni Ate Ayumi at seryoso siyang lumapit sa kinaroroonan namin. Bakit kakaiba ang aura niya ngayon. Nakakatakot.
"A-Ate" Alanganin kong sabi at napatigil naman siya sa harapan ko habang ako ay nakatingala kasi nakaupo kami sa damuhan. Agad naman nitong inilahad yung kamay niya at hinawakan ko kaagad ito atsaka niya ako inalalayan makatayo.
"Pinapatawag tayo ng principal ngayon." Diretsong sabi niya na ipinagtaka ko naman.
Wala naman akong ginawang masama ah. Hindi ako nambully kasi alam kong wala akong laban sa mga istudyante dito. Hayss.
Omg! Baka pagbabayarin nila ako sa na pinasala ko sa clinic. Ay bahala na si Dad. May pera naman yun. Haha
Napakunot naman na nakatingin pa rin sa akin si Ate Ayumi. 'Shems! Nabasa na naman ba niya?' Tanong ko sa isip ko at agad namn itong napatango.
"Kukunin ko muna itong kapatid ko" Seryoso niyang sabi at hinila kaagad ako. dahilan hindi na ako nakapagpaalam sa kanila
" Teka lang Ate!!"
******************************
BINABASA MO ANG
MOON PRINCESS
FantasiSi Akira Hana Park ay ika-apat na anak ni Hotaru na kilala bilang isa sa mga elemental warrior. At dahil siya lang din ang nag-iisang miyembro ng pamilyang park ang walang tinataglay na kapangyarihan o sadyang hindi niya pa talaga alam kung ano ang...
